CHAPTER 16 Pagkatapos ng tatlong araw ay bumalik na rin ako sa Manila. Niyakap ako ng aking pamilya. Hanggang sa huling sandali pinipigilan pa rin ako ng aking mga magulang ngunit alam ko naman na papayagan na talaga nila ako. Lahat ng desisyon ko kahit hindi sila kumbinsido sa una ay suportado naman nila. Maswerte akong may mga magulang ako na kagaya nila. Nang araw bago ako aalis ay nagsimula na akong maglagay ng damit ko sa aking maleta. Naroon pa rin ang hapdi. Sobrang sakit pa rin lalo pa’t hindi na niya ako naalalang kamustahin man lang. Buo na ang loob kong lumimot. Sana magiging tama ang desisyon kong lumayo. Para naman hindi matengga ang condo, sunod ko namang pinarenta sa iba ito. Hindi sa gusto kong pagkakitahan ito kundi gusto kong kahit papaano ay may maglilinis o may mag-a