APPLE: SA MGA SUMUNOD na araw hindi na muling nagparamdam si Claude. Tumawag naman ito na baka sa susunod na buwan pa makadalaw dahil may mga inaasikaso siya sa kumpanya nito. Naiiling na lang ako na pinaalalahanan pa akong hwag ng makipag-table sa mga costumers dahil exclusive na lang ako para sa kanya. Kahit daw bayaran ko kay madame ang bawat gabi ko walang problema sa kanya. Ang mahalaga, hindi na ako makikihalubilo sa mga costumer. Hindi naman 'yon problema kay madame dahil walang pilitan kung gusto naming maki-table o hindi. Isang umaga habang nakatambay kaming magkakaibigan sa sala. Nanonood ng tv at kanya-kanyang nagkukuskos ng kuko sa kamay at paa. Dumating ang grupo nila Melon. Hindi na lamang kami umimik nang inilipat ang chanel na pinapanood namin. "Tumabi ka nga mansana