MALAYO ang tanaw ni Lola Delyn animo’y may sarileng mundo dahil hindi nito napansin ang paglapit ng kumareng si Aling Buday. Napansin agad ni Isabel ang malungkot na mukha ng lola niya kaya minabuti niyang lapitan ito. Umupo siya sa kaharap na bangko hindi pa rin siya napansin ng matanda kaya ginagap niya ang kamay nito. “Lola?” “Ikaw pala, apo. Wala ka bang pasok ngayon?” “Kanina pa kita napapansing tulala ka. May problema po ba?” sa halip ay tanong niya. “Alam mong hindi ko kayang maglihim sa ‘yo, apo. Kasi kanina nang magising ako magkayakap kayo ng kuya Winston mo. Mali sa mata ng diyos at mata ng tao ang ganoong ayos ninyong dalawa. Isabel, hindi kana bata anumang oras ay puwede kang mabuntis. Alam mo ang ibig kong sabihin hindi ba at itinuro ko na sa ‘yo ang bagay na ‘yon m