Napasabunot sa sariling buhok si Denver, kahit siya hindi makapaniwalang nagawa niya iyon kay Charlotte. Hindi niya napaghandaan ang reaksyon ng kanyang katawan ng mapalapit siya dito. Lalo pa at di sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi. Bigla-bigla'y di siya nakapag-isip ng maayos ng muling matikman ang malambot na labi ni Charlotte,animo magnet ito na ayaw ng bumitaw ng kanyang labi ng mapalapat dito. Ilang sandali ng wala si Charlotte sa harapan niya ngunit hindi pa rin mahupa ang init na kanyang nararamdaman. Napabuntung hininga siya at nagpasyang magshower na lamang at muli niyang pinaraos ang nararamdamang init gamit ang sariling kamay. Samantala sa kwarto ni Charlotte. Nagmamadali niyang isinuot ang damit bago sagutin ang makulit na tumatawag. " Hello Les, ano kumusta