CHAPTER 14 Hindi na ako bumangon pa para maghapunan kahit panay ang pagkatok ni Jyles sa aking kuwarto. Nakailang tawag at text rin siya. Nakikiusap na kakain lang ako ngunt hindi ko na muna iyon pinansin. Gusto kong mapag-isa. Hindi ko pa sila kayang harapin. Kahit anong pilit kong makatulog ngunit madamot ang antok sa akin. Ganoon pala kasakit masaktan? Hindi mo magawang makatulog dahil sa sakit na iyong nararamdaman. Parang may kung anong nakadagan sa’yo. Patuloy na naglalaro sa isip ko ang nangyari at kahit ilang malalalim na buntong-hininga ang aking pakawalan, hindi pa rin naiibsan ang sakit na umiikilkil sa akin. Madaling araw ng nakaramdam ako ng pagkauhaw. Nakakaya ko naman na tiisin ang gutom nguit hindi ang pagkauhaw. Lumabas ako ng kwarto. Nakita kong tulug na tulog sila sa