BULLY

3931 Words
CHAPTER 4   Pasukan pagkatapos ng JS, sinadya kong maagang pumasok para iwasan siya. Alam ko kasing dadaanan niya ako. Hindi pa ako handang harapin at kausapin siya. Nahihiya ako. Nakaupo na ako at malapit na an gaming flag ceremony pero wala pa rin siya. Tumunog na ang bell. Lahat kami ay nagsibabaan na at nagsilabasan na sa mga classroom namin. Bumuo na kami ng linya. Palinga-linga ako. Ayaw ko muna sana siyang makita ngunit bakit hinahanap ko siya? Tinataguan ko nga siya e pero bakit apektado ako na wala pa siya at late na? Dahil ako ang pinakamatangkad sa mga babae kaya ako ang nasa hulihan ng pila. Hanggang sa may bumangga sa akin, humahangos na pumila sa pila ng mga lalaki sa mismong tapat ko. Kunot ang noo kong tumingin. Hulin a nang bawiin ko sana ang mga mata ko. Si Jyles ang dumating. Maluwang ang kanyang pagkakangiti at puno ng pawis ang kanyang makinis na mukha. Nakakainis lang. Pawisan na pero sobrang gwapo niya pa rin. “Tol, usap tayo mamaya ha? May kasalanan ka sa akin,” sabi niya sa akin bago nagsimula kaming kantahin ang Lupang Hinirang. Kinakabahan tuloy ako kung ano ang sasabihin niya. Alam ko kasing tungkol na do’n. Naiinis ako sa aking sarili. Natatakot na baka iyon na ang ikasisira ng aming pagkakaibigan. Ipinagpalit ko sa saglit na kasiyahan ang sana ay araw-araw ko siyang makakasama. Hindi ko tuloy kayang sumabay sa pagkanta nila ng Lupang Hinirang. Parang bigla ko na lamang hindi iyon memoryado. Ano kayang idadahilan ko mamaya kung tanungin niya ako kung bakit ko siya hinalikan? Maniniwala kaya siyang lasing lang ako at hindi ko alam ang mga nangyari? Palalabasin ko bang nananaginip lang siya at hindi totoong nangyari ang paghalik ko sa kanya? Sa kalasingan niya, baka nga hindi na niya alam kung totoo iyon o hindi. Tapos na ang flag ceremony at papasok na ang lahat sa kani-kanilang classroom ngunit naiwan ako do’n. Natutulala. Pinagpapawisan. Hindi na talaga ako uulit. “Tol, tara. Usap muna tayo.” Siniko niya ako. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. “Anong sasabihin mo?” hindi ko maiharap sa kanya ang aking mukha. Nagkunyarian akong may hinahanap ako sa aking bulsa kahit wala namang laman iyon. “Bakit nauna ka at hindi mo ako hinintay?” “Iyon baa ng sasabihin mo?” “Oo, nalate ako ‘tol kasi dumaan pa ako sa’yo. Di mo naman sinasagot ang text at tawag ko.” “Sigurado kang ‘yan lang ang sasabihin mo?” “Sabaw ka ba ‘tol? May utang ka pa sa akin nong nag-inuman tayo sa inyo ah!” Napalunok ako. Eto nga nga ‘to. Sasabihin na niya. Kinabahan na ako. “Andaya mo,” umiling siya na parang naiinis. “Sorry,” agad kong sagot. Mainam nang unahan ko siya. “Nalasing kasi…” “Iniwan mo akong mag-isa sa kuwarto mo.” Iyon ang isinabay niya sa dapat ay sasabihin ko. “Ano?” “Tol, pagising ko, wala ka pala do’n kaya magpaalam sana ako ta’s sabi ng mama mo hindi na lang daw kita gigisingin. Napilitan akong umuwing maaga kasi ako ang napasukan ng mama mo sa kwarto mo. Napasigaw pa siya.” Napangiti ako. Parang lahat ng agam-agam at takot sa puso ko ay naparam. Hindi pala tungkol do’n. Para akong nanalo ng lotto. Mabuti at hindi pala niya talagang naaalala. “Pasensiya ka na ha? Sige may gagawin pa ako.” pang-iiwas ko sa kaniya dahil ako yung nakokonsensiya sa ginawa ko.   “Sandali.” Pigil niya sa balikat ko. Naku, gahibla na lang ng buhok, malapit na niyang mahawakan ang boobs ko ‘no. “Iniiwasan mo ba ako tol?” “Hindi. Bakit naman kita iiwasan?” “May nagawa ba ako o nasabi ba ako noong nalasing ako na di mo nagustuhan?” “Wala nga ano k aba?” “O baka naman may nangyari na hindi ko alam?” “Nangyaring ano?” kinabahan na ako. Alam ba niya talaga ang ginawa kong paghalik sa kaniya at hindi lang siya nagsasabi? Nahuli ba niya ako? “E kasi, umiiwas ka, kako baka may nagawa o nangyaring di mo nagustuhan noon?” “Wala.” “Wala naman pala e pero iba yung mga ikinikilos mo? May nangyari siguro ano?” “Bakit ikaw, may naramdaman ka ba?” balik tanong ko sa kaniya. “Wala naman?” nalilito niyang sagot. “Tara na nga at magmiryenda na tayo.” Nakahinga muli ako ng malalim. Sinadya ko na talagang ulit-ulitin at usisain ngunit wala talaga. Clear. Ibig sabihin ay wala nga siyang naramdaman sa gabing iyon. Naku, kung alam ko lang, sana hindi na lang pala halik ang ginawa ko noon. “Ano tol, gawan mo naman ako ng love letter kay Janine.” “Itutuloy mo ba talaga ‘yon?” tanong ko. Medyo nairita. “Bakit kasi yung babaeng ‘yon pa?” “Siya kasi ang gusto ko. Bakit may problema ba?” Huminga ako ng malalim. “Sana lang nagbago na.” “Nagbago na? Bakit masama bang ugali niya?” “Masaba bang ugali?” balik-tanong ko. “Ikaw ang may gusto kaya ikaw ang dapat nakakaalam.” “Okey naman siya. Sweet nga niya nang nag-usap kami noong JS e.” “Okey,” kibitz-balikat na lang ako. Mahirap makipagtalo lalo na kung mukhang natamaan na ang kausap ko. “Ano, tutulugan mo ako?” “Hindi ko alam e.” “Labo mo naman tol e.” “Suge na, please?” Umiling ako. Hindi ko kasi talaga gusto si Janine para sa kanya. Kung sana alam lang niya lahat. “Hina ko naman sa’yo.” Lungkot-lungkutan na naman ang hitsura niya. Bumuntong-hininga pa. Kung ganoon na ang drama niya alam niya na hindi ko kayang nakikita siya na gano’n. “Anong kapalit.” “Yown! Sabi ko talaga e. Di mo ako matitiis, no?” inakbayan niya ako. Halos yakapin na niya ako at tinapik pa niya ang sombrero ko. “Ano ngang kapalit?” tinanggal ko ang kamay niya na umakbay sa akin. “Ganito ang deal, kapag sinagot niya ako, ikaw naman ang tutulungan ko sa panliligaw sa crush mo.” “Baduy tol.” “Ayaw mo?” “Ayaw ko nong kapalit na sinasabi mo. Ayaw kong manligaw. Saka malabo namang magustuhan ako nong crush ko. May mahal na kasi yatag iba.” “Talaga? E, ano naman ang gusto mong kapalit kung hindi iyon?” “Sine tayo.” “Sine? Manood ng movie?” “Oo.” “Iyon lang? ang simple naman.” “Simple lang naman kasi akong tao.” “Call. Sure ka na ‘yon lang ha?” “Saka kain sa labas. Tama. Ilibre mo akong sine at dinner for two.” “Deal, basta galingan mong diskarte ng love letter ha? Dapat yung mapasagot natin agad.” Napatingin ako sa kaniya. Gagong ‘to. Napakatanga niya. Di ba niya ramdam ang lagkit ng tingin ko sa kaniya. Di ba niya nababasa sa mata ko ang kumikislap kong I love you…hayyy! Pero kahit naman pansin niya, gusto ba niya ako? Baka nga layuan na ako ne’to kung malalalaman niya na may gusto ako sa kanya e. “Sure na ‘yan ha? Kunin ko sa iyo bukas tapos kapag mabasa ko at okey, ikaw na rin ang mag-abot.” “Bakit naman ako pa. Ikaw na lang.” “Please? Alam mo namang natotorpe ako e.” “Wala bang iba na pwedeng mag-abot ng sulat mo? Ayaw ko e.” “Sige na. Tinulungan mo na rin lang ako, lubus-lubusin mo na lang tol. Please?” “Okey. Iaabot ko lang ha. Hindi ko na siya kakausapin basta ang usapan, abot lang.” “Okey. Deal.” Writer na ako, ako pa ang messenger. “Siya, sige na. Libre mo na rin ako mamaya recess ha?” “Pansit lang naman kaya sige, ako na bahalang pansit mo.” “Ayos! Salamat best friend!” tinapik ko ang sombrero niya. Gumanti siya. “Ugali mo na talagang ganyanin ako.” Inis kong sinabi sa kanya lalo pa’t nahulog pa ang sombrero ko sa ginawa niya. “Baliw, ikaw itong nauna e.”   Kinagabihan no’n ay hindi ko matapos-tapos ang love letter ni Jyles kay Janine. Halos maubos ko na ang binili niyang mabangong linen paper. Bakit kasi hindi ko na lang sinabi sa kanya na i-type ko na lang sa messenger. I-copy paste na lang niya at i-send na lang niya kay Janine. Di sana di ako nagkakandahirap ng ganito. Di sana di na ako nadadawit pa sa pagpapaganda ng penmanship? Hirap kaya ng pinagagawa niya. Bawat pangungusap na naisusulat ko ay parang barenang bumabaon sa dibdib ko. Naluluha ako. Nasasaktan. Kung pang-aaway sana ang isusulat ko, paniguradong tapos na sana ang sulat. Ang sarap sanang murahin ang babaeng iyon sa sulat. Sa dami ng atraso niya sa akin baka kanina pa ubos ang isang pad sa dami ng mga gusto kong sabihin. Bakit kaya mula bata ang ganda ni Janine. Nang naging dalaga, lalo pa siyang gumanda. Saan kaya siya humugot ng Dyosa ng kagandahan? Nakakainis. Sana maambunan man lang ako. Ano bang gagawin ko sa Janine na ‘to? Lahat na lang nasa kanya na. Pati ba naman si Jyles ko? Isa siyang Anaconda. Gusto niyang isubo ng buong buo ang Jyles ko! Isa siyang ahas! Pero nahimasmasan ako. Kailan ba mananalo si Khaye kay Janine Manalo. Apilyido pa lang taob na ako. Mahal ko si Jyles. Mahal na mahal. Kahit kaibigan lang ang turing niya sa akin. Lagi kong sinasabi na di ba dapat makuntento na lang ako doon at huwag ng umasam pa ng imposible? Di ba nga dapat gawin ko ang lahat ng ipinapakiusap niya dahil iyon ang kasiyahan ng taong mahal ko? Nahiga ako. Ginamit ko ang utak ko. Isasantabi ko muna ang sobrang pagmamahal ko sa kaibigan ko bago ko simulan ang paggawa ng love letter. Pilit kong inisip na kung mahal ko si Jyles, gawin ko ang lahat na makapagpapaligaya sa kaniya kapalit man iyon ng libong sakit sa puso ko. Kung magsabi naman ako sa kaniya ng aking tunay na nararamdaman, imposible rin namang mahalin niya ako kasi nga isa akong dambuhalang pangit. Malayong-malayo sa balingkinitan, maputi at parang supermodel na si Janine. Matuto na lang dapat akong makuntento sa kung anong meron kami ngayon. Nang bukas na sa loob ko iyon ay nagsimula na akong humabi ng sulat. Taglay ko na ang ganoong pag-iisip nang ginawa ko ang sulat niya para kay Janine kaya naging napakadali ang pagtapos ko roon at alam kong may puso ang liham. “Wow tol, hanep! Pinabilib mo ako ne’to. Ang galing ng pagkagawa huh!” pagkatapos niyang mabasa iyon ay inapir niya ako, nagkadaop ang aming mga palad sabay hatak niya sa akin at niyakap niya ako. “Konting bagay. Basta yung usapan ha?” “Oo tol. Hindi ko kalilimutan ang deal. Kain sa labas at sine ng tatlong beses.” “Kuha mo!” “Salamat tol! Kahit saang bagay maasahan ka talaga! You’re my angel tol. O’ pano, ikaw na rin mag-abot sa kaniya ne’to.” “Ano pa nga ba?” kibit-balikat kong tinanggap. Nakangiti lang ako. Masakit na ako ang gumagawa ng tulay para tuluyang malayo sa akin ang mahal ko ngunit mas maganda na iyon kaysa gagawa ako ng bagyong ikakasira naming dalawa. Hindi ko alam ngunit nakaramdam naman ako ng kakaibang saya nang makita ko siyang tuwang-tuwa sa ginawa kong love-letter niya kay Janine. Ilang linggo lang, nang masaya siyang lumapit sa akin. “Oh, bakit hanggang tainga yata ang ngiti mo diyan?” “Ano libre kitang sine mamaya?” “Bakit? Kayo na ni Janine?” “Ikaw lang e. Wala kang bilib sa akin.” “Congrats.” Pinilit kong pasayahin ang aking boses. “Paano? Tuloy na mamaya?” “Sige. Manonood tayo mamaya. Diretso na tayo mula rito. Doon na lang tayo sa sinehan magkita?” “Bakit doon? Hindi ba tayo pwedeng sabay?” “May dadaanan kasi ako kaya mag-jeep ka na lang.” “Sige, anong oras ba?” “Mga 6:30. Sabado naman bukas e kaya ayos lang naman siguro kina titan a gabihin ka ng uwi, di ba? Saka ngayon lang naman ‘to e.” “Huwag kang mag-alala. Ako nang bahala kina mama.” “Sige, mamaya. Huwag kang mawala.”   Panay na ang tingin ko sa aking relo nang lagpas 6:30 na. Kanina pa ako paikot-ikot sa harap ng sinehan. Mabuti na lang hindi ako naka-uniform kaya naman hindi halatang galing pa ako ng shool at dumiretso na sa sinehan. Napakamot ako nang 6:45 na at wala pa rin si Jyles. Hindi naman kasi yung nale-late sa usapan e. Nilabas ko ang cellphone ko. Hindi pwedeng naghihintay na lang ako. “Ano tol, tuloy ba? Nandito na ako kanina pa e.” “Andiyan na. papasok na sa mall.” “Okey. Wait na lang ako.” Sagot ko. Nakapili na ako ng papanoorin naming. Horror ang napili ko. Gusto ko kasing makita at mapagtawanan si Jyles habang nanonood kami. Kapag kasi nanonood kami sa bahay panay ang sigaw niya wala pa namang multo. Ngayon ko lang siya makakasama manood ng sine. Kung kanina, nasaktan ako nang nalaman kong sila na ni Janine, ngayon, okey lang sa akin. Panigurado namang ako pa rin ang kasama lagi ni Jyles lumabas. Biglang may pumiring sa aking mga mata. Amoy ko ang pabango niya at naramdaman ko ang kanyang matigas na dibdib na lumapat sa aking katawan. Gusto ko ‘yon. Kahit alam kong hindi tamang palalimin ko pa ang nararamdaman ko ngayong may girl friend na siya ngunit gusto ko pa rin yung mga pasimpleng mga ganoon na ginagawa niya sa akin. “Baka gusto mong hindi makahinga kapag siniko kita, tol?” nakatawa ako kasabay ng mahina kong pagsiko sa kanya. “Bulaga!” natutuwang sigaw niya nang tinanggal niya ang nakapiring sa aking kamay niya at si Janine ang una kong nabungaran nang tanggalin ni Jyles ang kanyang palad.. Nagulat ako. Hndi ako nakapagsalita ngunit nagawa ko pa rin namang ngitian si Janine. Napakaganda ni Janine nang oras na iyon. Nakalugay ang makintab at tuwid niyang buhok. Mamula-mula ang maputi at makinis niyang pisngi. Naka-arko ang kanyang mataray na kilay. Bilugan ang kanyang mga mata na binagayan ng mahaba niyang pilik-mata. Nakakainggit ang kanyang matangos na ilong. Bukod sa napakaganda niya, seksing-seksi pa siya. Litaw ang maputi niyang pusod at kita ang kurba ng kanyang katawan. “Na-surprise ka ba?” tanong nang masayang si Jyles. “Oo, akala ko tayo lang.” “Ayaw mo ba akong kasama?” nagtaas kaagad si Janine ng kanyang kilay. Bagay na palagi naman niyang ginagawa kapag ako ang nag-aabot ng sulat ni Jyles. Hindi ko na lang sinabi ang katarayan ni Janine sa akin kay Jyles. “Hindi naman sa gano’n. Nagulat langa ako.” “Anong nakagugulat do’n? Girl friend ako kaya kung nasaan ang boy friend ko, natural na nandoon ako. Ikaw ba? Sino ka ba sa buhay ng boy friend ko?” malditang tanong niya sa akin. Tumingin muna ako kay Jyles. Gustung-gusto ko siyang sagutin ngunit nagtimpi ako. “Hon, actually, usapan lang sana namin ni Khaye ito. Isinama kita nang hindi niya alam.” “Okey lang hon. Nagbibiro lang naman ako.” Ngumiti siya. “Huwag kang mapipikon ha? Ganito lang talaga ako magbiro.” Ngumiti siya. Isang plastikadang ngiti. Nang nakabili na si Jyles nang ticket ay mabilis na kinuha ni Janine ito sa kamay niya. Tinignan niya ang mga seat number saka niya ibinigay ang mga ticket namin.                 “Bili muna akong pop corn ha? Anong flavor ang gusto mo Hon?”                 “Bakit ikaw na naman ang pipila, Hon? Hindi ba pwedeng si Khaye naman?”                 “Oo nga, ako na lang Jyles.”                 “See? Okey lang naman di ba Khaye?”                 “Okey lang. Sabihin na lang ninyo kung anong gusto ninyong flavor.”                 “Cheese sa akin. Ikaw Hon?” tanong ni Janine kay Jyles na noon ay napapakamot.                 “Regular lang sa akin.” Sagot ni Jyles nakatingin siya sa akin.                 Pagkarinig ko sa gusto nila ay naluha ako. Mukhang ito na ang huling labas namin ni Jyles. Bago ako nakarating sa pila ay hinawakan ni Jyles ang palad ko.                 “Best, pambili oh”                 “Ah, hindi okey lang. Ako na.”                 “Hindi best, ako naman talaga ang taya kaya please kunin mo ‘to.”                 “Bakit biglang best na ang tawag mo sa akin? Di ba tol ang tawagan natin?”                 “Ke best o tol ang tawag ko sa’yo basta sana isipin mo, hindi kita pinapapalitan ha? Ikaw pa rin ang best friend ko.”                 “Okey lang ‘yon.”                 Tinapik niya ang balikat ko kasunod ng pilit niyang ngiti. Kung di ko lang iniisip si Jyles baka kanina ko sinagot-sagot si Janine.                 Habang bumibili ako ng pop corn ay nagawa kong lingunin ang dalawa.                 Panay ang yakap ni Janine kay Jyles. Nandiyang may kung anu-anong tinatanggal si Janine sa mukha ni Jyles. Minsan din kinukuha niya ang kamay ni Jyles. Tatalikod siya at magpapayakap siya kay Jyles. Mabilis kong binawi ang tingin ko. Masakit. Nakapanghihina ngunit sino ba ako sa buhay ni Jyles? Kaibigan lang niya ako at girl friend niya ang pinagseselosan ko. Doon pa lang talong-talo na ako.                 Nang inabot ko ang pop corn nilang dalawa ay biglang nag-make face si Janine sa hindi ko alam na dahilan.                 “Is this cheese flavor?”                 “Yes,” sagot ko.                 “Hindi ba sinabi kong regular flavor lang ako?”                 “You did?”                 “Yes. Hay naku naman simpleng pagbili ng pop corn hindi ka maasahan,” parinig sa akin ni Janine.                 “Excuse me? I am not your servant here. I am neither fool or blockhead here. I clearly heard you instructing me to buy you a cheese flavor. Don’t make me like a dumb sucker here b***h!” singhal ko sa kanya. Baka akala niya kayang-kaya niya ako. Hindi ako maganda, aminado ako. Pero hindi ako bobo. Mabilis akong tumalikod sa kanila papunta sa entrance ng sinehan. Wala akong panahong makipagtalo sa tanga.                 “What? Nakita mo ‘yon?” pagsusumbong niya kay Jyles bago ako tumalikod ngunit walang nagawa si Jyles. Subukan niyang ipagtaggol ang girl friend niya at iiwan ko sila.                 Nauna na akong pumasok sa sinehan at umupo.                 “Okey ka lang?” tanong ni Jyles nang nakapasok sila ng b***h niyang girl friend.                 “Okey lang ako.” sagot ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga.                 “Excuse me? Ako diyan.”                 “Ano?” tanong ko.                 “Hindi ka na nga maganda, bingi pa. Ano na lang maganda sa’yo?”                 “Paanong ikaw dito?”                 “So? Ako ang aadjust? Ikaw ang uupo sa gitna namin ni Jyles?”                 “Sabihin mo nang maayos.” Umusog ako. “Ikaw na nga ang unang namili ng number, hindi mo pa inayos ang pamimili ng uupuan mo? Hindi ba katangahan na ‘yon?”                 “Sorry? May sinasabi ka?”                 “Wala,” sagot ko. “Maganda ka nga, tatanga-tanga naman, useless rin.”                 “You know what Khaye? I don’t like you.”                 “I don’t like you either.”                 “Wow, sa pangit mong ‘yan may ayaw ka pa rin?”                 “Hon, ano ba? Nakakahiya, andaming tao oh?” pagsaway ni Jyles sa girl friend niya.                 “Mabuti nang ngayon pa lang, alam na na dapat niya kung saan siya lulugar. Ayaw ko sa pangit. Ayaw kong mahawa diyan sa pimples niya, ayaw ko nang baboy na kasamang mamasyal.”                 “Sumosobra ka na.” pabulong kong sagot. Namumula na ang aking mga mata. Naiiyak. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako sobrang nalait. Yung lait sa harap pa mismo ng best friend at lihim kong minahal. Sobrang sakit. Yung sakit ay sagad sa buto lalo pa’t wala siyang ginagawa para ipagtanggol ako.                 “What? Lalaban ka? Sabihan mo ako na wala akong karapatan?”                 “Janine ano ba? Tama na!” may diin na ang pagkakasabi ni Jyles doon.                 “Sorry Janine, hindi ko kasi alam na ikaw ang kasama naming manood. If I knew, I should have turned down this. Don’t worry, this is the last time na magkasama tayo. Nakakahiya kasing ma-associate ka sa pangit na kagaya ko.”                 “Good. Okey na. Just go.”                 Huminga ako ng malalim. “Enjoy your date,” kasabay ng pagtayo ko ang pagbaybay ng luha sa aking pisngi. Pagkalabas ko pa lamang ng sinehan ay sinundan agad ako ni Jyles.                 “Tol, sorry ha? Kung alam ko lang na hindi kayo magkasundo, sana tayo na lang muna ang lumabas ngayon.”                 “Okey na ‘yon. Girl friend mo ‘yan e.”                 “Akala ko ba tol, okey kayo ni Janine? Di bas a tuwing nagbibigay ka ng sulat sa kanya ibinibida mo ang kagandahan ng approach at pakikisama niya sa’yo? Bakit parang hindi iyon ang nakita ko ngayon sa inyong dalawa?”                 Tipid na ngiti ang isinukli ko.                 “Anong totoo?”                 “Kapag ibinibigay ko ang sulat mo sa kanya, hindi naman ‘yan nagsasalota. Minsan nga binubulyawan pa niya ako kung babagal-bagal kong iabot sa kanya.”                 “Binubully ka ba niya dati pa?”                 Bumuntong-hininga ako. “Sige na bumalik ka na sa loob. Mauna na ako.”                 “Sige tol. Basta, labas tayo ha? Magte-text ako kung kailan ako free.”                 “Okey lang ako. Huwag mo nang isipin iyon. Pasensiya ka na at nasira ko pa yata ang unang date ninyo.”                 “Kasalanan ko naman e. Gusto ko kasi sana maging matalik din kayong magkaibigan. Para hindi ka pa rin mawala sa akin. Kasi gusto ko kasi sana okey kayo. Baka naman, pwede?”                 “Sa ngayon, subukan ko. Para sa’yo. Pero kung hindi siya magbabago at ako lang ang mag-aadjust. Baka mas mainam na huwag na lang.”                 “Sige basta tol, subukan mo muna ha? Bago mo siya sukuan.”                  “Sige, tuloy na ako. Baka lalong magalit iyon kapag matagalan kang kausap ako rito.”                 “Sige, ingat tol.”                 Tumango lang ako.                 Nang nasa jeep na ako ay biglang naalala ko lahat nang nasa elementarya pa lang ako. Si Janine. Ang isa sa mga dahilan kung bakit bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Siya ang dahilan kung bakit ganoon na lang kababa ang aking self-esteem. Araw-araw noong mga bata pa lang kami ay ipinapamukha niya sa akin ang kaibahan ko sa kanila. Yung ginagawa nila sa bahay na itaas ang self confidence ko ay sinisira lang ni Janine at mga alipores niya. Siya rin ang nangsabing hindi raw bagay sa akin ang mag-dress. Para raw akong lalaki na nagdadamit babae. Mas mainam dawn a magdamit lalaki ako kasi iyon ang bagay sa akin. Hindi rin daw ako dapat naglalaro ng manika dahil nagmumukha raw akong si Anabel. Walang araw noon na hindi niya ako pinapahiya. Walang sandali na hindi niya ako napapansin. Nandiyang aksidente kuno niya akong tapunan ng lomi. Minsan din, binuhusan niya ako ng malamig na soft drink. Basta walang araw noon na hindi niya ako apihin. Dahil maganda siyang bata, paborito siya ng aming mga teachers at ako, dahil pangit kahit pa mas matalino naman ako sa kanya ay mas pinapaboran pa rin siya.                 Grade 4 kami noong pinatulan ko siya. Ginupit niya kasi ang mahaba kong buhok. Ang sabi niya, buhol buhold daw ang buhok kong mukhang alambre kaya mas maiging putulin kasi masakit sa mata. Dahil punum-puno na ako kaya kami nagpang-abot. Mananalo na dapat ako ng sabunutan noon kaya lang, marami ang kaibigan niya. Marami ang tumulong sa kanya at pinagtulungan nila ako. Halos mahubaran ako noon at umuwing kalbo dahil ginupit nila ang buhok ko. “Sinong gumawa ne’to?” galit na galit si Mama noon. Nagsumbong ako. Hindi ko alam na nang nagharap-harap kami sa Principal’s Office kasama ng mga magulang ni Janine ay narinig kong inapi rin ng mama niya ang mama ko. Mabuti na lang matalino si Mama. Nagawa niyang ipahiya ang mama ni Janine, imbes na siya na kamukha ko lang ang naapi, hindi siya nagpatalo. Hindi niya hinayaang matain lang silya dahil pangit siya. Mula noon, naging idol ko na si mama. Namulat ako sa katotohanang, mas daig ng matalino ang maganda sa debate. Kaya kailangan kong magpakatalino para may laban ako sa kahit sino pang maganda. Mula noon, pinanindigan ko na rin ang maiksing buhok at kumilos lalaki. Naisipan kong magtomboy na lang dahil sa takot na pagtawanan nila Janine kung magpipilit akong magsuot ng dress. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko kay Janine. Mainit talaga ang dugo niya sa akin kaya naman ako nakiusap na lang kina Mama at Papa na i-transfer na lang ako sa ibang school. Pumayag naman sila.                 Noon ay naging tahimik na ang buhay ko. Umayos ang mga grades ko. Lalo akong naging masaya dahil lagi ko nang kasama si Jyles. Ganoon lang kami noon ni Jyles, kalaro, kaasaran at katropa. Ang hindi lang maganda, hindi na ako bumalik sa pagiging babae. Nakilala na kasi niya ako bilang tomboy o lalaki kaya naman, akala ni Jyles, likas talaga akong tomboy mula nang ipinanganak ako. Hindi ko nakuwento ang tungkol kay Janine kaya wala siyang alam sa nakaraan namin ng girl friend niya. At ngayon, bumabalik si Janine sa buhay ko para muling hiyain at alipinin ako. Binubully pa rin niya ako hanggang ngayon at nangako ako sa saking sarili na hindi ang kagaya ko ang aapihin lang ng kung sinu-sino. Oo, pangit man ako ngunit putang ina, matalino ako. Hindi ako makapapayag na uulitin niya ang ginagawa niya noong elementary pa lang kami. Dalaga na kami ngayon. Hindi ko man makuha ang puso ni Jyles ngunit hindi ako patatalo. Aagawin ko si Jyles sa kahit anong paraan, huwag lang muling magwawagi si Janine sa laban namin ngayon.                 Sa muling paghaharap naming, sisiguraduhin kong akin din ang huling halakhak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD