Steffi's P.O.V: Kinabukasan ay sinamahan ako ni Yohan sa hotel. Ire-refer ko lang siya sa supervisor namin. Hanggang sa dumating sa lobby area ay kasama ko pa rin si Yohan. Nang makita ako ni Kyla ay masaya niya akong sinalubong ng yakap. No'ng unang ginawa niya sa'kin 'to ay nailang ako, ngunit kalaunan ay nasanay din ako She's my friend. I already considered her as my friend. When he saw Yohan beside me ay agad niya akong sinundot sa tagiliran. "Ang pogi naman ng kasama mo. Boyfriend mo?" nakangising bulong niya. "No," I immediately answered. "Weh? Anyway." She faced Yohan. "Hello. Ako nga pala si Kyla. Friend ako ni Sam. How about you? Tsaka bakit ka nandito?" Yohan smiled at her. "Talaga? Kaibigan mo siya?" He pointed his finger at me. Inosente namang tumango si Kyla. Halatan