"Damian, what the fvck is it?" inis na tanong ni Cross nang magising ito dahil sa ingay ng kanyang cellphone. Ala-una pa lamang nang madaling araw ngunit hindi na nito nagawang ipahinga ang diwa dahil sa sunod-sunod na tawag dito. Sinubukan niya itong ilipat sa silent mode ngunit natigilan siya nang makitang si Damian ang tumatawag sa kanya. Muntik nang mapagkamalan ni Cross na distress calls ito dahil sa sobrang dami. Narinig nito ang malalim na buntong-hininga ng kaibigan mula sa kabilang linya. Hindi pa man nagsasalita si Damian pero alam niyang may bumabagabag sa isipan nito. "Damn, Damian! Buntong-hininga lang ba ang ipaparinig mo sa'kin?" singhal niya dito. "Sorry, Señorito." Pormal naman ang tono nang pananalita ni Damian sa kanya. Cross tsked. "Call me Cross, you fool!" Ilang