Cheryl Althea's POV Mag-iisang buwan na buhat nang makalabas sa ospital ang aking kapatid. Sa tulong ni Justine ay kaagad akong nakahanap ng apartment dito sa Quezon City. Mapilit at makulit siya kaya sinabi ko na rin sa kaniya ang lahat. Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalo kong nakilala si Justine. Wala na rin akong naging balita pa sa dalawa pa nitong kapatid dahil hindi na nagku-krus ang aming mga landas. Tanging si Justine lamang ang madalas kong makita dahil madalas rin itong bumibisita dito sa amin at kaagad niyang nakasundo ang bunso kong kapatid pero si Jewel ay hindi niya basta nakasundo. Ani pa nito ay kung walang kailangan ay lumayas na lamang dahil hindi namin kailangan ng tulong sa ibang tao dahil hindi naman namin sila kamag-anak para tulungan kami. Kaya bumibisita lang di