Cherryl Althea's POV
Naglalakad ako sa madilim at matalahib na daan pauwi ng aming bahay. Nagsindi ako ng apoy na gawa sa tuyong dahon ng niyog dahil hindi abot ang kuryente sa baryo kaya madilim ang aking tinatahak. Sanay na ako sa ganitong buhay ko gabi-gabi. Magmula ng magtapos ako ng high school ay ganito na aking trabaho ang magbenta ng mga gulay sa baryo at hindi ako umu-uwi hanggat hindi ito nauubos kaya palaging gabi na akong nakaka-uwi. Dumaan ako sa gitna ng palayan kaya kitang kita ko ang sinding lampara sa labas ng aming bahay. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang mga bangayan ni Inay at Tiyong na walang pinagbago sa nakalipas na taon. Marahil pera na naman ang puno't dulo ng lahat.
"Ate... Kagat ako langgam.. " Sinalubong ako ng bunso kong kapatid na umiiyak at kamot ng kamot sa paa, naghalo ang sipon at luha nito.
"Nandito na si ate, nasaan ang tsenelas mo?" Tanong ko at pinunasan ang mukha nito.
"Ano magkano kita mo! Akin na nga!" Mabilis na hinablot ng amain ko ang bag na naglalaman ng kinita ko sa maghapon.
"Ibalik ninyo 'yan tiyong! Pinaghirapan ko 'yan eh, tsaka pambayad iyan ng miscellaneous ni Jewel!" Hikbi kong pakiusap pero hinawakan lang nito ng mariin ang panga ko, nanlilisik na naman ang kanyang mga mata.
"Huwag mo akong masigaw sigawan kung ayaw mong ibaon ko kayo parehas ng nanay mong walang kuwenta! Kung pumayag lang siya sana sa gusto ko hindi sana tayo naghihirap ngayon!" Sigaw nito sa mukha ko at pabalang na binitawan ang panga ko. Wala akong nagawa kundi ang humagolhol na naman sa isang tabi.
***
Nang mapatulog ko na ang kapatid ko ay nilapitan ko si Inay na lihim na naman na umiiyak sa labas ng aming bakuran. Kahit malalim na ang gabi ay bakas pa rin ang mga pasa nito sa braso at mukha at mukhang nadagdagan na naman ngayong araw.
"Walang pinagbago, Inay! Paulit-ulit na lang. Bakit hindi niyo na lang hiwalayan si tiyong!" Inis kong saad.
"Gustuhin ko man anak, pero tinatakot niya ako, paano kayo? Baka kayu ang pagbuntungan niya!" Napahikbi ang nanay ko kaya kahit nagagalit ako ay niyakap ko pa rin siya. Magmula kasi nang iwan kami ni Tatay ay nag-asawa siyang muli para daw matulungan siya sa paghahanap buhay para mapalaki kami ng maayos pero mas lalong kaming nasadlak sa kahirapan. Dahil poro mura at pananakit na lang ang ginagawa ng sugarol naming amain.
Kapagkuwan ay kumalas si Inay at tinitigan ako ng mabuti habang hawak ang aking mukha.
"Alagaan mo ang mga kapatid mo, anak! Hindi ko man ito gustong gawin pero wala akong ibang paraan para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan!" Lumalandas ang mga luha ni Inay kaya pinunasan ko iyon.
"Huwag kayong gumawa ng hindi maganda Inay!" Sagot ko pero umiling iling lamang ito.
"Gagawin ko ang lahat para sainyo mga anak!" Dagdag pa ni Inay at pumasok sa loob kaya sinundan ko ito. Pinapanood ko siya habang nag-bibihis na damit na hapit sa katawan. Hindi ko alam kung saan siya galing ng damit at pangkulay na nilagay sa mukha nito. Nasa late 40's na si Nanay pero bakas pa rin ang maganda nitong hubog at maganda ang mukha ni Inay na madalas kaming napagkakamalan na kambal. Sa kanya ko nakuha ang magandang kutis at mukha.
"Ngayon lang ito, Che. Ikaw muna ang bahala sa mga kapatid mo hangga't wala ako, 'wag mo silang pababayaan!" Napakagat ako sa ibabang labi habang tinatanaw ang papalayong pigura ng nanay ko.
Isang buwan na ang nakalipas at isang buwan na rin nagbibigay ng aliw ang nanay ko sa iba't ibang parokyano na dumadayo sa baryo. Marami siyang perang inu-uwi gabi gabi kaya tuwang tuwa ang amain ko sa t'wing nag-aabang ito sa pagdating ni Inay. Kinakamot nito ang mga palad habang nakadungangaw sa labas. Gusto ko itong supalpalin pero nag-aalangan ako dahil baka ang mga kapatid ko ang pagbuntungan ng galit nito. Kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin na lang ang dalawa kong kapatid.
Narinig ko ang boses ni Inay at Tiyong na nagtato sa labas kaya bumangon ako. Hindi pa ako nakakalabas ng pumasok si Inay sa maliit naming kuwarto. Humahangos ito at pawisan.
"Binigay nito sa akin ang lilibuhing pera at mabilis na niyakap ang mga tulog kong kapatid at humihikbi si Inay habang pinaghahalikan ang mga ito.
"Inay, ano'ng nnagyayari?" Hindi ko maiwasan tanungin ito.
Nilapitan ako ni Inay at niyakap ng mahigpit. "Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo, tinutugis kami ng mga pulis!" Sagot nito kaya sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha.
"Kapag hindi kami nakabalik ng buhay, lumayo kayo sa lugar na ito. Pumunta kayo ng syudad gamitin mo sa maayos ang perang ito! Anak, Cherryl, mahal na mahal ko kayo, tandaan n'yo iyan!" Napahagolhol na ako at niyakap ng mahigpit si Inay pero kaagad na kinabig ni Tiyong si Inay.
"Bilisan mo, Jocelyn! Dahil sa kagagahan mo, nasundan tayo ng mga pulis!" Sigaw ni Tiyong kaya nagising ang dalawa ko pang kapatid at na mas lalong ikinaiyak ni Nanay.
"Inay ano ba ang nangayay-"
"Anak, basta huwag na huwag mong gagayahin ang ginawa ko huh, huwag kang gumawa ng bagay na ikakasira ng iyong buhay. Huwag mo akong tularan anak! Mahal na mahal kita!" Ang papalayong boses ni Nanay ang aking naririnig.
Gulong gulo ako sa nangyayari. Marami akong katanungan pero kahit isa wala akong naging sagot. Ang tanging nagawa ko na lang ay yakapin ang naiwan na damit ni Nanay.
~~~~
Permanente akong nakaupo sa kahoy na bangko habang pinagmamasdan ang papaupos na kandila, na siyang nagsisilbing liwanag sa aming magkakapatid na patuloy na pa rin sa pagtangis. Hindi ko namamalayan tumutulo na naman ang aking mga luha. Ang bunso kong kapatid na babae ay nakahilata lang sa lapag habang yakap si Inay at Tiyong. Mas lalo akong napahikbi habang pinagmamasdan ito. Wala siyang kamuwang muwang na ang kaniyang kayakap ay kanina pa malamig dahil wala na itong buhay.
"Ate, matulog na tayo. Tulog na nanay, tatay," Wika nito sa akin. Ngumiti ako nang pilit at tumabi sa kanya. Habang ang kapatid kong sumunod sa akin ay lihim lang na umiiyak. De sais si Jewel at si Rena naman ay apat na taon at ako ay dese nuebey anyos. Parehas na nasangkot ang mga magulang ko dahil nagtutulak daw ang mga ito ng droga, kaya no'ng nag-raid ang mga pulis ay tiyempo na nagkakasiyahan sina Inay at Tiyong, at mga iba pa nitong kasama at huli sila sa akto na gumagamit ng bawal na gamot. Ang buong akala ko ay puri lang ang ibenibenta ni Inay pero pati pala droga ay pinasok nito. Nakulong sila parehas at hindi pa sila naabutan ng isang araw sa rehas ay tumakas sila sa kulungan at hinabol sila ng mga pulis pero nanlaban umano sila kaya binaril sila diretso. Himingi kami ng tulong sa baranggay pero walang nag-atubiling lumapit sa amin. Natuyo na lang ang dugo sa katawan ng aming magulang pero wala pa rin sa amin nagbigay ng tulong.
Pinahid ko ang aking mga luha at bumangon ako at tinawag ko si Jewel. Maya-maya pa'y dumating na ito at bitbit ang pala. Pinagtulungan namin magkapatid ang paghuhukay sa lupa hanggang sa malalim na iyon at pinagtulungan namin buhatin si Inay at Tiyong at hinulog sila sa hukay. Pinagsama na namin silang dalawa dito sa likod ng aming bahay. Lihim kaming nag-iyakan habang tinatabunan na namin ito ng lupa. Niyakap ko ang aking kapatid habang tinitigan ko ang pinaglibingan ng aming magulang. Ipinapangako ko sa puntod nila na kahit anong mangyari, sama-sama kaming tatlo. Ako ang tatayong magulang ng dalawa kong kapatid.
Mag-bubukang liwayway na nang makaalis kami sa bahay. Karga ko ang bunso namin habang bitbit naman ni Jewel ang malaking bag na naglalaman ng aming mga damit. Nilakad namin ang lubak lubak na kalsada patungong bayan. Pahinto hinto kami sa aming paglalakad dahil may kabigatan din ang dalang bag ng aking kapatid.
"Ate, bumili muna tayo ng makakain, kagabi pa kumukulo ang sikmura ko eh, kahit 'yung pansit lang na tig-sampu.." Wika ni Jewel kaya tumango ako dahil kahit ako ay nagugutom na rin. Umupo kaming tatlo sa gilid ng kalsada habang pinagsasaluhan ang bente pesos na pancit.
"Kawawa naman kayu, kung hindi lang kayo mapuputi ay mukha kayong mga yagit, walang pinagkaiba sa mga batang kalye." Baling sa amin ng babaeng may bitbit na pandesal.
"Naku, huwag mong kaawaan 'yan! Mabuti nga't namatay ang mga magulang ng mga batang 'yan! Kaya kayo, magpasalamat kayu dahil kung hindi kayo namatayan, aba! Matutulad kayo sa mga magulang ninyo na sakit sa lipunan!" Singit ng babaeng may bitbit na balde.
"Hoy, wala kang--" Huwag mo nang patulan!" Sagot ko sa kapatid ko nang tumayo ito at dinuro ang tindera. Tumayo na rin ako matapos kung mapainom ng tubig si bunso.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang sinusundan kami ng paninisi ng mga tao. Nagsilabasan pa ang mga ito sa kanilang bahay para lang pagtsismisan kami.
Sikat na ang araw nang makarating kami sa bayan. Gamit ang pera na naiwan pa ng mga magulang namin ay napagpasyahan kong lumuwas na lang kami ng maynila at doon makipag-sapalaran. Para na rin makalimutan ang trahedyang sinapit namin magkakapatid. Habang binabaybay namin ang daan ay muli akong napapaluha. Sa mura kong edad ay kaakibat ko na ang malaking responsabilidad na naiwan ng aming magulang. Gagawin ko ang lahat para sa kanila.
"Cubao! Cubao! Baba na! Nasa maynila na tayo!" Malakas na boses ng konduktor ng bus kaya naalimpungatan akong nagising gano'n din ang dalawa ko pa'ng kapatid. Tinulungan kami ng konduktor na makababa at ito na rin ang nagbaba ng aming bagahe.
"Wow! Maraming tao, maraming mga sasakyan. Ang ganda pala dito ate!" Napangiti ako at hinalikan ang ulo ng bunso kong kapatid. Napawi ang kanyang gutom na kanina pa dinadaing habang nakatingala sa naglalakihang gusali sa paligid.
"Ate, paano 'yan saan tayo pupunta?" Saad sa akin ni Jewel. Hindi ako nakakibo sapagka't hindi ko rin alam kung saan ba kami papalarin. Bahala na! Kung saan man kami dalhin ng aming mga paa, ang importante ay magkakasama kami!