Third Person’s POV Umi-iyak ang kalangitan nang binabaybay ng binata ang kahabaan ng alabang. Alas singko pa lang ng hapon ngunit madilim na ang paligid— hudyat na paparating ang malakas na bagyo. Binilisan niya pa ang magneho hanggang sa naka-uwi siya sa kaniyang mansyon na kaagad naman siyang sinalubong ng nag-aalalang mayordoma na si manang Pasing, ang kaniyang yaya mula pagkabata hanggang ngayon. “Anak, bakit ka pa lumalabas alam mo naman na signal number 3 ngayon at walang kuryente ang kamaynilaan,” Bakas ang inis sa boses ng matanda ngunit mahinahon pa rin. “May pasyente akong kailangan operahan kaya hindi puwedeng hindi ako pumasok,” Tugon ng binata sabay na sumalampak ng upo sa malaking sofa. Hindi naman maiwasan ng matanda na mapangiti marahil successful ang operation dahil hin