-=Naya's Point of View=- Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin, malayong malayo sa itsura nito kapag kaharap si Hadley. "Paanong ikaw ang nagpadala ng mga ito?" naguguluhang tanong ko habang pinakita dito ang brown envelop na nakuha ko sa locker ko kanina. "Galing yan sa kaibigan ko, apparently ay nagkita kayo dati." mapanganib nitong sinabi. Bigla ko tuloy naalala ang lalaking nakita kong kasama nito noong isang araw ng pabalik kami ni Hadley mula sa pagkain sa labas, agad ko naman naalala kung bakit pamilyar sa akin ang taong iyon, isa iyon sa mga bumastos sa amin ni Hadley ng nasa Enchanted Kingdom kami, at kung hindi ako nagkakamali ay ito din ang kumuha ng larawan namin ni Hadley habang naghahalikan kaming dalawa. "Bakit mo ginagawa ito Dash?" nagsus