Chapter 1

1563 Words
Dawn: AS I WALK through the aisle I see him in the middle waiting for me. Malalamig ang mga matang nakatuon lamang sa akin. Mga matang tila nangungusap. Every step I take and every breathe I take, he knows everything. Alam n'ya ang bawat kilos ko ngayong papalapit na ako sa kanya. His brushed up hair makes him look handsome. Matatapang na mga matang sa akin ay nakatitig. Habang nakaupo ito sa wheel chair ay itinaas n'ya ang kamay sa tapat ng kanyang labi. He gripped his right hand. Ramdam ko ang tens'yon sa pagitan naming dalawa. Muli akong nag lakad kasabay ng ritmo. Nagsipag tayuan ang mga bisita at manghang mangha nang makita na akong papalapit. I suddenly stop walking and thinking something. Anong magiging buhay ko sa mga kamay ng isang Van Shen? Ngunit naalala ko ang kasunduan. Malaki ang aming pagkakautang at kailangang ikasal dito ang isa sa amin ng ate. Muli akong nag lakad hanggang sa makalapit dito. Hinawakan naman n'ya muli ang kamay ko. Malalamig ang palad nito na parang hindi normal. Muling naging blangko ang kanyang ekspres'yon at nanatili pa rin sa akin ang tingin. "You will soon be able to have my last name." Napalunok ako sa binitiwan nitong salita tsaka nag simula ang seremonya. SA ISANG IGLAP ay isa na akong ganap na Mrs. Van Shen. Masakit para sa'kin ang lahat. Masakit makita ang minamahal mong lalaki na masaya sa piling ng sarili mong kapatid. Napukaw ang atensiyon ko nang hawakan ni Liu ang kamay ko. Masama ang mga titig nito kay Lee at alam kong may alam ito tungkol sa nakaraan namin. "Ayokong tumitingin ka sa iba." Malamig ang boses nito. Napalunok ako sa gulat. Nahuli niya akong nakatitig kay Lee. "I-Im sorry Liu." Hindi ito umimik at malamig parin ang mga titig kay Lee. "Congratulations Mr. And Mrs. Van Shen." Nanggaling ito kay ate Kiara na malaki ang pagkakangiti. Sumunod naman sa kanya si Lee at mas lalong sumama ang mga titig dito ni Liu. Nasa gitna kami ng kasayahan na ginanap sa pinaka kilalang hotel dito sa Pilipinas. Hindi umimik si Liu at pinindot ang awtomatiko nitong wheel chair at tumalikod. "Congrats Dawn Feng - Van Shen." Malaki ang pagkakangiti sa akin ng ate. Napahiya man siya sa ginawang pagtalikod ni Liu ay hindi niya ito inalintana at mukhang nang aasar pa sa pagpapakasal ko dito. "Ano pa ang gusto mo?" Pabulong na tanong ko dito. "Masaya lang ako Dawn. Masaya ako dahil hindi natuloy ang pagpapakasal ko sa isang disabled na kagaya ni Mr. Van Shen." Masakit mag salita ang ate Kiara. Malakas itong mang husga lalo na pag dating sa pisikal na anyo. Hindi basta lumpo si Liu. Isa siyang napakagwapong nilalang na nakaupo sa isang de gulong na upuan. Nakarating sa amin ang balita tungkol sa disgrasyang nangyare dito kaya siya nalumpo. Maraming mga kababaihan pa rin ang nagkakagusto sa isang Liu Van Shen kahit na hindi na ito nakakalakad pa. "Ganyan ka na ba ate? Nakakahiya ka. Hindi ko akalaing ganyan ang magiging ugali mo matapos tayong tulungan ni Liu." Totoo naman. Babagsak ang kompanya ng papa at umutang ito ng malaking halaga kay Liu at kapalit ang pagpapakasal ko upang maisalba ang kompanya. "How dare you!" Sa sama ng pag uugali nito'y nagawa niyang i angat ang kamay para sampalin ako. "Try it and see what I'm gonna do with you." Malamig na pagkakasabi ni Liu. Namutla naman ang ate Kiara maging si Lee. Alam nila kung anong klaseng tao si Liu. Alam nila kung paano ito magalit. "Mr. Van Shen, huwag naman sanang ganyan ang pakikitungo mo sa anak kong si Kiara. Bilang magulang ay nakakabastos ito sa akin." Biglang nag salita ang papa na kanina pa pala nasa likuran ko. "Mr. Feng, your daughter is my wife from now on. Lahat ng babastos sa asawa ko may kalalagyan sa'kin. And you're not an exemption." Nakakatakot na pagbabanta ni Liu. Hindi naman nag salita ang papa at umalis ito kasama ang ate at si Lee. Natapos ang pag diriwang ng kasal namin ni Liu at kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama. Pumasok na ito sa kuwarto at maliligo. Tumayo ako para alalayan siya. "Gusto mo bang tulungan kita?" Pag aalala ko. "No I'm fine." He said with a lethargic voice. Just simple, plain. Hindi na ako nag salita pa at naupo na lang sa kama. Kinakabahan ako. Anong mangyayare ngayong mag asawa na kami? Niyakap ko ang sarili dahil sa takot. Hindi ko lubos na kilala si Liu at gano'n din ito sa akin. Naririnig ko ang pag ragasa ng tubig. Hindi ko mapigilang kabahan pa lalo. Iniisip ko pa lamang ang siya ay nag wawala na ang puso ko. Nahiga na ako sa kama. Kabog parin ng kabog ang dibdib ko. Hirap nang huminga dahil sa nararamdaman. Ilang sandali pa ay lumabas na ito ng banyo suot suot ang puting t-shirt na pantulog at mahabang pants. Napakagwapo niya sa basang buhok. Hindi ko napigilan ang sariling titigan ito habang wala siyang kamalay malay. Bigla namang tumingin sa'kin ang matapang nitong mga mata. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Nanunuyo ang lalamunan ko sa mga titig nito sa akin. Napaka misteryoso niyang tao. "What?" Tanong nito. "A w-wala." Ano bang nangyayare sa'kin? Bakit ako nauutal sa lalaking ito? "Ma-matutulog na ako!" Napalakas ang boses ko sa kaba at nag talukbong ako ng kumot. Grabe ang t***k ng puso ko. Isipin ko palang na magtatabi kami sa kama ay para na akong mahihimatay. Hindi ko alam kung bakit? Bakit ganito na lang ang epekto sa'kin ng lalaking ito? Naramdaman ko ang pag lubog ng kama. Senyales iyon na nasa tabi ko na siya. Pinagpapawisan ako sa sobrang nyerbiyos. Malakas naman ang aircon sa loob ngunit hindi naiinitan pa rin ako. Ilang minuto ang lumipas. Nanatili ako sa ganoong posisyon habang nangangalay na ang aking binti. Napag desisyunan kong tanggalin ang talukbong sa'king mukha at mag iba ng pwesto. Lumingon ako sa kanya, nakatihaya itong matulog at mukhang nahihimbing na. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Hindi niya ako pinuwersa na may maganap kahit na mag asawa na kami. Nanatili ang respeto niya sa'kin bilang babae. KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa mga yabag ng paa. Pag dilat ng aking mga mata'y wala na si Liu sa aking tabi. May kumatok naman sa pinto at nagsalita. "Young Lady pinapasabi ng Young Master na mag umagahan na po kayo." Boses ito ng isang babae. Nasa mansyon na nga pala ako ni Liu. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayare. Binuksan ko ang pinto at isang matandang babae ang bumungad sa akin. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha. "Hi po ako pala si Dawn." Pakilala ko. Yumuko ito sa akin at nag salita. "Tawagin niyo na lamang akong Auntie Celda. Ako ang katiwala ng Young Master." Nakangiti pa rin ito. Napaka bait ni Auntie Celda. Kasalukuyan akong nag aalmusal ng mag isa. Wala si Liu at maaga raw itong pumasok ng trabaho. "Auntie Celda sabayan n'yo na po akong kumain." Alok ko sa matanda. "Nako hindi na. Para sa iyo talaga iyan at pinahanda ng Young Master. Katatapos ko palang kumain." Masayang sagot niya habang nag lilinis ng kusina. Matapos kong kumain ay nagtungo ako sa sala. Para akong maliligaw sa laki ng bahay ni Liu. Walang wala ang bahay namin sa lawak ng kanyang ari-arian. Sumapit ang gabi at nakita ko ang sasakyan na kararating pa lamang. Bumaba ang matanda nitong driver at inalalayan muli si Liu na maupo sa awtomatikong wheel chair. "Liu mabuti at nakauwi kana. Kumain ka na ba?" Tanong ko. Bakas ang gulat sa mga mata niya nang salubungin ko siya. Mukhang hindi ito sanay na may sumasalubong sa kanyang pag uwi. Tumango lang ito sa akin. "Gano'n ba mabuti naman at kumain kana." "Master Liu nakahanda na po ang iyong paliguan." Ani ni Auntie Celda nang makapasok kami sa loob. Muli ay isang tango lamang ang sinagot nito bago umalis. Tinulungan siya ng kanyang driver at dahan dahang tinulak ang wheel chair papunta sa elevator. Moderno ang bahay na ito at pinasadya talaga iyon para hindi mahirapan si Liu sa pag akyat at baba. "Sundan mo na ang Young Master baka kailanganin ka niya." Nakangiting sabi sa'kin ni Auntie. "Sige po Auntie aakyat na rin po ako." Pagpasok ko saming silid ay nasa banyo muli si Liu at nakarinig ako nang malakas na kalabog. "Liu ayos ka lang? Papasok ako ha." Pag aalala ko. "I'm fine." Bakas ang iritasyon sa kanyang boses. Alam kong naiinis ito sa tuwing may tutulong sa kanya. Alam kong iniisip niya na wala siyang silbi dahil isa siyang lumpo ngunit hindi 'yon ang iniisip ko. Matapos niyang maligo ay nakasuot na agad ito ng pantulog. Dumiretso siya sa kama at dahan dahang iniupo ang sarili. Kinuha niya ang libro sa katabing drawer at binuklat ito. "Liu?" "What?" "A wala. Magpahinga ka na." Tiniklop nito ang hawak na libro at dahan dahang nag angat ng tingin sa akin. "Dawn." Tawag niya sa pangalan ko. Ito nanaman ang pakiramdam ko kagabi. Kumabog nanaman ng husto ang puso ko. "Hmm?" "Can we sleep together?" Straight to the point siyang tao. Walang pag aalinlangan niya akong tinanong. Liu ano bang ginagawa mo sa'kin? Para akong magkakasakit sa sobrang init ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD