Chapter 29

1202 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “May lead ka na ba?” tanong ko sa kanya matapos niyang sabihin na dito sa kaharian namin niya hinahanap ang nilalang na siyang pumatay sa kanyang ina.   Umiling siya. “Ang paninirahan lang niya sa kahariang ito ang tanging aking nalalaman.”   “So? Paano mo malalaman kung ang nilalang na iyong makakaharap ay ang pumaslang sa iyong ina?” tanong kong muli.   Itinuro niya ang kanyang kaliwang mata. “Mayroon siyang malaking pekat dito.” Itinuro din niya ang batok. “At may marka siya ng tourmaline stone na siyang pagkakakilanlan na isa siyang mamamayan ng aming kaharian.”   Kumunot ang noo ko. “Hindi ba’t tanging mga royal at noble beings lang ang may marka ng batong nagre-representa ng kahariang kinabibilangan nito?” sabi ko. “Ibig sabihin--”   “Kabilang sa pamilya ng isang duke ang pumaslang sa aking ina.” pagpapatuloy niya sa akma kong sasabihin.   “Huwag na nga muna nating pag-usapan iyan.” sabi ni Chein. “Nasisiguro kong makakahanap din ng sapat na impormasyon iyang si Soren upang tuluyang makilala ang pumaslang sa kanyang ina.”   Tumangu-tango ako. “Just tell me if I can help you with anything. Hindi man magkaibigan o magkalaban ang kahariang ating pamumunuan sa hinaharap ay magkaibigan naman tayo bilang mga adventurer.”   Tumayo si Alicia. “I’ll just go to the bathroom.” Agad na siyang lumabas ng VIP room.   “I didn’t expect.” ani Soren. “Kilala si Sina Crisiente bilang duwag at mahina pero ibang-iba iyon sa babaeng kaharap ko.”   Ngumiti ako. “Well, I can’t blame you for asking that question but I am really that weak and cowardly princess who chose to hide myself in the tower.”   “Really?” aniya na tinanguan ko. “Why change of heart?”   “Because hiding is useless dahil nagawa pa din akong masaktan ng mga nagtatangka sa buhay ko.”   “Eh?” Hinawakan ni Chein ang magkabilang balikat ko. “Nasa panganib ang buhay mo?”   Tumango ako. “Hindi ba nakarating sa inyo ang balitang muntik kaming mamamatay ni Alicia?”   Umiling siya. “Hindi namin alam iyon. Ang tanging alam ko lang ay nagkulong ka sa tower matapos mamatay ang iyong kapatid na dating tagapagmana ng trono.”   “Oh.” sabi ko. “Marahil ay hindi nila gustong magpanic ang kaharian kaya inilihim nila ang nangyari sa akin.”   “Did you see who tried to kill you?” tanong ni Soren.   “We caught the one who shot my eye.” Itinuro ko ang kanang mata ko. “But the one who stabbed me with Alicia, hindi ko nakita ang mukha. Ah, ni hindi ko nga din alam kung paano sila nakapasok ng tower at nakalapit sa amin nang hindi ko man lang napapansin.”   “Then nahuli nyo ang nasa likod ng tangkang pagpatay sayo?” tanong naman ni Chein. “Napaamin nyo ba iyong nahuli nyo?”   Umiling ako. “He was murder before he can say anything.”   “They silenced him.” aniya. “Ibig sabihin ay hindi imposibleng malapit lang din sayo ang mastermind ng pagtatangka sa buhay mo.”   “Iyan din ang iniisip ko pero wala akong kahit anong proof kaya hindi ko pa magawang makapag-focus sa imbestigasyong iyan.”   “And what are you planning to do now?” tanong ni Chein. “Ngayong lumabas ka ng tower, hindi mo ba naisip na isa ka nang live target.”   “I am aware of that and I was actually waiting for them to attempt their assassination again.” nakangisi kong sabi. “I am not the weak and cowardly princess that the whole world knows. I’ve changed and I will be the one who will punish those who tried to kill not only me but also Alicia.”   Ipinatong ni Chein ang kanyang kamay sa ulo ko pagkuwa’y ginulo ang aking buhok. “You have really changed, Sina. Sana ay noon ka pa naging ganyan oara hindi nasayang ang mahabang buhay mo sa pagkukulong sa tower na iyon.”   “Hindi ko pinagsisisihan ang pagkukulong ko sa tower na iyon.” sabi ko. “Dahil pinrotektahan din ako nito habang nag-iipon ako ng lakas ng loob na harapin ang problema at responsibilidad ko.”   Siguro ang tanging pinagsisisihan lang ni Sina ay ang mga nasayang na panahon kung saan inilalayo niya ang sarili sa mga taong alam niyang nagmamahal sa kanya.   Mga panahong sana ay ibinuhos nalang niya sa pagpaparamdam kung gaano niya kamahal ang pamilya at kaibigan niya.   Mga pagkakataong kailanman ay hindi na niya mahahawakan pa.   “Luna!”   Napalingon ako sa pintuan at nakita si Alicia na humahangos. “Anong nangyari.”   “Kailangan na nating umalis dito.” aniya at agad hinablot ang kamay ko pagkuwa’y inalis ang novice bracelet ko at itinabi iyon. “Nabalitaan ng mga mamamayan na narito tayo kaya unti-unti nang dumadami ang mga tao sa labas.”   “Eh?” Sumilip ako sa bintana at mukhang mahihirapan nga kaming makadaan sa dami ng mga taong dumadating.   “Mas mabuti nang sa guild office na tayo maghintay hanggang lunch time para sa job test natin.” Bumaling siya kina Soren. “Maiwan na namin kayo.” Hindi na niya hinintay pang makasagot ang dalawa at agad na akong hinila papunta sa likuran ng restaurant.   Doon ay tinulungan kami ng manager at hinayaang makadaan sa back door na siyang naging dahilan kaya nakaiwas kami sa maraming taong naghihintay sa amin sa front door.   At bago pa man nila kami mapansina ay agad na kaming tumakbo papunta sa guild office.   “Mukhang hindi magiging madali ang buhay natin hangga’t hindi tayo nakikita ng mga mamamayan.” sabi ko.   “Hindi kasi makapaghintay na dumating ang award ceremony.” inis niyang sabi. “Masasapak ko din talaga iyang si Chein eh.”   Bahagya akong natawa. “Chill ka na, Alice.” sabi ko. “Kahit naman bugbugin mo ang lalaking iyon ay  hindi na niya mababawi pa ang mga ikinwento niya sa tao. Let’s just hang in here hanggang magsawa sila sa atin.”   “At sa tingin mo ay magsasawa sila?”   Nagkibit balikat ako. “Pero wala naman tayong ibang choice eh.”   Bumuntong hininga nalang siya at inis na ginulo ang buhok. “Fine. Sana lang ay hindi sila maging sagabal kapag nagsimula na uli tayong tumanggap ng quest.”   “Hindi iyan.” paniniguro ko sa kanya. “Malay mo pa nga, dahil sa pagiging sikat natin ay lalo pang dumami ang quest na natatanggap ng Ruwan Rai kumpara sa ibang guild.”   Marami naman kasing guild na nagkalat sa buong mundo at nakabase sa iba’t-ibang kaharian pero ang pagkakaalaam ko, ang Ruwan Rai ang pinakamalaki at pinakasikat.   Muli siyang bumuntong hininga. “Then, they should better put more and worthy quests that will be accepted once we get our job roles.”   I am sure that there will be more quests that will fit for us to do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD