Masakit sa balat ang sikat ng araw pero tinitiis ni Winston maisampay lamang ang mga nilabhan ni Isabel. Tinuruan siya ni aling Buday kung paano ilatag ang mga kumot. “Malayo po ba ang pinuntahan ni Isabel?” hindi na siya mapakali. Kanina pa siya naghihintay sa dalaga nakabihis na siya pero hindi pa rin ito bumabalik. Gusto nga niya sanang sumama kanina pero hindi siya pinayagan ni Isabel dahil makati daw ang mga damo doon at matatagalan sila kung magkasama sila. “Medyo may kalayuan hijo hintayin mo na lang dito at kami ni Mareng Delyn ay pupunta kami sa bayan. Sasamahan niya ako magpapa-check up kami at sasamahan ko rin siya pupunta daw kami sa anak niya.” Napakunot ang noo ni Winston. “Sinong anak?” “Yong Mama n’yo daw pupunta kami sa inyo pagkatapos ng check up ko kasi 3 months