CHAPTER 26 “Tapusin niyo na ang ginagawa ninyo. Nasimulan na ninyo, nakita ko na, kaya tapusin niyo na lang pero sana sa tamang lugar, mga hayop!” Isang malakas na pagsara ng pintuan ng aking kwarto ang tanging alam kong paraan para maipadama sa kanilang hindi ako natutuwa sa aking nasaksihan. Mabigat kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Gusto kong umiyak ngunit ni maluha hindi ko magawa. Sayang. Kung kailan decided na akong magpatali kay Jc saka pa nangyari ito. Gumawa na rin ang langit ng paraan na hindi dapat kami ni Jc ang magkatuluyan. Ginising ako ng Diyos na tigil na ang pagpapakatanga. Napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Kaya pala hindi na ako kinukulit ni Jc na magsiping kami kasi nagagawa na nila iyon ni Joan. Mga walang hiya! Mga hayop. Gusto kong lumabas para pagsisiga