CHAPTER 27 Kung magpipilit siya ay hindi ako magdadalawang isip na gawin ang lahat para lang tuluyan na siyang umalis. Sa galit ko noon ay maari akong makapatay. “Sige, tignan nga natin kung ano ang kaya mo! Di ba sinabi ko naman sa’yo? Babae ka lang!” Humakbang siya palapit sa akin. Malikot ang kaniyang mga mata na parang naghahanap din ng maari niyang pantapat sa hawak kong pamalo. Nakita niya ang isang matalim na gunting. Mabilis niya iyong kinuha. Nanginginig ako sa galit. Wala akong ibang iniisip kundi ang depensahan ang aking sarili kahit pa kapalit nito ay ang pagkitil sa buhay ng taong dati kong minahal. Hindi ako nagpatinag kahit may hawak siyang gunting. Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot. Punum-puno ng galit ang aking dibdib. Wala na talaga akong maapuhap na pagmama