CHAPTER 20 “So ano na? Kumusta naman ako sa puso mo?” Iyon na ang tanong na alam kong itatanong talaga niya sa akin at nakahanda na ako sa aking isasagot. Napag-isipan ko. Panahon na rin siguro ang nagsasabi na ito talaga ang dapat at tamang desisyon ko. “Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Kasi hindi na uso ngayon ang mahabang ligawan. Sa una pa lang kasi alam mo na kung magugustuhan mo ang isang tao o hindi. Kaya sana tapatin mo na lang ako, Khaye.” “Bakit kasi lagi kang nagmamadali?” Bumuntong-hininga siya. “Madali naman akong kausap e. Kung ayaw mo sa akin sabihin mo lang, maiintindihan ko.” Seryoso ang kaniyang mukha. Tinignan ko uli siya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Masiyadong mabilis pa sa akin ang tatlong buwan. Hindi pa sana ako handa. Gusto ko pa sana siyang lalong m