"Damian?" Napahinto ang binata sa paglalakad nang marinig na tinawag ng taong nasa likuran ang kanyang pangalan. Nagdalawang-isip pa ito kung lilingon o papabayaan na lamang ang taong tumatawag sa kanya. "Damian!" nilakasan nito ang boses. Damian cleared his throat, binilisan nito ang paglalakad upang maiwasan ang lalaki. Malinaw sa kanya na wala siyang dapat pagkatiwalaan ni sinuman lalong lalo na sa mga taong nakatira sa bayan. Kahit pa kilala siya nito, kailangan niyang tuparin ang sinumpaang tungkulin. At mas lalong hindi nito pwedeng suwayin ang mga utos ni Don Lucas dahil malinaw rito na malilintikan na naman siya kapag nangyari 'yon. Kailangan niyang mapanatiling malinis at maayos ang kanyang trabaho hanggang makabalik sina Cross at Venice. Muntik na siyang ipapatay ng matanda