Steffi's P.O.V: Kinabukasan ay naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paggalaw ni Nanay Aurora sa tabi ko. Magkatabi kaming natutulog habang si Yohan naman ay sa labas natutulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang katawan ko na matulog sa sahig. Pakiramdam ko nga ay may backpain na ako. I just don't want to let them know dahil ayokong ma-offend si Nanay sa akin. I just don't have any choice. Sinubukan kong matulog muli ngunit hindi na talaga ako nakatulog pa, kaya nagdesisyon na lang akong bumangon. Pagbangon ko'y ramdam ko ang pamamawis ng likod ko. Makaka-survive kaya ako rito? If it's not because of Nanay, baka umalis na ako rito at maghahanap ng mas komportableng lugar. Napansin ko rin na wala na sa tabi ko si Nanay, maybe she already woke up. Ngayon din pala kami pupunta s