NAGISING ako nang maramdaman ang mga paghaplos sa'king buhok.
"Hmm…" Idinilat ko ang aking mga mata at si Liu ang nakita ng mga ito. Saglit akong napakurap kurap. Si Liu ba talaga ito?
Nang maging malinaw ang lahat sa 'kin ay nag init ng husto ang aking mga pisngi.
"Good morning." Bati nito.
"G-Good morning..." Hindi ko nanaman magawang maituwid ang dila. Kanina pa ba ako nakayakap dito? Gulong gulo ako.
"Sorry hindi ko sinasadyang yakapin ka." Nagtakip ako ng mukha sa labis na kahihiyan matapos kong bumangon. Hindi naman ito umimik kaya't lumingon ako sa gawi niya. Ang itim na itim na pares ng mga mata nito, kay gandang pag masdan habang malamig na nakatitig sa 'yo.
Hindi na ito nag salita at kusa nang bumangon at dahan dahang naupo sa awtomatikong wheel chair. May malawak na beranda sa aming silid at doon ito nag tungo. Pinag masdan ko lamang ito. Tahimik na nakatitig sa malawak na nasasakupan. Kinuha niya ang isang piraso ng sigarilyo at nag sindi ito.
Hindi nag bago ang ekspresyon ni Liu. Nakakatakot parin ang kanyang mga tingin.
May kumatok naman bigla sa labas kaya't pinag buksan ko ito.
"Young Lady handa na ang makakain." Si Auntie ito.
"Sige po Auntie tatawagin ko lang po si Liu." Ani ko at akmang aalis na nang mag salita ito.
"Hindi po kumakain ang Young Master lalo na sa umaga. Ito lamang po ang umagahan nito." At ini angat ang isang tasa ng kape. Pumasok ito sa loob at inilapag iyon sa maliit na mesa.
Kasalukuyan akong kumakain ng almusal sa mahabang mesa. Wala akong kasabay dahil hindi naman kumain si Liu. Naglilinis naman si Auntie sa buong mansyon kaya't wala akong makausap.
Maya maya pa ay bumukas ang elevator at si Liu ang iniluwa nito. Bagong ligo ito at suot na ang kanyang mamahaling tuxe. Dumating na ang dalawang body guards nito na nag aabang sa labas.
Lumapit sa 'kin si Liu at mabilisan akong hinagkan sa noo bago ito lumayo. Sa gulat ay hindi na ako nakapag salita at pinag masdan ko na lamang ito hanggang sa makalabas na. Hinawakan ko kaagad ang parteng hinalikan nito. Ang init at lambot ng kanyang mga labi.
"Young Lady may tawag mula sa pamilya n'yo." Ito ang nagpapukaw sa akin. Lumapit si Auntie at iniabot ang telepono.
"Hello?"
"Hello anak kamusta ka na?" Ang papa ito.
"Ayos naman ako papa. Kayo po kamusta?"
"May sakit ako ngayon.." at kasabay no'n ang pag ubo nito sa kabilang linya.
"Maaari mo ba kaming bisitahin anak? Ang tagal mo ng hindi nakakadalaw sa bahay." Totoo ang lahat ng sinabi niya. Simula kasi ng maikasal kami ni Liu ay ayoko ng magkaron pa ng kahit na anong koneksyon sa ate Kiara. Ito lang ang paraan, ang pag iwas ko lang ang paraan upang hindi na ito makita pa.
Kasalukuyan akong nasa likuran ng sasakyan ni Liu habang ang driver nito ang mag mamaneho. Nakatingin ako sa labas nang biglang tumunog ang phone ko.
"Hello Liu?"
"Where are you going?" Seryosong tanong nito sa kabilang linya.
"May sakit ang papa ngayon. Dadalawin ko lang siya." Ani ko. Saglit itong natahimik na tila nag iisip ng malalim.
"Liu are you there?" Tanong ko.
"Wait for me i'm coming with you." Hindi ko alam ngunit natuwa ako sa sinabi niya. Kahit abala ito sa Van Shen Corporation ay gumagawa pa rin siya ng oras para sa akin. Itinabi naman ng driver nito ang sasakyan at saglit kaming nag antay sa gilid.
"M-Mr. Van Shen kasama po pala kayo." Hindi makapaniwalang tanong ng papa habang tuwid na tuwid ang tayo nito. Naroon ang mama kasama si ate Kiara ang pinaka ayoko ng makita pa.
Hinawakan naman ni Liu ang kamay ko kaya't napalingon ako sa gawi nito.
"Of course you're still my family. Akala ko ay may sakit kayo? You don't look sick." Diretsong sabi ni Liu dito. Namutla naman ang papa na parang natatakot sa lalim ng mga tingin ni Liu.
"Mr. Van Shen mataas po ang lagnat ng ama ni Dawn ka gabi." Ani naman ng mama na pinag tatanggol pa ang papa.
Nanatiling tahimik ang ate kiara. Himala dahil hindi ata kasama nito si Lee. Bakit ko pa ba hahanapin ang wala?
Kaagad na nagpahanda ang mga magulang ko ng aming tanghalian. Ako naman na ang nag alok kay Liu na ipagtutulak ko ito. Hindi naman siya umangal at tahimik na nag obserba.
"Mr. Van Shen try this dish." Nakangiting sabi ng ate at kusa nitong nilalagyan ng ulam ang pinggan ni Liu.
"Ako na." Sabi ko. Napalingon silang tatlo sa akin.
"Dawn?" Nag taas ng kilay ang ate Kiara sa akin.
"I'm his wife and it's my responsibility." Kaagad kong binawi ang ulam dito. Nadinig ko ang pag bulong nang hindi maganda ng ate.
"Dawn anak pwede ba kitang mahiram sandali?" Tanong sa 'kin ng papa.
"No." Kaagad na sagot ni Liu.
"Liu?" Kunot noo akong nagtanong sa asawa ko.
"Kung may dapat pag usapan just spill it." Walang emosyong sabi ni Liu.
"Mr. Van Shen nagkamali po kami bilang mga magulang ni Dawn. Gusto naming mai ayos ang annulment niyo. Si Kiara ang nararapat-" Natigilan ang papa nang sumigaw si Liu.
"Stop old man!" Nabasag ang baso sa pang gigigil nito.
"Liu calm down!" Pag aalala ko.
"Papa anong iniisip n'yo? This is not a joke!" Inis na sabi ko. Tumutulo na ang dugo mula sa kamay ni Liu.
"Ako ang dapat na nasa posisyon mo Dawn. Ako ang dapat maging asawa ni Liu-" Natigilan ang ate nang sumigaw dito si Liu.
"Stop it woman! I said you're just nothing." Masiyadong masakit mag salita si Liu at matalas ang dila nito.
"Wag n'yo akong kakalabanin." Pag babanta nito sa pamilya ko.
"C'mon Dawn we're leaving." Pinindot nito ang awtomatikong wheel chair at nauna na sa labas. Hindi man lang nito dinaing ang sugat sa kamay nito. Wala kaming imikan ni Liu sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating ng mansyon.
"Liu gagamutin ko ang sugat mo." Hinabol ko ito ngunit hindi niya ako kinakausap at nag tuloy tuloy lang.
"Young Lady mas mabuting hindi mo na muna kausapin ang Young Master." Sinalubong ako ni Auntie Celda.
"Auntie malalim po ang sugat niya sa kamay." Pag aalala ka. Napangiti naman ito sa akin at panatag ang mukha. Kaya niyang gamutin ang sarili."
"Auntie ako na ang maghahatid." Ani ko sa hawak na tray nito na may lamang soup. Ilang oras din akong nasa baba at siguro naman ay kalmado na si Liu.
Ibinigay naman ito sa 'kin ni Auntie at hinayaan na niya ako.
Biniuksan ko ang pinto ng kwarto namin ni Liu. Kaagad ko siyang hinanap at nakita ko naman ito agad sa tapat ng biranda habang naninigarilyo.
"Liu kamusta ang sugat mo?" Tanong ko nang hawakan ko ang kamay nito. Kaagad naman niya itong tinanggal at napakunot noo ako dahil sa wala na ang bakas ng sugat.
Namamalik mata lang siguro ako dahil may nakalapag na first aid kit sa mesa.
Kinuha ko na ang tray at tumapat sa kanya.
"Kumain ka na." Ani ko.
"I can't eat feed me." Utos nito sa 'kin. Napalunok naman ako dahil ito nanaman ang mga titig niya. Mga malalalim na titig na siyang nakakalunod.
Sinimulan ko na itong pakainin at hinipan na ang mainit na sabaw. Ilang subo pa lang ang nagagawa ko nang hawakan nito ang kamay ko at itinabi ang maliit ba bowl sa gilid ng mesa.
"Dawn." May kakaibang epekto sa 'kin ang malumanay niyang pag tawag sa pangalan ko. Nabibingi na ako sa pagkabog ng puso.
"Liu." Hindi ko rin sinasadyang tawagin ang pangalan n'ya. Liu is like a frigid man pero kapag ako ang kaharap niya ay nakikita ko ang kabaitan nito.
Hinaplos n'ya ang pisngi ko at marahang lumapit sa 'king mukha.
"Liu sandali…" Naalarma ako sa patuloy nitong pag lapit ngunit hinawakan lang niya ang pulso ko at siniil ako ng nag aalab na mga halik.
Anong nangyayare sa 'kin? Bakit hindi ko siya kayang itulak? Tumugon ako sa mga halik nito at bumaba ang mga 'yon sa'king leeg.
"Uhmm Liu.." Ungol ko sa kanyang pangalan nang maramdaman ko ang kaunting kirot na para bang may bumaon sa'king leeg.