Ginaya niya ang binata. Inilapit niya din ang mukha niya sa tainga nito at bumulong. "Let me tell you my answer. A.S.A. Asa ka, Mr. Elijah Kiel Davis!" Dahan dahan pero nakangising sabi niya dito kaya naman natigilan ito at napatitig sa kanya. Natawa siya sa reaksyon nito. Tumayo siya at iniwan ito para kumuha ng tubig sa dispenser niya. Pagbalik niya ay ganon pa rin ang puwesto nito kaya parang gusto na niyang bumunghalit ng tawa. "You will be mine again, baby!" anitong seryosong nakamasid lang sa kanya habang umiinom siya. Natawa siya ng pagak. “Again? Kelan ba ako naging iyo? Siguro kung sinabi mo yan six years ago, baka nga naging iyo nga ako hanggang ngayon. Para sabihin ko sayo, infatuation lang ang nararamdaman ko sayo noon,” aniyang hirap ang kalooban habang sinasabi iyon. Na