1YEAR LATER APPLE:
"APPLE!!"
NAPABALIKWAS AKO sa matinis na sigaw ni nanay sabay saboy sa akin ng malamig na tubig na ikinabangon ko! Pupungas-pungas akong napaupo ng katre ko na napahilamos ng palad sa mukha. Mariin akong napapikit na maamoy ang malansa at mapanghing amoy ng tubig na isinaboy nito sa akin. Walang iba kundi ang ihi niya sa arenola nito.
"Bumangon ka na dyan! Tanghali na nagugutom na ako!" bulyaw nitong kaagad kong ikinatayo na dinampot ang kumot kong nabasa din ng ihi nito at nagtungo ng cr namin sa likod nitong barong-barong namin.
Mapakla akong natawa sa sarili kahit nangingilid na ang luha habang mabilisang naliligo. Sanay na akong hindi maayos ang pakitungo sa akin ni nanay. Kung hindi lang dahil kay tatay ay matagal na akong lumayas dahil sa pagpapahirap nito sa akin lagi dito sa bahay lalo na kapag wala si tatay na nasa laot para sumama sa mga kasamahang mangisda. Liblib at halos mabibilang lang ang kabahayan dito sa sitio namin. Malayo sa bayan. Mahirap at simple ang pamumuhay na kung hindi ka kikilos? Mamatay kang dilat ang mga mata sa gutom.
TARANTA AKONG naghanda ng agahan namin bago pa ito bumuga na naman ng apoy sa akin. Mainipin kasi si nanay. Gusto kapag sinabi niya ay gagawin mo na kaagad. Matapos kong magluto ng agahan at maihain sa lamesa ay lumabas na ako ng kusina.
"Nay kain na po!" pagtawag ko ditong nasa sala na nagbabasa ng kanyang mga pocketbook.
Nakayuko ako habang kumakain ito. Sanay na akong ayaw ni nanay na sumasabay ako sa kanya. Saka ko lang siya nakakasabayan kumain kapag nandidito si tatay. Si tatay kasi ang lagi kong tagapagtanggol. Na lagi akong kinakampihan at inaalo sa tuwing napapagalitan ako ni nanay kahit wala naman akong maling nagawa.
"Tubig. Kailangan pa bang sabihin? Nasaan ang utak mong bata ka" taranta akong kumuha ng tubig nito bago pa manigaw na naman.
"S-sorry po Nay" maingat kong nilapag sa tabi nito ang baso pero dahil may binabasa ito habang kumakain ay natabing nito ang basong ikinatumba non na ikinabasa ng kanyang pocketbook na nakalapag sa mesa!
"Napakabōbō mo talagang bata ka! Wala ka na ngang silbi tātānga-tānga ka pa!!"
"Urrgghhh! Nay t-tama na po!" impit kong daing na pilit tinatanggal ang kamay nitong nakasabunot sa akin! Sa sobrang higpit ng kanyang pagkakakapit ay para ng matatanggal ang buhok ko sa anit!
"Belinda!!" natigilan ito sa pagsigaw ni tatay na bagong dating!
Pabalang nitong binitawan ang buhok kong nagpamewang. Napalabi akong luhaang itinayo ni tatay na kita ang awa sa kanyang mga mata.
"Salamat po" pilit itong ngumiti na inayos ang sabog-sabog kong buhok sa pananabunot ni nanay.
"Kaya lumalaki ang ulo ng batang 'yan dahil lagi mo na lang kinakampihan Lupicito! Anong akala mo dyan? Paslit?!" pagtatalak ni nanay. Napahinga ng malalim si tatay na kitang nagpipigil lang ng galit para hindi masabayan ang init ng ulo ni nanay.
"Kumain ka na ba anak? Samahan mo ako sa bayan" alok nitong ikinangiti at tango ko.
"Sige po Tay!" napangiti itong hinaplos ako sa ulo.
"Ano? Hoy Apple marami ka pang gawain dito sa bahay! 'Yan na nga lang ang pakinabang namin sayo dito" pambabara ni nanay na ikinapalis ng ngiti ko.
"Belinda. Mabilis lang kami don. At minsanan lang naman makalabas ng bahay si Apple. Pagbigyan mo na ang bata" panenermon ni tatay ditong napasapo sa noo at masama na naman ang tingin sa akin.
"Sige na anak. Magbihis ka na doon" ani tatay na ikinangiti at tango kong nagtungo sa silid ko para makapagbihis.
Habang nagbibihis ay napasulyap ako sa bracelet na suot ko. Gold na tila pina-costumized ang pangalan kong naka-ukit dito na 'apple'. Mapait akong napangiti. Isang taon na rin pala. Isang taon na magmula nang magising ako sa hospital na walang naaalala maging ang mga magulang ko. Ayon sa kanila ay na-hit-and-run ako ng kung sino. Dahilan kaya nag-agaw buhay ako at na-coma ng kalahating taon sa hospital. At paggising ay wala ng matandaan.
Dahil sa akin kaya napakalaki ng utang nila tatay kay mayor na siyang nangbayad sa mga gastusin ko sa hospital para mabuhay pa ako. Isang taon na pero hanggang ngayon nagbabayad pa rin ng utang si tatay dito dahil maliit lang naman ang kita nito sa pangingisda. Halos kulangin pa nga sa pang-araw-araw naming pangangailangan dito sa bahay.
"Apple? Handa ka na ba anak?" napabalik ang ulirat ko sa pagkatok ni tatay sa pinto.
Nagpahid ako ng luha na inayos ang sarili bago lumabas ng silid. Malamlam ang mga mata nitong pilit na ngumiti na napatitig sa mga mata ko.
"Tara?"
"Sige po" napakapit ako sa braso ni tatay na magkasabay lumabas ng bahay. Nadaanan naman namin si nanay sa kusina na nagpatuloy sa pagkain at hindi na umimik o sumulyap pa.
HABANG NASA bayan kami ni tatay. Napapagala ako ng paningin. Minsanan lang kasi akong makalabas ng bahay. Sa takot na rin na mawala ako dahil hanggang ngayon ay wala akong maalala sa nakaraan. Kaya naman saka lang ako nakakalabas kapag gantong magtutungo si tatay ng bayan para maghatid ng pursyento sa utang namin kay mayor at mamili na rin ng mga kailangan sa bahay.
"Lupicito. Bakit kasi hindi mo na lang hayaan ang dalaga mong magtrabaho sa akin. Sinabi ko naman sayo, pwedeng-pwede kong kuning assistant ko si Apple. Malaki-laki pa ang utang mo sa akin" dinig kong saad ni mayor Solsedo. Isang matandang mayor na byudo kaya naman kaliwa't kanan ang naglalalapit na babae sa kanya mapa-dalaga o matanda dahil dito sa bayan namin ay siya ang masasabing may kaya sa buhay.
"Salamat na lang ho mayor. Pero kaya ko pa namang magbanat ng buto para sa pamilya ko. At mga obligasyon ko" pagtanggi ni tatay.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman namin kung bakit ako gustong kunin ni mayor na assistant. At kaya mabait ito sa amin. Dahil may gusto siya sa akin. At boto si nanay dito. Pero dahil tutol kami pareho ni tatay kaya araw-araw na lamang mainit ang ulo ni nanay sa akin.
Matapos makapag-down p*****t si tatay ay lumabas na rin kami ng opisina ni mayor. Napangiti akong yumakap sa tagiliran nito nang akbayan ako habang palabas ng munisipyo.
"Tay. Okay lang naman sakin magtrabaho kay mayor. Para na rin makapagbayad tayo ng utang sa kanya"
"Hindi anak. Hangga't humihinga pa si tatay. Hwag na hwag kang papatol sa alok niyang trabaho, halata namang ikaw ang gusto niyang trabahuin. Sa bahay ka na lang maliwanag?" napangiti akong tumango na lamang.
HABANG NAGLALAKAD ng palengke. Natigilan akong may madaanang mga nagbebenta ng newspapers sa tabi at nahagip mula doon.....ang mukha ko!?
Nanlalaki ang mga matang napalapit ako sa newspaper na walang kakurap-kurap na pinakatitigan ang babae sa larawan.
"Apple Wicharat....the only heir of Wicharat Group of Company is still missing"
Napalunok ako sa nabasang nakalakip sa headlines ng article sa babaeng supistikada na kamukhang-kamukha ko. Pero napaka-imposible namang ako 'yon. Dahil mayaman siya, ako mahirap lang. Napangiti akong hinaplos ang mukha nito sa dyaryo at napahingang malalim na bumalik na sa kinaroroonan ni tatay.
"Okay ka lang anak? Baka may gusto kang ipabili huh? Magsabi ka lang" ani tatay na ikinailing kong tinulungan ito sa kanyang mga pinamili.
"Okay lang po Tay. Salamat po"
"Ang bait mo talagang bata Apple. Ang swerte ng mga magulang mo sayo"
"Po?"
"Ahem! Ibig kong sabihin, maswerte kami ng nanay mong kami ang mga naging magulang mo. Napakabait mo kasing bata" anito na ikinangiti kong napatango-tango. Para kasing iba ang pagkakaintindi ko sa unang sinaad nito.
"Maswerte din po ako sainyo Tay. Napakaswerte ko pong kayo ang ama ko" napaiwas ito ng tingin na pilit ngumiti at inakbayan na akong iginiya palabas ng palengke.
HABANG NASA byahe sakay ng tricycle. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang babaeng kamukha at kapangalan kong nakita ko sa dyaryo. Parang may nag-uudyok sa akin na alamin ang mga bagay-bagay tungkol kay Apple Wicharat. Na parang napakalapit niya sa puso ko. Pero napaka-imposible naman kung konektado ako at pamilya ko dito. Isa siyang hiredera, habang ako ay anak ng mangingisda dito sa probinsya.
Pagdating namin ng bahay ay nagulantang kami ni tatay na maabutan si nanay na walang malay at nakahandusay sa sahig!!
"Belinda!"
"Nay!!"
Patakbo naming nilapitan ni tatay ito na kaagad kinarga ni tatay at inilbas ng bahay! Napalapat ako ng labing pigil-pigil ang sariling maiyak habang nasa byahe papuntang hospital!
"Belinda, hwag mo kaming iiwanan ng anak natin huh? Lumaban ka mahal ko" pagkausap ni tatay dito na rumaragasa ang masaganang luha nito.
"Tay, lalaban po si nanay. Matapang 'yan eh. 'Di ba po nay" pagpapatatag ko sa loob nito habang hawak sa kamay si nanay na walang malay.
"Oo anak. Matapang ang nanay mo. Hindi niya tayo iiwan" lumuluhang saad nitong may pilit na ngiti sa labi.
PAGDATING NAMIN ng hospital ay kaagad inasikaso si nanay. Pero para kaming pinagsakluban ng langit at lupa na malamang mangangailangan ng aabot sa higit kalahating milyon ang kakailanganin naming halaga para sa operasyon nito sa kumplikasyon sa puso.
Bagsak ang balikat na naglakad ako palabas ng hospital. Hindi alam kung saan hahagilap ng kalahating milyon para maisalba ang ina ko. Sa laki ng halagang 'yon ay baka kahit ibenta ko ang mga kaluluwa ko ay hindi pa rin sapat.
Natigilan ako sa paglalakad nang may mga marinig akong nagtitilian sa tabi na grupo ng mga babaeng kay iiksi ng kanilang mga suot. Halos sumisilip na ang kanilang singit sa iksi ng kanilang short, at labas na labas ang sūso na mga wala namang laman. Maliban sa isa. Ang pinakamaganda at talaga namang ang sexy ng dating. Malaki-laki rin ang hinaharap na kasinlaki sa ulo ng batang bagong silang. Napalunok akong napatitig sa kanilang anim na nandidito sa tapat ng isang bar!
"Mariposa strip club"
basa ko sa pangalan ng bar. Napalunok ako. Napakagat ng ibabang labi na napapapisip kung papasok ba ako dito. Kahit magbenta na ng lamangloob maisalba ko lang ang buhay ng ina ko, bakit hindi. Puri lang ang mawawala sa akin. Kaysa naman ang ina ko ang mawala sa akin. Nangilid ang luha kong napatitig sa club. Marami-rami ding costumers ang labas-masok na pinapansin ng anim na babaeng nasa harapan na nagpapaanyaya ng mga costumers na dumaraan.
Mariin akong napapikit. Ilang beses huminga ng malalim para kalmahin ang puso kong sobrang bilis ng t***k!
"Kaya mo 'to Apple. Para sa nanay mo. Kakayanin mo. Bahala na" piping usal ko.
Akmang papasok na ako nang harangin ako ng mga babae na ikinalunok ko.
"Hep hep day. Saan ka pupunta?" supladang tanong ng leader nilang napapa-ikot-ikot ng buhok sa daliri.
Katulad ng limang kasamahan nito ay kitang maldita ang mga itong nakataas ng kilay habang ngumunguya ng chewing gum at puno din ng kolorete at accessories ang mukha. Pilit akong ngumiti na ikinataas lalo ng kilay ng kaharap kong malaki sūso. Pero hindi maipagkakailang napakaganda niya lalo na sa malapitan.
"Um, maga-apply sana sa loob" nahihiyang saad ko.
Nagkatinginan ang mga itong kalauna'y nagkatawanan at nag-apiran sa isa't-isa na tila may nakakatawa sa sinaad ko. Napapailing ang mga itong nilingon ako. Nang-uuyam ang tingin na napapangisi sa aking taas-baba ang tingin sa akin.
"Ikaw? Papasok dito sa Mariposa club? Seryoso ka ba? Alam mo kasi, magaganda lang ang tinatanggap dito. Sexy, wild, hot and...." napa-flip ito ng buhok na nginuso ang dibdib ko.
"Malaki dapat ang cocomelon mo day. Mukhang santol size ka pa naman kagaya ng mga gurang kong alalay"
"Joga naman"
panabay na reklamo ng limang alipores nitong napapanguso na napatingin sa kanilang dibdib. Napataas kilay naman ito sa mga kasama na humalukipkip.
"Bakit? I'm just being honest girls"
"Um, sige papasok na ako" pagsabat ko na pumasok na ng club.
Hindi naman na nagkomento pa ang mga ito dahil may mga costumers na lumapit sa kanilang anim na kalalakihan na walang kahiya-hiyang naglamutakan sa harapan kahit maraming tao ang dumaraan at pinagtitinginan sila. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Nangatog din ang mga tuhod ko habang naglalakad papasok ng club kung saan unang sinalubong sa akin ang nakakahilong makulay na ilaw at may kadilimang silid. Halo-halong perfume at usok ng sigarilyo ang humahalimuyak na sobrang ingay mula sa malakas na tugtog sa harap, at mga nagkakahiyawang costumers.
"Yes ma'am? How may I help you?" magalang tanong ng isang waiter na lalake. Napangiti akong naglahad ng kamay na kaagad nitong tinanggap na nakangiti.
"H-hi, I'm Apple, naghahanap ako ng trabaho eh. May available pa ba kayong pwesto dito? Kahit ano tatanggapin ko" masiglang saad ko.
Napatitig ito sa akin na sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napanguso itong nakamot ang kilay.
"Kung waitress kasi ma'am, wala na eh. Pero....naghahanap ang manager namin ng mga GRO at dancers"
"GRO? Dancer?" kunotnoong ulit ko. Ngumiti itong napatango.
"Oo ma'am. Kung kaya mong sikmurahin ang ganong trabaho? Mas malaki ang kita mo gabi-gabi mula sa mga costumers mo. Ano? Ipapakilala ba kita sa manager namin?" anito na ikinatango ko kaagad.
"Okay. Sige. Bahala na"
NANGANGATOG ANG MGA TUHOD ko habang papunta kami ng opisina ng kanilang manager dito sa club. Sobrang bilis ng t***k ng puso kong parang lalabas na sa dibdib ko!
Napahinga ako ng malalim na marating namin ang opisina ng manager nila na kinatok ng waiter na kasama ko.
"Yes?" dinig kong sagot ng binabaeng boses mula sa loob.
"Uhm, madame. May bagong aplikante ka dito"
"Sige papasukin mo"
Napalunok akong pilit pina-normal ang itsura at inihanda ang matamis kong ngiti pagpasok namin. Napalapat ako ng labi na makitang may dalawa akong babaeng katulad ko ay simple lang ang postura, walang mga kolorete at accessories sa katawan. Ngumiti ang mga itong ikinangiti kong marahang yumuko sa mga ito.
"Have a sit mis--"
"Uh, Apple po ma'am" kaagad kong sagot na tinanggap ang kamay nitong napangiti na sinenyas na maupo ako kaharap ang dalawang dalaga.
"So Apple, anong kaya mong gawin?" diretsong tanong nito na napangalumbaba sa lamesa. Ngumiti akong napatikhim.
"Kahit ano po ma'am, basta legal at malaki ang kita. Kakayanin"
"Sigurado ka? Kahit ano?"
"Opo" kaagad kong sagot na tumango-tango. Napanguso itong sinulyapan ang dalawang katabi.
"So bale ang kailangan ko dito ganda, dancer. Kaya mo bang gumiling? Kasi kung itsura at pangangatawan lang naman ay masasabi kong may ibubuga ka. Isang tingin pa lang ng mga costumers sainyo ay tiyak pag-aagawan na kayo" anito. Napalunok akong tumango na lamang.
"O-opo. Magpa-praktis po akong maigi sa tamang paggiling ma'am" masiglang sagot kong ikinatango-tango nito.
"Okay. So, may eighteen ka naman na siguro Apple, right?"
"Yes ma'am!"
"Very good. I-submit mo ang resume mo bukas, stay-in din kayo dito sa akin. Sa araw pwede kayong matulog, gumala bahala kayo sa life niyo. Pero sa gabi? Dapat nandidito kayo para sa trabaho niyo. Klaro ba?"
"Opo ma'am!" napangiti itong tumangong naglahad ng kamay sa dalawang kaharap kong ikinalingon ko sa dalawa.
"Hi, I'm Quince Evans, welcome to the club Apple" kindat nitong may matamis na ngiti sa labi.
"Thank you. Nice meeting you Quince" aniko na kinamayan ito.
"Hwag kang maiilang sa akin, ako ang maga-guide sainyo ni Peach dito. Friends na tayo huh?" magiliw nitong saad na ikinangiti at tango ko.
"Um, salamat Quince. Friends" aniko bago napabaling sa magandang dalagang katabi nito na naglahad ng kamay.
"Hello, I'm Peach Alvarez bebe gurl nice to meet you. Baguhan lang din ako, nagkasalubong na tayo kanina. Pero mukhang lutang ka bhe" maarteng kindat nitong napapakagat labi.
"Hello Peach, Apple" nakangiting saad kong kinamayan ito.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila ni Quince. Kahit simple lang ang postura nila tulad ko ay kitang-kita naman kung gaano sila kaganda at kaamo ang may kaliitan nilang mukha. Makinis din ang balat na kitang may kalakihan ang hinaharap.
"So paano? Handa na ba kayong rarampa dito sa club girls?" ani ng manager naming ikinatango at ngiti naming tatlo dito.
"Yes madame" panabay naming tatlo na tumayong kinamayan itong napakalapad ng ngiti sa aming kaharap.