Kabanata 2

1931 Words
Cherry Althea's POV Napadpad kami dito sa gilid ng relis. Magkakadikit dikit ang bahay maingay at magulo. Maliit lang ang inupahan kong kuwarto, tama lang na makahiga kaming magkakapatid. Walang kusina at walang banyo. Nagbabayad kami ng limang piso sa kapit-bahay pag-gagamit. Nakahanap ako ng trabaho, ang paglalabada sa isang mayamang pamilya sa subdivision dito sa mervile medyo may kalayuan dito sa tondo pero nilalakad ko lamang. Nagsasampay na ako nang tumakbong humahangos si Perla ang tagaluto at napasapo pa ito sa dibdib. "Dumating na si Sir at kasama ang fiancé nito, grabi subrang ganda ng babae. Kung anong kinaganda sa larawan ay mas maganda pa sa personal!" Tiningnan ko si Perla at ang mukha nito ay parang nangangarap, parang nanalo sa lotto dahil lamang sa paghangga nito sa girlfriend ng amo namin na hindi ko pa nakikita sa loob ng isang buwan na pabalik balik ko dito sa mansyon. "Magtsi-tsismisan lang ba kayu riyan? Hoy, ikaw Perla ipaghanda mo ng makakain si Señorito!" Mataray na saad ng mayordoma habang hawak nito ang abaniko at binalingan ako kaya kaagad akong nagbaba ng tingin. "Ikaw, pagkatapos mong maglaba makakaalis ka na, huwag ka ng manatili pa rito dahil ayaw ng señorito makakita ng pakalat kalat, inteyindis?" Mataray na saad nito kaya sumagot lang ako ng mahina. Narinig ko pa ang boses nito habang papalayo sa akin. Nang matapos ako sa pagsampay ay pumasok ako sa banyo ng mga maids dahil ihing-ihi na ako pero hindi ko mabuksan ang pinto. "May tao ba diyan?" Tanong ko. "Oo, ako. Matatagalan pa ako!" Sagot ng boses ni Perla. Napakagat ako sa ibabang labi dahil parang puputok na talaga ang pantog ko. Gusto kong umihi sa gilid dahil sanay naman ako sa probinsya kaya lang baka may camera at kapag nahuli ako ay baka matanggal pa ako sa trabaho lalo pa't tiles ang mga apakan dito sa mansyon. Dala ng kagustuhan kong makaihi ay matapang akong pumasok sa loob ng mansyon at ito pa lang ang kauna unahan kong makita ang loob dahil mahigpit na ipinagbabawal iyon sa akin dahil baguhan pa lang daw ako. Pero bahala na ang importante ay maka-ihi ako. Sa subra kong pagmamadali ay hindi ko na inabalang tingnan ang kagandahan ng loob ng bahay basta ko na lamang pinihit ang seradura at para akong natuklaw ng ahas kaya't natulos ako sa kinatatayuan ng makitang nagtatalik ang dalawang pares at ang sagwa ng kanilang posisyon dahil nakatuwad ang babae at mahigpit ang kapit nito sa sink habang binabayo ito ng lalaki na hindi ko nakita ang mukha dahil nakayuko ito at kinakagat ang tenga ng babae habang nagsasalpukan ang kanilang ari at malakas ang mga ungol sa loob ng banyo. "I'm c*****g babe, ohhh.. Faster I'm cummin--" Naputol ang ungol ng babae ng mapansin ako nito at namilog ang kaniyang mga mata. Namumula ang buong mukha nito at kahit sabog ang buhok ay bakas pa rin ang pagka mestiza ng babae na halatang hindi porong pilipina. " May tao, bab--" Mabilis akong tumalikod at kumaripas ng takbo kaya't hindi na ako nakita ng lalaki at baka malagot ako dahil nadisturbo ko sila. Sa subra kong takot ay parang umatras na rin ang pantog ko at hindi na ako nakaramdam ng pag-ihi. Bakit ba kasi sa dami ng puwedeng nilang mapuwestuhan bakit doon pa sa banyo. Bakit hindi na lang sa kuwarto nila! Nakakadire, ang laswa laswa! Nakauwi na lamang ako ng bahay na laman ng utak ko ang nangyari kanina at kahit anong gawin ko ay pilit na bumabalik sa aking gunita ang tagpong 'yon, hindi ko mawari para akong naiinis na hindi ko alama, hindi ko maintindihan ang aking sarili. Para makalimot sa pangyayari sa maghapon ay minabuti kong maghanap uli ng mapapasukan habang tulog ang bunso kong kapatid at si Jewel naman ay suma-sideline sa fast food chain at nag-aaral sa gabi. Sinabi ko na sa kaniya na ako na ang bahala sa gastusin pati sa pamasahe niya pero mapilit ang kapatid ko, sayang naman daw ang oras na bakante niya kaya nag apply siya sa Jollibee at sa kabutihan palad ay natanggap naman ito. Ni lock ko lang ang pintuan namin at ipinagdasal na sana bantayan ang bunso kong kapatid dahil kailangan kong makahanap pa ng mapagkakakitaan. Welcome to Paraiso Binasa ko ng mahina ang malaking karatula sa di kalayuan.. Naglakad papunta dun at hinde paako masyadong nakakalapit ng may kumalabit sa braso ko, "Dhai, Mag-aaply ka? Naku tanggap na tanggap ka!" Malaki ang ngiti ng babaeng puno ng kolorete ang mukha. Nginitian ko ito ng bahagya... "Oo, sana eh, ano ba ang meron diyan sa loob? kahit tagaluto o tagahugas ng plato okay ako do'n," Napangiwi ito, 'no ba 'yan, ang low naman ng tingin mo sa sarile mo. Sa ganda mong 'yan malayo ang mararating mo, kaya tutulungan kita. "My name is Dyosa, but you can call me Madame L," Pumalakpak ito at kumikislap ang mga mata. So, gorahh na?" Kinabig ako nito paloob at nagpatianod ako dito. May mga iilang babae at bakla ang sumalubong sa amin pero pinapalo ni mamang ang mga kamay nito at iniirapan. "Akin 'to, 'wag kayong ano d' yan!" Ano ba ang trabaho ko dito? ano ba ang gagawin ko? Kailangan ko pa ba ng requirements? "Tanong ko. "No need Dhai, beuty mo lang sapat na. Mamaya magbihis ka ng sexy huh? Kaloka 'yung panamit mo para kang matandang kumadrona sa suot mo!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil napakonot noo ako ng mapansin ang loob, dahil may mga lamesa ito at may videokehan at sa gilid ay may nag hahalikan. Napaiwas ako ng tingin ng naghubad ang lalaki sa harap nito. Ano ba 'tong napasukan ko. Parang may mali eh. "Ano ba kasi talaga ang gagawin ko, diretsuhin mo nga ako?" Inis kong turan.. "Hala siya! Maldita ka ghorl?" Sinamaan ko 'to ng tingin "Okay well, mag e-entertain ka lang naman sa mga lapang guwapo at pagnatipuhan ka at gusto kang- alam mo na dalhin sa langit, oy, pera' yun Dhai, malalaki mag bigay ang mga kustomer namin dito. Piste! Tumayo ako at aalis na sana ng magsalita na naman ito!.. "Ano ba kasi gusto mo ghorl?" "Sinabi ko na 'diba? Kahit tagahugas ng pinggan o taga luto lang," Tumayo din 'to. "Naloka ako sa'yu huh, masyado kang bitter! kung sa akin lang yang ganda mo, naku! Matagal na akong mayaman. Sige, maghugas ka nalang ng mga baso at magluto ng mga pulutan kung diyan ka masaya! "Na stressed kilay ko sa'yu, kaimbyerna ka!.. hmmmppp!" *** Pagkatapos kong magluto ng pulutan ay naghuhugas naman ako ng mga baso, at kopita. Mula dito ay nasisilip ang pagdagsaan ng mga taong dumarating, karamihan sa kanila ay may kasamang babae. Bakas ang karangyaan sa mga kasuotan ng mga ito. Hindi matapos tapos ang paghuhugas ko dahil maya't maya ay may nilalagay si Lyn na mga hugasin. "Hanga ako sa'yu teh, kahit maganda ka hindi mo ginamit sa masama." Nilingon ko si Lyn, at nginitian ko ito ng bahagya. Napabuntong hiniga ako, pinangako ko kasi sa puntod ni Nanay na hindi ako gagawa ng masama dahil ayaw kong matulad sa kaniya, dahil kawawa ang dalawa kong kapatid na umaasa lamang sa akin. "Teka teh, gusto mo ba sideline? Marunong ka naman magluto 'diba?" "Oo, Bakit?" "Ipapasok kita sa Catering na pinapasukan ko din pag sabado at linggo nga lang sila open, pero malaki ang binibigay na pera lalo na kung marami ang order at pag marami ang nagpapa Cater." Napahinto ako sa pagsasabon ng baso, at nilingon ito. "Talaga? Sige, sige ipasok mo ako diyan lyn," "Sige teh, pagka out natin dito didiretso tayo dun ipapakilala kita," "Sige, lyn salamat," Ngumiti ako dito. Linggo ngayon at pangalawang araw ko ng dito sa catering services kahit dalawang araw lang ang trabaho ko dito ay masaya ako dahil may pandagdag ako sa ipon. Pinaluto ako ng Specialty ko, kaya ang ginawa ko ay ang pinakbet na tinuro sa akin ni nanay. Nagustuhan nila ang gawa ko kaya naidagdag sa listahan nila. "Althea, tawag ka ni Ma'am Carla. Bungad sa akin ni lyn. Pumunta na ako sa cashier kung saan siya ang nagbabantay.. "Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako?" "Oo, Althea, absent kasi si Rhea so balik ikaw muna ang ilalagay ko sa posisyon niya. May Catering kasi tayo mamayang gabi," "Okay po Ma'am, ano po ba ang gagawin ko?" Tanong ko. "Ilalagay kita sa front at ikaw ang mag a-asikaso sa mga guest, bali mag rerefill kalang ng pagkain pagnaubos na. Sila na ang kukuha ng pagkain, dapat nandoon ka lang sa harap para kapag may tanong sila about sa food ay madali mong masasagot." May kinuha itong papel at binigay sa akin. "Ito, mag pahinga kana at pag-aralan mo yan, nandiyan nakalagay kung ano ang mga pagkain at paano ito niluto," Wika nito. "Sige po, Ma'am makakaasa kayo," Napangiwi ako habang tinitingnan ko ang sarile sa harap ng salamin.. Nakapalda akong pencil na itim at naka long sleeve din akong kulay puti at naka tuck in sa palda ko. Tinalian lang ang buhok ko at Nilagyan din ako ng konting Make-up at lipstick na pula para daw presentabli akong haharap sa mga bisita. ~~~ Bumaba kaming anim sa van na siyang naghatid sa'min. Pinagmamasdan ko ang paligid napapalibutan kami ng mgagandang ilaw at iba't-ibang disenyo ng mga bulaklak at nagtatayugang pader. Marami ng mga tao at ang gagara ng mga kasuotan nila, halatang mayayaman. May nagsasalita sa stage at nagkakasiyahan ang mga bisita. Maya-maya pa ay inayos na namin ang mga pagkain at nilagay na sa gilid kung saan isa-isa na ang lumalapit at kumukuha ng pagkain. Nanatili lang akong naka tayo sa gilid at pilit na ngumingiti sa harap ng mga ito. Dinagdagan ko ang pagrerefill ng mga pagkain dahil paubos na. Naubos ang mga pagkain kaya isa-isa na namin itong nililigpit at nagtutulungan kami na mailagay ang mga gamit sa van. Bumalik ako sa loob dahil may mga naiwan pa roon pero binuhat na ito ng kasama ko na si Ralph at ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako dito pabalik. Pumantay ako sa kaniya para masabayan ko ang kaniyang paglalakad nang hindi sinasadiyang napalingon ako sa mga nagtatawanan sa gilid ng pader at natuon ang aking atensyon sa dalawang pares na magkalingkis sa isa't isa habang ang mga kasamahan nito ay nakatalikod kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. "Make her dance son, come on!" Napalingon ako sa matinis ng boses ng babae at nadapo ako sa veranda ng mansyon habang may nakayakap sa kaniya na lalaki sa likod at parehas na nakangiti ang mga ito. "Sure, mom!" Sigaw ng lalaki kasabay ng pagtunog ng romantikong awitin. Hindi naalis ang titig ko sa babae sa veranda, sa tingin ko ay matanda lang ito kay nanay ng ilang taon dahil bakas pa rin ang magandang mukha nito. Naibuka ko ng bahagya ang aking bibig nang dumapo ang tingin nito sa akin at ngumiti ito kaya parang hinaplos ang aking puso at napangiti rin ako pabalik. Napakurap ako ng maghiyawan ang mga tao kaya nabawi ko ang tingin sa babae at napatingin ako sa dalawang pares na sweet na sweet na nagsasayaw at nakahawak pa ang kamay ng lalaki sa bewang ng babae na parang takot na takot itong makawala sa kaniya habang magkalapat ang kanilang mga labi. Lumakas ang ihip ng hangin at bigla akong nanlumo, hindi ko alam pero bakit ang lungkot lungkot ko ng mga sandaling iyon. Siguro dahil naiingit ako, dahil tanging paghanga at pangarap na lamang ang kayang magawa ng katulad kong isang kahig isang tuka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD