-=Naya's Point of View=- Kitang kita ang pagkagulat sa mga reaksyon nila Aziel at Kendra nang marinig mula mismo kay Hadley ang totoong relasyon namin. HIndi ko naman maiwasang hindi kabahan ng wala pa din akong naririnig mula sa kanila, nanatili lang kasing tulala habang nakatingin sa amin ni Hadley. Naramdaman ko naman ang kamay ni Hadley na mahigpit na humawak sa kamay ko, para bang pinapaalam nito sa akin na magiging maayos din ang lahat. "Say something!" iritable naman na singhal nito sa dalawa, at mukhang doon lang tuluyang natauhan ang mga ito. "Cool! Sabi ko na nga ba may something sa inyong dalawa eh, I mean no one can resist my charm kaya naman alam kong may kakaiba sa inyo." natatawa naman na sinabi ni Aziel, bahagya akong nakahinga ng maluwag nang marinig iyon kay Aziel, m