Hindi niya kinibo si Eli hanggang sa makarating ng bahay niya. Hindi pa rin nito binibigay ang cellphone niya kaya nainis na siya talaga . Hinatid lang siya nito, hindi na pumasok sa loob. Mabuti na rin para matahimik siya. Hindi niya maintindihan ang drama ni Eli sa buhay. Trenta minutos bago ang alas-otso siya nakarating sa opisina ng mga Davis. Half-day lang siya ngayon sa Davis Tech. Kakabukas lang niya ng PC niya nang tawagin siya ni Ms. Kathleen, ang head nila sa accounting department. "Mr. Davis wants to talk to you," bungad agad nito. "A-ako po talaga, Ms Kath? Bakit daw po?" "Why don't you ask your boyfriend?" nakangiting sabi nito. "Ho? Boyfriend ko po? Wala naman po akong boyfriend, Ms. Kathleen," gulat na sabi niya sa head nila. "Ha? Hindi mo boyfriend si boss?" may