JS PROMENADE

4207 Words
CHAPTER 2 Dumating ang buwan ng February. Juniors na kami noon. Kung sa mga magaganda, ito ang pinakahihintay nilang yugto ng aming kabataan, ako ito yung kinatatakutan kong dumating. Kung pwede sanang mag-skip at gawin na agad na March. Excited ang lahat sa kung ano ang kanilang gown na isusuot. Nagkakagulo ang mga kaklase kong babae kung anong kulay ang kanilang mga sapatos, kung ano ang klase ng kanilang make up at kung paano nila aayusin ang kanilang mga buhok. Akalain mong pati make-up at ayos ng buhok ay may mga tawag silang hindi ko naman alam? Kung sino yung maiingay para sa aming JS sila yung maraming manliligaw at tahimik sa aming discussion. Mga walang maisagot sa kanilang test paper at recitation. Yung pinakamaganda nga sa klase namin, noong bago mag-JS ko lang narinig ang boses? Nakapagsasalita pala ‘yon? Unang pagkakataong makipagsayaw sa kabila ng prostesta ko sa aming mga teachers na hindi ako magsusuot ng gown o hindi aatend ng JS. Gawin na lang nila akong utusan. Tiga-bgay ng snacks o tiga-check ng attendance huwag naman ako sanang gawing katawa-tawa sa lahat. Matinding problema sa akin iyon na kahit ilang buwan palang bago an gaming JS ay kinakabahan na ako kung paano ako makakaiwas. Unang karanasang makaharap sa iisang mesa ang mga katulad kong babae at lalaki. “Sige na Khaye. Ikaw ang tatanggap sa Key of Responsibility sa mga Seniors kaya kailangan mong mag-gown.” “Pero ma’am, hindi kasu talaga ako pwede e.” “Paanong hindi nga pwede? Sige ka, huwag mo akong sisihin kung hindi ikaw ang magiging first honor sa taong ito.” “Ma’am naman, ano naman ang kinalaman ng hindi ko pagsusuot ng gown sa grades ko.” “Aba’y malaki. Sige na tapos na ang usapang ito. Sinasabi ko sa’yo Khaye, walang sisihan.” “Okey po,” sagot ko na lang sa aking adviser kahit sa totoo lang ay wala talaga akong balak umattend pero sayang naman kung dahil lang do’n ay hindi ako mag-top sa Junior year ko. Hindi pwede ‘yon. “May problema ‘tol?” tanong ni Jyles sa akin paglabas ko. Hinihintay kasi niya ako para sabay na kaming mag-recess. “Pinapasuot ako ng gown sa JS. Pootah, gown tol. Gown ang gusto sa aking ipasuot? ‘Kalain mo ‘yon?” Tumawa siya imbes na sana ay makisimpatya sa akin. Lalo akong nairita. “Anong nakakatawa?” “Kasi anliit na bagay pinoproblema mo. Hindi naman sila ang susuotan mo ng gown tol, ikaw ang magsusuot ng gown.” “Iyon na nga ang problema e.” “Gusto mong marinig ang solusyon ng gwapo na, matalino mo pang bestfriend?” “Gwapo lang ‘tol. Naangkat ko na lahat ang katalinuhan.” “Hindi sa pagkakataong ito, tol.” “O, sige na, ikaw na ang matalino ngayon. Anong solusyon ‘yan?” “E, di pumunta sa kung anong gusto mong suot. Hindi ka naman nila huhubaran e.” “Paano kapag hindi ako pinapasok dahil hindi ko sinunod ang prescribed outfit? E, di malilintikan pa rin?” “Oo nga no. Mag-gown ka na nga lang.” “So, ‘yon na yung sinasabi mong solusyon? Walang Plan B?” “Wala e. Mag-gown ka na lang talaga ‘tol, promise ako nang susundo sa’yo, ako na rin ang haharap sa mga bashers.” “Totoo ba ‘yan?” “Oo, totoo promise!” itinaas niya ang kanyang kamay. “Paano yung partner mo?” “E di pumunta siya sa JS mag-isa. Basta sagot na kita, tol. Ako nang bahala sa’yo.” “Sabi mo ‘yan ah.” “Gago ka ‘tol, kailan pa kita ibinagsak. Tara na, dami mo kasing arte at iniisip e. Patapos ng recess di pa tayo naka-miryenda aba.” “Bakit mo pa kasi ako hinintay.” “Gago ka ba? Sabi mo ikaw ang taya ngayon. Aba, inubos mo pera ko kahapon sa dami ng order mo sa canteen ah.” “Ah, ako ba ngayon?” nakangiting pagmaang-maangan ko. “Sige. Basta pansit ka lang ha?” “Pansit?” natawa siya. “Pansit lang? Kaumay tol. Bukod sa dry na, may sahog lang na isang hiwa ng carrot at isang maliit na repolyo. Maka-jackpot ka na kung may isang naligaw na hiwa ng karne.” “Ang arte mo naman e, ikaw na nga lang ‘tong magpapalibre.” “Burger na lang. Tatlo. Kahit tubig na panulak.” Siniko niya ako sabay kindat. Iyon ang lalong nagpapahina sa akin. “Takaw mo talaga.” “Kuripot ka lang kasi.” Tinapik niya ang sombrero ko saka niya ako inakbayang parang barkada lang.                 Sabay na kaming pumunta ng canteen. Hindi ko alam kung matutuwa akong akbay niya ako. Nakakasikip kasi ng dibdib. ******                 “Tumawag pala ang adviser mo sa akin ‘nak,” salubong ni Mama sa akin pag-uwi ko nang bahay kinahapunan.                 “Bakit daw ho?”                 “Tungkol sa JS ninyo.” Bumunot ako ng malalim na hininga. “Hindi na lang ako aatend, Ma.” “Anong hindi? Bukas sasamahan kita pumili ng gown.” “Ayaw ko ho.” “Ayaw mo o grounded ka ng isang buong buwan.” “Bakit kasi nauso pa ‘yang JS na ‘yan?” “Kung walang JS, wala ka ngayon? Alam mo bang napansin lang ng Papa mo ang kagandahan ko nang JS at siya rin ang nakita kong pinaka-pogi sa gabing iyon?” “Talaga Ma, si Papa na ang pinakapogi no’n?” “Oo nak, naku grabe. Hanggang ngayon kinikilig pa ako.” “Mga tao ba yung mga lalaking nasa JS ninyo noon?” “Bastos kang bat aka ah! Wala kang respeto sa amin.” natawa si Mama. Alam ko kasing nagbibiro lang siya. Nakuwento na kasi niya noon na kaya naman sila naging pares ni Papa dahil sila yung hindi napili. Sila yung hindi napansin. Kaya sila na lang ang pinagpartner ng kanilang mga guro. “Excited na akong maghahanap sa parentahan kung anong nababagay na gown sa’yo, nak.”                 Napakamot ako at napailing. “Bahala kayo.” Wala nga talaga akong kaligtas-ligtas. Best friend nga pala ni Mama ang adviser naman kaya tanggapin ko na lang ang pagkatalo. Mahirap man para sa akin na sundin ang gusto nila pero wala naman talaga ako magagawa. Kung puwede lang sana akong magsuot ng damit panlalaki ay ginawa ko na. Sadya ngang may hangganan talaga ang pagtotomboy-tomboyan kung high school ka. Wala kang karapatang umangal sa alituntunin ng paaralan. Sila ang nagdedesisyon sa kung ano ang dapat isuot at ayos. Araw ng JS gabi na pero nakahiga pa rin ako at nagbabasa ng pocketbook. Halatang wala akong balak bumangon at maligo. Hindi ko talaga gustong um-attend. “Ano hinihintay mo? Pasko o sabuyan kita diyan ng tubig. Aba Khaye, anong oras na.” “Nilalagnat ako ‘Ma, hindi na lang ako pupunta.” “Anong nilalagnat?” lumapit siya sa akin. Inilagay niya ang likod ng palad niya sa aking noo. “Nilalagnat? E, wala nga akong maramdaman init. Sige na. Maligo ka na dahil nandiyan na sa labas si Jyles. Sabay daw kayong pumunta sa school?” “Nandiyan na siya? Bakit ang aga naman ‘yata.” “Hindi siya maaga. Ikaw lang itong late na. Hindi ka ba nahihiyang pati si Jyles nale-late sa pagka-irresponsable mo? Hindi kita pinalaking ganyan. Matuto kang tumupad sa usapan ninyong magkaibigan dahil hindi magandang ugali ang walang isang salita.” Bumuntong-hininga ako. “Sige na Ma. Maliligo na ho.” “Dapat lang dahil akong magagalit sa’yo.”   Si Mama la lang ang nag-ayos sa buhok ko pero nagrenta pa siya ng bakla na mag-make up daw sa akin. Tumanggi man ako ngunit nando’n na ang bakla. Nang makita niya akong lumabas sa banyo ay napatulala ang bakla. Alam kong natulala siya dahil hindi niya alam kung saan siya huhugot ng himala. Kung paano niya ako mapapaganda. Sabi pa nga niya, kailangan daw matakpan ang pimples ko sa mukha. Kaya hinayaan ko siyang gawin na lang ang lahat ng gusto niyang gawin. Simple lang naman ang gown ko. Lavender na hindi talaga kayang itago ang aking katabaan. Wala ring nagawa ang make-up at lipstick para pagandahin ako. Hindi nakatulong masyado ang pagpaparlor ni Mama sa akin. Ayos naman ang buhok ko, shiny pero dahil sa maiksi kong gupit ay mukha lang talaga akong lalaking nagsuot ng gown. Ang saklap ng kapalaran. Nauna sina mama sa baba. Nag-aabang sila sa hagdan para sa aking pagbaba. Naiirita ako. Nakailang-ikot na ako sa malaking salamin ngunit wala talaga ako makitang ganda kahit pa paulit-ulit akong binobola ng baklang nag-ayos sa akin. “Hindi ba nasira ang kredibilidad mo sa akin ate?” “Bakit naman nasira e ang ganda-ganda mo kaya?” “Saang banda ate? Pati ba naman tayo naglolokohan pa?” Tumawa siya. “Nagdasal na ako sa poon ng kagandahan, ikaw din magdasal.” “Ibig sabihin ba niya’n dasak na lang ang tanging paraan para gumanda ako?” “Saka gayuma para maganda na rin ang tingin ng iba sa’yo.” “Grabe k ate.” “Oh, di b aba? ‘yan ang gusto mong marinig? Kahit sabihing maganda ka na naman e di ka naniniwala kasi nga, hindi naman talaga mukha at katawan ang may sira, yung utak mo at pagtingin mo sa sarili mo.” Huminga ako ng malalim. Siguro nga, maganda ako, sa paningin ng iba ngunit ako? Hindi koi yon makita. May standard akong tinitignan sa kagandahan at iyon ang alam kong wala ako. “Ate Khaye ‘yan na ‘yon? Yung pinagpaguran ninyo ng ilang oras dito, ‘yan lang pala ‘yon?” Natatawang entrada ng kapatid ko pagpasok niya. Halatang nang-aasar. “Oo at baka gusto mong gawin kitang pang-ipit sa buhok ko. Sige mambwisit ka pa!” singhal ko. Tumawa siya. “Pinapatanong ni Kuya Jyles kung matagal ka pa daw ba? Baka raw akala mo magliligpit lang kayo ng pinagkainan, mga mesa at upuan. Kasama raw kayo sa party at hindi mga tiga-ligpit.” “Oo na! Hayan na, pababa na okey?” Paglabas ko sa kwarto at patungo na ako sa hagdanan ay naisip ko ang madalas kong mapanood na eksena. Parang slow motion na bababa ako sa hagdanan habang nakatingin sina Mama, Papa at Jyles sa akin na hindi makapaniwala sa pinagbago ng hitsura ko. Mapapatitig si Jyles sa akin. Magagandahan siya. Magkakaroon ng pagkagusto sa akin. Sa pagkakataong iyon lang niya naisip na may nakatago pala akong kagandahan. Parang ang sarap mag-imagine. Parang gusto konhg isipin na ngayong gabi, mangyayari nga iyon. Nang nasa hagdanan na ako at humahakbang na ako pababa, nakita kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Binabantayan nila ang aking mga kilos. Pinatagal ko ang aking paghakbang. “Ano ba, Khaye! Bilisan mo namang bumaba aba. Kanina pa si Jyles dito.” Natatawa si Jyles. Yung tawang may halog pang-asar? Malayo sa in-imagine ko. Bakit ba ako nangarap nang gising? Alam ko namang para lang iyon sa mga mamagana at mapuputi? Nang nakababa na ako ay natitigan ko si Jyles nang malapitan. Napakaguwapo niya nang gabing iyon. Suot niya ay blue long-sleeve na binagayan niya ng sky blue na neck tie at dark blue pants. Nangangatog ang tuhod ko nang magkaharap na kami at amoy ko na muli ang mumurahin niyang pabango. Para lang ako ang date niya dahil sinundo pa niya ako. Parang ako si Sarah Geronimo at siya si John Lloyd sa A very special love. Sa mga di makarelate diyan sige, gawin nating makabago, feeling ko ako si Kathrine Bernardo at siya naman si Daniel Padilla sa pelikulang Must be Love. Wala pa rin? Naku kung di mo pa rin maimagine ang hitsura ko, payo ko, itigil mo muna panonood mo ng mga tik tok at pagfe-f*******:. Manood ka rin kasi kapag may time. Manood ka nang mga may sense na pelikula para makarelate ka sa love story ng lola mo hindi sa kung anu-anong inaatupag mong Vlog! Basta ganoon ang feeling ko no’n. “Tara na?” tanong niya sa akin. HInihintay kong kunin niya ang kamay ko. Halikan niya at ilagay sa kanyang braso bilang escort ngunit hindi iyon nangyari. “Tita, Tito, mauna na ho kami ni Tol. Ihatid ko na lang mamaya pag-uwi.” “Sige. Kahit hindi mo ihatid kami nang bahala. Pupunta naman kami ng tita mo manood,” sagot ni Papa. “Manonood pa kayo? Dito na lang kayo ‘Pa.” sagot ko. “Ito kaya ang unang araw na isasayaw ka ng mga binata kaya dapat lang panoorin namin ni mama mo kung paano ka pag-aagawan mamaya.” “Pag-aagawan? “ natawa ako. “Baka pag-aagawan ng langaw. Tara na tol.” Hinahawakan ko ang braso ni Jyles. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Naghatid iyon ng ilang libong boltae sa akin. May kakaiba akong naramdaman. Nanginig ako. “Ano ba yan tol. Dapat pareho tayo ng suot. Naninibago akong nakagown ka,” bulong niya nang palabas na kami. “Asan ang sasakyan mo?” “Anong sasakyan ang sinasabi mo? Magmomotor tayo?” “Susundo-sundo ka ta’s pasasakayin mo lang ako sa motor?” “Babae? Lakas mong magpababae ngayon ah. Naka-gown lang dapat ba espesyal na?” “Kita mo naman oh, nakagown ako ta’s sa motor mo lang ako pasasakayin?” “Tara na. Huwag ka mag-helmet. Sayang naman ang pinangpakyaw mo nang foundation at make-up sa kapal niyan.” Natawa siya nang sumampa na siya sa kanyang motor. “Grabe ka sa akin ah!” “Biro lang. Hindi  lang kasi ako sanay na nakikita kang nakaganyan. Saka grabe ang kulay ng gown mo lalo kang umitim. Violet ba naman.” Hindi na lang ako nagsalita. Alam kong biro lang niya iyon para patawanin ako pero hindi ako natutuwa. Maaring nagpapatawa siya kasi ugali naman talaga naming okrayin ang isa’t isa ngunit nang panahong iyon lalo pa’t nag-eeffort din naman ako para gumanda ay nasaktan ako. Iyon kasi ang dahilan para lalo pang bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Kung sa kaniya natural lang iyon na biruan namin, ako sobrang laking epekto no’n sa akin dahil galling sa taong mahal ko ang pamimintas. Kung hindi lang dahil ako ang tatanggap sa Key of Responsibility ay hindi na sana talaga ako aatend sa JS Prom na ‘yan. Ngunit nandito na ito kaya kailangan kong harapin. Wala naman yatang namamatay sa pagiging pangit. Nang nasa school na kami ay una siyang bumaba sa motor. Akala ko iiwan na niya ako at ako na lang ang bahalang bumaba ngunit inilahad niya ang kamay niya para alalayan niya akong bumaba. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang kamay niya lalo pa’t binabanatan niya akong pang-ookray. Naramdaman siguro niyang hindi ko gusto ang huli niyang sinabi lalo pa’t isang tanong isang sagot na lang ako kanina habang nasa byahe kami. “Pupunta ka pa bas a CR?” tanong niya sa akin habang hawak niya ang palad ko. “Kailangan pa ba? Wala namang magbabago kahit pa pupunta ako ro’n.” “Ayusin mo lang sandali yung buho mo saka yang violet na gown mo bago tayo papasok sa gym.” “Sige.” Sagot ko at naglakad na ako palayo. “Hindi, sasamahan kita hanggang makapasok ka.” Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya sa kanyang braso. Nakahawak ako sa kanya habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung bumabawi lang siya dahil alam niyang nasaktan ako. “Dito lang ako ha? Hintayin kita.” Ngumiti siya at kumindat. Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang gwapo ni Jyles. Pagpasok ko ay toilet ay sandali kong tinignan ang mukha ko sa salamin. Tama si Jyles. Nawala nga ang mga peklat ng pimples sa aking mukha, nagmukha naman akong espasol sa kapal ng aking make-up kaya ang ending, halos nakayuko na lang ako para maitago ang hindi ko nagustuhang ayos.   Nagsimula ang sayawan. Dahil may partner naman talaga si Jyles kaya ako iniwan sa aking escort na kagaya ko ay pinagkaitan din ng kaguwapuhan. Bukod sa tahimik na siya, ayaw pa niyang sumayaw at gusto lang maglaro sa kanyang cellphone. Kaya naman ako ay naroon lang at nanonood sa mga nagsasayawan. Hindi naman ako naiinggit na sila ay nagsasayaw at ako ay hindi. Nakaramdam lang ako ng bagot. Dahil nababagot, nababantayan ko ang lahat ng kilos ni Jyles. Noon ko naranasang magselos. Tama, nagseselos ako kahit wala namang dahilang magselos ako. Naiinis ako kahit pa alam ko namang kaibigan ko lang si Jyles. Mali na kung maling mainis sa ikasisiya ng best friend pero ang makita si Jyles na sumasayaw kasama ng iba’t ibang magagandang babae sa aming school ay sadyang nagpainis sa akin. As in asar na asar ako kapag nakikita kong nakikipagtawanan siya sa kapareha niya habang hawak niya ang baywang ng babae. Naku, kung di lang ako makapagpigil ay sarap tularan si Maja Salvador bilang si Lily Cruz sa Wild Flower. “Yun nga lang, mabait ako. Kaya pangiti-ngiti lang na may kasamang thumbs-up kung lumilingon sa akin si Jyles. Nakaupo lang kami ng kasing-katawang partner ko. Kain ng kain sa miryenda. Sa tulad kong dambuhala, nabitin ako sa binigay nilang miryenda kaya nagpabili pa ako ng dagdag na makakain kay mama. Pagkatapos ng part ko sa JS ay pinilit ko na si Mama na magpalit ako at umalis na sa table ko. Pumayag naman si Mama kaya paalis na kami dapat nang biglang hinawakan ni Jyles ang kamay ko. “Bakit?” tanong ko. Naguguluhan. “Sayaw tayo.” “Ayaw ko, nahihiya ako.” “Isa lang. Para naman hindi masayang yung gown mo.” “Ayaw ko nga nahihiya ako.” “Isa lang. Promise. Kahit isang beses lang. Hindi na kita kukulitin.” “Andami naman kasi diyan bakit ako ang pinagtitripan mo?” “Para lang may experience ka ng JS tol. Sige na.” bulong niya sa akin. Nasagi ng labi niya ang aking tainga. Parang may kung ano namang kuryente na dumaan sa bawat sulok ng aking katawan. Kailangan niya kasing ibulong sa tainga ko ang kanyang mga sinasabi ko para magkarinigan kami.                 “Tara?” tanong niya sa akin. Inilahad niya ang palad niya. Hindi ako sanay sa ganoong trato sa akin ni Jyles. Naasiwa ako kasi mas sanay akong balubal siya sa akin.                 Tumango ako. Nilingon ko si Mama nang tumayo ako at magkahawak kami ni Jyles para sumayaw sa gitna. Nakita ko pa ang paghawak niya sa kanyang dibdib at napaluha sa saya. Akala kasi niya hindi na ako makakasayaw hanggang matapos ang JS namin. Kaya naman nang nasa gitna na kami ni Jyles ay panay ang kuha ni Mama ng litrato sa akin. Hindi na siya magkamayaw pa.                 “Tignan mo si Tita, tuwang-tuwa. Mas natutuwa pa siya sa’yo.” bulong ni Jyles.                 Ngumiti lang ako. Alam ko kasing pilit pinapataas ni Mama ang confidence ko at batid kong bilang ina, masakit sa kanyang makita na ang anak niya ay hindi nag-eenjoy sa dapat ini-enjoy ng mga kabataan dahil sa mababang pagtingin sa sarili.                 “Masaya ka ba tol?” tanong ni Jyles sa akin.                 “Oo naman, ikaw ba?”                 “Masaya na.”                 “Masaya na o masaya pa.”                 “May pagkakaiba ba ‘yon?”                 “Kasi kanina pa kita nakikitang masaya. Kaya hanggang masaya ka pa rin.”                 Bumunot nang malalim na hininga si Jyles. “Mukha lang akong masaya. Iyon kasi ang nakikita mo lang. Pero nalulungkot pa rin ako. Masaya nga ako para sa’yo kasi tignan mo’ng family mo, nandito lahat sila. Todo suporta sa’yo.”                 “Oo nga pala? Nasaan sina tita?”                 Mapait lang na ngiti ang isinukli ni Jyles sa akin.                 “Sana maging memorable ang gabing ito sa’yo kahit ngayon lang kita isinayaw kung kailan patapos na.”                 “Bakit mo pala ako isinayaw?”                 “Ba’t naman ganyan ang tanong mo? Kanina pa dapat kita isayaw pero nakakahiya naman sa partner mo na mauna pa ako e siyan itong escort mo? Bakit ka nga pala hindi isinayaw ng mokong na ‘yon?”                 “Di naming trip ang isa’t isa.”                 “Talaga? Hmnnn, Khaye?”                 “Yes?” tanong ko.                 “Sorry kanina ha?”                 “Sorry saan?”                 “Doon sa mga biro ko?”                 “Ano ka ba? Para ka namang iba. Madalas tayong nagkakabiruan. Sanay na ako.”                 “Hindi pala dapat kita binibiro na ng ganoon ngayon kasi dalaga ka na?”                 “Pucha ka ‘tol. Pinilit lang nila ako mag-gown pero tang-ina ako pa din ‘to uy.”                 “Pero maganda ka.”                 Namula ako.                 “Ulol! Bolahin mo lelong mo.”                 “Seryoso nga, maganda ka.”                 “Tigilan mo nga ako. Iiwan kita rito.”                 “O, e di sige. Chakka mo tol.”                 “Yown. Tayo pa ba maglolokohan e kilala na natin ang isa’t isa?”                 Hindi siya sumagot. Tumitig si Jyles sa aking mga mata.                 “Uyy, ano? Bakit ka nakatitig? May muta ba ako?”                 Hindi pa rin siya tumitinag. Nakatingin pa rin siya sa akin. Bumaba iyon sa aking labi na para bang pinapag-aralan niya ang bawat anggulo ng aking mukha. Lalo akong nahiya. Yumuko ako.                 Tahimik lang kaming nagsayaw hanggang natapos ang music.                 Hinatid niya ako at bumalik siya sa kanyang upuan na tahimik pa rin.                 “Ano kayang nangyari ro’n?” bulong ko sa aking sarili.                 Muli akong umupo at hindi na nasundan pa ang sayaw na iyon.                 Huminga ako ng malalim, sa totoo lang naiinggit ako sa mga babaeng naroon. Mabuti pa sila, naeenjoy nila ang kanilang kabataan. Nakakapagsayaw ng paulit-ulit. Pinagpapasa-pasahan ng mga gwapo naming mga kaklase. Nag-uunahan sila para maisayaw lang ang mga naggagandahan kong mga kaklase. Mapalad silang mga biniyaan ng ganda. Hindi sila nahihiyang ipangalandakan ang kanilang mga kasuotan samantalang ako nakaupo lang sa likod. Nanonood sa kanila. Gabi kasi iyon ng mga magaganda’t seksi hindi ng mga matatalino at achiever sa school. Masaya ako para sa lahat ngunit sana mas masaya kung kasama ako sa mga nagdidiwang. “Ano ‘nak, uwi na tayo?” tanong ni Mama sa akin nang makita niyang nakaupo lang ako sa likod at nalulungkot na nanonood. “Sige ‘Ma, magpaalam lang ho ako kay Jyles.” “Sige ‘nak.” Pinuntahan ko si Jyles para sana magpaalam ngunit nakita kong magkahawak-kamay sila ng partner niya. May kurot iyon sa aking puso. Hindi ko nagustuhan ang naabutan ko. Dahil hindi naman niya ako napansin at may bulugan pa sila ng partner niya kaya naman akong nagdesisyon na umuwi na lang na hindi na sa kanya magsabi pa. Nakakahiya namang sirain ko ang moment niya. “Ma, tara na po,” bulong ko kay Mama. Mabilis akong naglakad palayo sa gym. “Khaye, ano ba? Dahan-dahan naman sa paglalakad anak.” Sigaw ni Mama. “Ano bang nangyari sa anak mo?” tanong ni Papa kay Mama. “Aba malay. Bilisan na lang natin nang maabutan natin siya.” Nakita ko sa di kalayuan ang sasakyan namin. Doon ko na hinintay sina Mama. Hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang sama ng loob ko. Hindi ko talaga nagustuhan ang nakita kong ginagawa nina Jyles at nang partner niya ngunit iniisip ko, saan ako humuhugot ng galit e wala naman kami ni Jyles? Kaibigan lang naman niya ako. Pagdating namin sa bahay ay agad akong nagbihis. Tinanggal ko ang aking make-up. Kahit lagpas hating-gabi na ay hindi pa rin ako makatulog. Sinubukan kong ituloy ang aking binabasang pocketbook. Gusto kong mawala sa isip ko ang nakita ko kaninang pakikipaglandian ni Jyles. Bakit ba napakalaki ng epekto nang nakita ko? Di ba dapat alam ko na kung saan lang ako lulugar? Di ba dapat tanggap ko na hanggang best friend lang ang turing sa akin ni Jyles? Mangyayari talaga ito at ngayon palang dapat matuto na akong tumanggap ng pagkatalo. Nang hindi naman pumapasok ang binabasa kong libro ay minabuti kong isara na lang iyon at patayin na ang ilaw sa kwarto. Pagkapatay ko ng ilaw ay nakita kong umiilaw ang aking cellphone. Tinignan ko ang tumatawag. Si Jyles. Nakailang missed call nap ala siya at ilang text. Mabilis kong sinagot ang tawag niya. “Bakit?” agad kong tanong. “Nasa gate ako.” “Gate? Saang gate?” “Gate ninyo?” “Ha, bakit?” “Makikitulog ako sa’yo.” “Ano?” “Sige na please? Wala na ako ibang mapuntahan.” “Sige, sandali lang, bababa na ako.” Kinabahan ako. Hindi ako handa ng sleepover lalo na sa lalaking lihim kong mahal. Kinakabahan ako na nanlalamig. Sana walang mangyayari na siyang pagsisihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD