Chapter 2

1217 Words
Nagising si Charlotte sa pagtunog ng kanyang cellphone. Tiningnan niya ang oras sa relong pambisig,alas tres palang ng madaling araw. Kinuha niya ang cellphone na nasa ibabaw ng kanyang durabox at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Leslie, ang kanyang bestfriend at kababata na rin. Dahil sa hirap ng buhay nakuha nitong pumasok sa bar bilang isang babaeng mababa ang lipad. Hindi na rin kasi ito nakapagtapos ng pag-aaral katulad niya, lalo na ng madisgrasya ang kanyang ama sa pinagtatrabahunan nitong construction company. Nahulog ito mula sa ikatatlong palapag, mabuti nalang hindi ito nasawi ng mangyari ang aksidente, iyon nga lang habang buhay na itong baldado dahil kinailangang putulin ang dalawa nitong mga paa. Kaya naman bilang panganay na anak, si Leslie ang bumalikat ng lahat ng tungkulin ng kanyang ama. Ang ina naman nito ay isa ring masasakitin kaya, hindi rin ito makatulong sa kanya. Kaya ang trabaho lang na ito ang naging paraan ni Leslie para mabuhay ang kanyang pamilya. Kadalasan itong hinuhusgahan ng mga kapitbahay at mga kalugar nila pero hinahayaan lang nito ang mga iyon. Ang mahalaga dito ay maitaguyod nito ang kanyang pamilya. Never niyang hinusgahan ang kaibigan, naiintindihan niya ang kalagayan nito. At ang isa pang nakakatuwa dito, mahal na mahal siya nito bilang kaibigan. Kadalasan ito pa ang natatakbuhan niya kapag may problema siya, lalo na kapag tungkol sa pera. Pero ni minsan hindi siya nito siningil at kapag nagkukusa naman siyang magbayad, tumatanggi ito. Sasabihin nito na, itabi nalang niya ang pera. At kahit minsan, hindi siya nito inaya sa trabaho nito. Ang sabi nito tama ng isa lamang sa kanilang dalawa ang marumi. Palagi nga niya itong pinagsasabihan, para kasi sa kanya. Hindi ito marumi, katulad ng paniniwala nito. Oo at kung sino-sinong lalaki ang nakakasama nito, kung sino-sinong lalaki ang gumagalaw dito, pero napakabuti nitong anak, kapatid, at kaibigan. At dahil don kaya hindi ito marumi para sa kanya, napakabusilak kasi ng puso nito. Kaya mahal na mahal niya ito bilang matalik na kaibigan at kahit kailan walang makakapantay dito. " Les, bakit napatawag ka? Nasa club ka ba? " tanong niya dito ng sagutin niya ang tawag nito. " Oo Cha, nagising ba kita? Sorry ha, excited lang kasi ako sa ibabalita ko sayo. " masayang sabi nito. " Talaga Les? Ano ba yon? Pinapakaba mo naman ako. " natatawang sabi niya dito. " May raket nanaman tayo Cha. Take note, malaki ang kikitain natin dito! " muling excited na sabi nito. " Wow! Talaga? Saan naman? At ano? " sunod-sunod na tanong niya. " Bukas ko na sasabihin sayo ang buong detalye, tumawag lang ako ngayon para sabihin sayong magkita tayo bukas sa favorite nating kainan. " " Alam mo kaasar ka! Pabitin epek kapa dyan ha." kunyari nagtatampong sabi niya dito. Natawa naman ito. " Pasaway na to, batukan kaya kita dyan! Hinihintay na kasi ako ni panot, ayan oh wala ng tigil sa kakakaway sakin. O sya sige na babush na, ako na taya bukas kaya dimo na kailangang bawasan ang kayamanan mo noh. " " Ay sus, para namang pinagbabayad mo ako sa tuwing kakain tayo. O sya sige na, mag iingat ka ha. Kikilatisin mo muna ang mga lalaking sinasamahan mo. " paalala niya dito. " Okey po kaibigan kong maganda, ako po ay magpapaalam na. Sayang naman ang kikitain ko kay panot kung magdamag tayong magtitsikahan dito. Babay na, bestfriend. I lab yah!mhuaah!" paalam nito. " O sya sige, kaibigan kong sexy. Bye na, i lab yah din!umuaah!" sagot niya dito bago pinatay ang tawag. Napapailing na nahiga muli si Charlotte, basta talaga sa mga raket hindi nagpapahuli ang kaibigan niya. Sa lahat ng mga raket nito hindi pwedeng hindi siya kasama. Dati-rati maiksi lamang ang buhok niya dahil medyo boyish nga siya kung gumalaw pero pinilit ni Leslie na mapapayag siyang mapahaba ito. Isang beses kasi, nasubukan nilang sumali sa isang pageant at siya ang nakasungkit ng korona. Kaya naman simula non, pinahaba na nila ni Leslie ang kanyang buhok at halos lahat na yata ng patimpalak sa pagpapaganda ay nasalihan na nila. Karamihan doon ay naiiuuwi nila ang korona. Hindi kasi biro ang angking kagandahan ni Charlotte, napakaputi nito, makinis ang mga balat animo alaga ng derma ngunit sa katunayan hindi pa siya nakakapasok sa mga ganong lugar. Matangos ang ilong, likas na mamula-mulang labi, bilugang mga mata na animo nangungusap palagi at nahahawig sa isang korean actress na si Kim Tae Hee. Hindi ito katangkaran ngunit hindi rin naman ito mababa, kaya pansinin talaga ito. Siya iyong tipong kapag dumaan ay hindi mo na lulubayan sa pagtitig. Ngunit boyish kong kumilos si Charlotte, kahit manamit ganon din. Hindi siya katulad ni Leslie na sexy talaga kung manamit ngunit kahit ganon hindi pa rin maitatago ang kanyang ganda at perpektong katawan. Maaga pa kaya bumalik sa pagtulog si Charlotte. Samantala. Maagang nagising si Denver, nagshower muna siya bago nagluto ng almusal. Kumakain na siya ng magring ang kanyang phone. Sinagot niya ito ng makitang si Jayson ang tumatawag. " Morning Dude." bati nito sa kanya. " Aga mong tumawag ah, anong atin? " tanong niya. " Dude, pasyal ako jan sa condo mo mamaya ah. Inom tayo, day off mo naman bukas diba? " sabi nito. " Sige ba, ako ang taya sa pulutan kaw na bahala sa alak." nakangiting sabi niya. " Ok! May pag-uusapan tayo. " sabi nito. " Woah! Ano nanaman kaya yan? Baka tungkol nanaman yan sakin ah,babatukan na talaga kita. " sabi niya dito. " Basta, bye na marami pa kasing order na cakes. Maya nalang, kita nalang tayo dyan sa condo mo. " paalam nito. "Sige, bye. Ingat ka. " sagot niya. " Sige, salamat. " iyon lang at naputol na ang tawag nito. Hanga siya sa kaibigang si Jayson, dati hirap na hirap din ito sa buhay ngunit ngayon asensado na ito. Ng makagraduate ito ng college, nag-abroad ito ng dalawang taon. Nang makaipon, umuwi ito ng Pilipinas at nagtayo ng sarili nitong business. Ito na ang bakery na minamanage nito, nakuha niya lahat ng timpla sa bakery na kanyang pinasukan sa ibang bansa at ito naging dahilan kaya tinangkilik ng maraming costumers ang mga gawa niya. At sa loob lamang ng isang taon, nakapagtayo na siya ng dalawa pang branch ng kanyang bakery na minamange naman ng kanyang dalawang kapatid. Nakabili na rin ito ng sasakyan,naipaayos ang bahay ng mga magulang nito at nakapagpatayo na rin ito ng sariling bahay. Malikot man sa babae si Jayson, ngunit seryoso ito sa pag-ibig dangan nga lang at hindi pa ito nakakatagpo ng babaeng magpapatibok ng puso nito. Sa katunayan, ang bahay na pinagawa nito ay inihanda niya kapag siya ay nag-asawa na. Kaya sa lahat ng mga naging babae nito, wala pa ni isa man ang nakatuntong sa bahay nito. Natatandaan pa niya na sinabi nito, na ang dadalhin lamang niyang babae dito ay ang kanyang magiging kabiyak. Naisip niya ang tungkol sa sasabihin nito. " Ano nanaman kaya ang sasabihin ng mokong na iyon? Haaayy, pasaway talaga, sabagay matagal-tagal na rin ng huli kaming magkaharap sa inuman. " sabi niya sa sarili. Itinuloy na niya ang pag-aalmusal at ng matapos naghanda na para sa pagpasok sa kompanya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD