CHAPTER 22 Hindi na nga nakatiis pa ang tigang na lupa sa pagbagsak ng ulan. Ninamnam ko ang sarap na likha ng aming pag-iibigan. Ang kanyang halik sa aking buong mukha at katawan ay nagpapakita lang kung gaano niya ako kamahal. Nang ibinaba niya ang aking panloob ay hindi na ako tumanggi pa. Buong puso kong ibinigay ang aking pagmamahal. Piping saksi ang kwarto ko sa mga halinghing ng aming pagsinta. Bukod kay Jyles, heto ang isang lalaking nagdala sa akin sa kaluwalhatian. Lalaking nagparamdam kung gaano kaswerte ang babae sa piling ng mapagmahal na lalaki. Ramdam ko ang tamis ng aming kapusukan. Sabay naming ginalugad ang langit. “Salamat.” Hinalikan niya ako sa aking labi. Naka-unan ako sa kanyang dibdib. “Akala ko hindi mo na ibibigay pa sa akin gang hiling ko.” “Pwede ba naman iyo