“Kung wala kang magawa sa buhay mo, bumalik ka na lang sa trabaho.”
Napaismid ako sa sinabi ni Abi sa kabilang linya. Why is she being like this? I thought she wants me to take a long rest and enjoy myself away from work. This is my one of a lifetime relaxation from my exhausting work... tapos pinapabalik n'ya agad ako sa trabaho?
My Dad let me take a long rest from work. He said I can decide when I will come back. I don't know why but I still don't want to go back to work. Ngayon ko na lang ulit naranasan ang walang masyadong iniisip na trabaho.
...or is it because of Xanthos?
Napailing na lang ako sa naiisip ko. Ano naman ang kinalaman ng lalaking 'yon sa hindi ko pagpasok sa trabaho?
“Kapag niyayaya kita sa bar, game ka kaagad, pero kapag sa simba kita niyayaya ganyan ka?” nakaismid na tanong ko saka tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Magsisimba ako ngayong araw. Matagal na rin akong hindi nakakapagsimba dahil palagi akong busy sa trabaho.
“I can't even stand up, Kiara. My head hurts like hell. Next week sasama ako sa 'yo magsimba, h'wag lang ngayon dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.”
Natigilan ako nang mapansing kong iba nga talaga ang boses n'ya ngayon at mukhang sinisipon pa siya.
“Fine. Pupuntahan kita riyan sa unit mo after ko magsimba, dadalhan kita ng fruits, okay?” sabi ko na lang saka isinukbit ang sling bag ko saka lumabas ng kuwarto ko.
“Okay, I'll wait for you. Take care,” sabi na lang ni Abi bago ibinaba ang tawag.
Nilagay ko na ang phone sa bag ko saka pinagpag ang suot kong jeans. I'm just wearing a simple blouse and jeans. I don't know why I prefer simple clothes every time I go to church.
I was about to go to kitchen to drink water but I was taken aback when I saw Xanthos standing there while stirring something on a cup. What is he doing here?! Nakita ko siyang umalis para pumasok sa trabaho kanina.
3 pm pa lang, bakit ang aga n'yang umuwi?
Pasimple na lang akong unatras hangga't hindi n'ya pa ako nakikita. Kahapon ko pa siya iniiwasan. I don't know why I'm doing this... maybe I was bothered about Cad's warning last time. But I couldn't understand myself at all, I'm avoiding him but I don't want to leave this house. Pwede namang umalis na lang ako rito at bumalik kay Dad pero hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa 'kin na manatili pa rito.
“Kiara.”
I sighed when Xanthos called me when I was about to reach the door. I took deep breath and calmed myself before facing him. Xanthos looked at me as if I did something terrible to him. I just raised my eyebrow and put my hand on my waist.
“What?” I asked in a cold tone.
I'm pissed off just by looking at him like this. I hate the fact that my heart throbs like hell just by looking at him like this. I'm sure he did something to me, I'm sure he bewitched me or what.
Hindi ko dapat nararamdaman 'to.
“Why are you avoiding me?” he asked and took a step closer to me.
“Why would I avoid you? I just have no reason to talk to you nor approach you,” I said and immediately turned my back at him.
Xanthos held my arm to stop me and pulled me closer to him. I pushed his chest and removed my arm from his grip.
“What the hell is your problem, Xanthos?!” I yelled while glaring at him.
“My problem is you because you're avoiding me on purpose. Now it's my turn to ask you, what the hell is your problem, Kiara?” he asked, irritation is evident in his voice.
“My problem is you because you keep on bothering me! What do you still need from me, Xanthos? We finally had s*x and I stopped bothering you, but why are you being like this? Do you want to have s*x with me again or what?” I asked while looking straight into his eyes. Xanthos' jaw clenched.
Saglit siyang natahimik. Hindi ko mabasa ang iniisip n'ya ngayon dahil walang emosyon na nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Hindi ko rin alam kung bakit nakatitig lang ako sa kanya ngayon at hinihintay ang sasabihin n'ya kaysa ang umalis na lang dito.
“Where are you going?” he asked.
“Church,” I answered blandly and immediately turned my back at him.
Napailing na lang ako at basta na lang lumabas ng bahay. Baka mapatitig na naman ako sa kanya hanggang sa hindi na ako makaalis.
BUTI NA lang at hindi gaanong karami ang tao sa simbahan nang makarating ako. Nagdasal muna ako saka nakinig sa sermon ng pari.
Natigilan ako nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang si Xanthos 'yon. He's just wearing a simple t-shirt and jeans.
Did he follow me here?
“What are you doing here?” I asked as my eyebrow shot up.
“Nagsisimba,” tila pilosopong tanong n'ya saka tumingin na lang sa pari na nasa unahan at nagsasalita.
Nag-focus na lang din ako sa pakikinig sa pari.
“Bakit ba hindi n'yo dapat hayaang maghari ang galit sa mga puso n'yo? Dahil kapag hinayaan n'yong mangyari 'yon, maaring mas maging masama kayong tao kaysa sa nagkasala sa inyo. Normal na makaramdam tayo ng galit, it's human nature... Pero kung hahayaan nating balutin no'n ang puso, hindi na natin makikilala ang sarili natin. Maaraing mawala ang mismong pagkatao natin,” sabi ng pari.
“Easy for him to say.”
Natigilan ako nang magsalita si Xanthos. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
“What do you mean?” I asked. Xanthos just looked at me and gave me a small smile.
“Nothing, he said we shouldn't let wrath take control of our feelings. I just find it ridiculous because that doesn't apply to every situation,” he murmured and looked at the priest again.
Nanatili akong nakatitig sa kanya. What does he mean by that? Did he experience something terrible before?
TAHIMIK KAMING nakaupo ni Xanthos sa bench na malapit sa simbahan matapos ang misa. Kanina ko pa napapansin na tahimik siya habang nakatitig sa mga batang naglalaro mula sa di kalayuan.
He seems bothered about something. Is it because of what the priest said earlier? I want to ask him but I'm hesitating. I don't want to offend him more. What can I do to make him feel better?
Natigilan ako nang mapatingin sa nagtitinda ng dirty ice cream malapit sa amin. Nagkakagulo kasi ang ilang mga bata ro'n.
Tumayo na lang ako at lumapit do'n, ibibili ko na lang ng ice cream si Xanthos. Sa sobrang lalim ng iniisip n'ya, hindi n'ya yata nahalata na wala na 'ko sa tabi n'ya.
“Mga bata, si miss ganda muna,” sabi ng tindero nang makalapit na ako sa kanila. Nahihiyang ngumiti na lang ako.
“Magkano po ang ice cream sa cone?” tanong ko.
“Ten pesos lang, miss.”
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Ten pesos only? That's so cheap. How is that possible?
Napatingin ako sa mga bata na naghihintay sa amin. Kumuha na lang ako ng 500-peso bill saka inabot 'yon sa tindero.
“I want two ice cream. For these kids, I'll pay for their ice cream too. 'Yung mga bata ro'n sa gilid, pakibigyan din ng ice cream,” sabi ko saka itinuro ang mga bata na naglalaro sa gilid.
“Thank you, ate!” tuwang tuwa na sabi ng mga bata. Napangiti na lang ako saka bahagyang ginulo ang buhok nila.
I don't like the idea of having my own family but I have a soft spot for kids and animals. Kaya madalas akong mag-donate sa mga programang sumu-suporta sa mga bata pati na rin sa mga hayop.
Ibinigay na sa 'kin ni kuyang tindero ang dalawang cookies and cream flavored ice cream. Napatingin ako sa puwesto ni Xanthos at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin siya sa 'kin.
Napatikhim na lang ako at muling umupo sa tabi n'ya saka inabot sa kanya ang isang ice cream. Kinuha naman n'ya iyon.
“You know what, this ice cream only costs ten pesos. How amazing is that?” I licked the ice cream. I gasped and my eyes widened in shock. “My goodness, this tastes too good for its price,” I murmured and licked the ice cream again.
I heard Xanthos chuckled beside me. He's looking at me as if I'm an amusing kid who ate ice cream for the first time. I just rolled my eyes at him and focused on my ice cream.
“I think you're not aware, but there's also a five-peso ice cream,” he said and start eating his ice cream too.
“Really?! Wow,” I murmured. The cheapest ice cream I always eat before costs five hundred pesos. I guess I wasted too much money.
“Why did you buy ice cream for me?” Xanthos asked while staring at me.
“Hindi ako bumili ng ice cream para sa 'yo. Gusto ko lang tikman ang dirty ice cream, ang rude ko naman kung sarili ko lang ang bibilhan ko, 'di ba?” pagdadahilan ko na lang.
“Hmm, I though you want to comfort me with this since I looked so down earlier,” he said and gave me a small smile. I just rolled my eyes at him.
“Hindi 'no,” sabi ko na lang saka inismiran siya.
Kumain na lang kami ng ice cream. Nang maubos na ang ice cream namin, hinila ko siya papuntang tindahan para makabili kami ng tubig.
Akmang kukuha na ng pera si Xanthos sa wallet n'ya pero agad ko siyang pinigilan.
“No, I'll pay for this,” I said and took my wallet from my sling bag.
“This seems like a date to me, I can't let you always pay on our date,” he said put his hand inside the pocket of his pants.
“Whatever,” I murmured and paid the two bottled waters. I gave the other one to Xanthos.
Umalis na kami ng tindahang 'yon pagkatapos. Natigilan ako nang mapatingin sa bilihan ng mga damit mula sa di kalayuan. Agad kong hinawakan ang kamay ni Xanthos at hinila siya papunta ro'n.
“Look, Xanthos. These wonderful clothes cost one hundred to three hundred pesos only! This is awesome,” I exclaimed and pulled him inside the small clothes store.
Maraming magagandang damit pero mura lang. I never bought clothes with three-digit price before. I don't know why these cheap clothes amaze me.
“Look at this dress, Xanthos. Do you believe it's only three hundred fifty pesos?” I asked and pointed the mint green dress on the mannequin.
Nakatingin lang sa 'kin si Xanthos habang ako naman ay manghang mangha sa mga murang damit. Minsan ay napapangiti siya habang nakatitig sa 'kin kaya napapaiwas na lang ako ng tingin. May kung ano na namang nag-iingay sa puso ko.
Natigilan ako nang mapatingin sa mga batang namamalimos sa gilid ng kalsada. Napakunot ang noo ko dahil 'yung isang bata halos wala ng damit. 'Yung iba naman ay punit punit ang damit. Bakit mas dumami yata ang mga batang namamalimos ngayon?
Napabuntonghininga na lang ako at tumingin sa tindera.
“May mga damit po kayong pambata?” tanong ko sa tindera.
“Opo, ma'am. Marami po,” sagot naman n'ya.
I took my wallet and from my sling bag and took three thousand pesos and gave it to her. Halata namang natigilan ang tindera.
“Pakibalot po ng mga damit pambata na kasya riyan sa perang 'yan,” sabi ko saka muling napatingin sa mga bata sa gilid ng kalsada.
Pagkatapos ilagay ng tindera ang mga damit sa malaking plastic agad n'ya iyong inabot sa 'kin pero natigilan ako nang kuhanin sa akin ni Xanthos iyon.
“Ako na,” tipid na sabi n'ya. Napatango na lang ako at hinayaan siya.
Hinila ko naman siya papunta sa malapit na grocery store. Namili ako ng maraming pagkain do'n, bumili na rin ako ng ilang soap at shampoo pati ng mga toothbrush. Umalis din kami agad ng grocery store pagkatapos mamili saka lumapit sa mga bata sa kalsada.
“Hi, kids!”
Napatingin sa 'kin ang mga bata. Lumapit ako sa kanila, si Xanthos naman ay wala ng nagawa kundi ang sumunod sa 'kin.
“Ito, para sa inyo.” Inabot ko sa kanila ang mga plastic ng groceries na pinamili ko. Kinuha ko rin mula kay Xanthos ang pinamili kong mga damit saka ibinigay sa kanila. Halata namang nagulat sila sa ginawa ko.
“Para sa amin po 'yan, ate?” tanong ng isang batang lalaki na sa tingin ko lagpas sampung taon ang edad.
“Oo naman. Umuwi na kayo sa inyo at dalhin n'yo ang mga 'yan sa bahay n'yo. Okay? Nasaan nga pala ang mga magulang n'yo?” tanong ko.
“May sakit po ang nanay ko,” sagot ng isang batang babae na may hawak na maliit na box na may lamang ilang barya.
My heart throbbed while looking at them. I'm so weak when it comes to these situations. I don't romanticize poverty since everyone shouldn't be experiencing it but seeing kids at this age work to help their parents instead of studying pains me. I just sighed and smiled at them.
“Ako po walang magulang,” sabi naman ng isang batang lalaki saka napakamot sa tiyan n'ya.
Natigilan ako nang lumapit sa kanya si Xanthos. He squatted to meet the child's gaze and gently brushed the kid's hair with his hand.
“You're a strong lad,” Xanthos murmured and smiled at the kid. The kid's forehead creased.
“Ate, ano po'ng sinabi ni kuya?” tanong ng bata sa 'kin. Natatawang napailing na lang ako.
Napatingin si Xanthos sa ibang mga bata.
“Kayo, maging mabait kayo sa mga magulang n'yo. Hmm?” sabi ni Xanthos.
“Opo!” sagot naman ng mga bata.
Napangiti na lang ako habang nakatingin kay Xanthos. It seems like he has soft spot for kids too. What a revelation.
GINABI NA kami ni Xanthos. Hindi muna kami umuwi agad at naglakad-lakad na lang sa may plaza na malapit lang din sa simbahan. Maganda maglakad-lakad dito dahil ang ganda ng mga ilaw na nanggagaling sa street lights pati na rin sa mga tindahan sa gilid ng kalsada.
Nagulat ako kay Xanthos ngayong araw dahil nangako siya sa mga bata na pag-aaralin n'ya ang mga 'yon. Hindi ko talaga inasahan na may ganitong side siya.
“Xanthos, I'll give you one thousand points.”
Natigilan si Xanthos sa paglalakad dahil sa sinabi ko. Napakunot ang noo n'ya. Ngumiti na lang ako sa kanya saka yumakap sa braso n'ya.
“Why?” he asked while staring at me.
“Well, because you are surprisingly and unexpectedly generous and has soft spot for kids. To be honest, it turned me on,” I murmured held his hand.
Halatang natigilan siya sa ginawa ko.
“You're parents must taught you to be a good man as you are right now,” I said and smiled at him.
Xanthos gave me a small smile and nodded.
“My mother taught me to be a perfect man.” He intertwined our fingers and kissed the back of my hand. I gasped as my cheeks heated up. I avoided his gaze and calmed my raging heart.
“W-where is she now?” I asked while still avoiding eye contact with him.
“She left me.”
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Agad akong napatingin sa kanya. Wala akong makitang emosyon sa mga mata n'ya pero alam kong nalulungkot siya.
“She's an irresponsible woman who left her responsibility as a mother,” he muttered and smiled bitterly.
I don't know what to say. I want to say something to comfort him but I don't have the courage to do so. Baka hindi naman makatulong sa kanya ang sasabihin ko.
“But you know, I'll give you ten points for making me go to church for the first time after 19 years. The last time I went to church was 19 years ago, with my mother. After she left us, I never went to church again,” he murmured and stroked my arm gently with his hand.
I gave him a weak smile. I sighed and hugged him. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero mas hinigpitan ko na lang ang yakap sa kanya.
This is the only way I know to comfort him since I have no idea what to say.
I was taken aback when Xanthos hugged me back. My heart throbbed and my pulse raced. I bit my lower lip when I felt his strong arms encircling around my waist.
“I'll give you one million points, Kiara.”
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Bahagya kong itinulak ang dibdib n'ya at nagtatakang napatingin sa kanya.
“O-one million points?” I asked as my lips parted.
Xanthos nodded, he touched my cheek and stroked it gently with his thumb. He's staring at me as if I'm the most beautiful woman in his eyes. I gulped and stared at him too, why is he looking at me like that?
“I gave you one million points because you're beautiful,” he whispered.
“W-what? You gave me one million points just because I'm beautiful? But I'm always beautiful and that's really shallow, Xanthos,” I said and raised my eyebrow. Xanthos smiled at me and held my chin.
Dinampian n'ya nang magaan na halik ang labi ko bago nagsalita.
“I'm not talking about your appearance, Kiara.”