APPLE: LUMIPAS ANG MGA ARAW na naging maayos ang friendship naming lima nila Peach, Quince, Lychee at Melon. Maging si madame na manager namin ay tuwang-tuwa sa naging friendship naming mga strippers nito na magkakasundo sa lahat. Natututo na rin akong sumakay sa mga kalokohan ng mga ito at makipagsabayan sa kakulitan at pagkasalaula ng kanilang bibig. Kahit paano ay naging mas magaan ang bawat araw ko dito na magkakasundo kami ng mga katrabaho kong ngayo'y matatalik ko ng kaibigan at pangalawang pamilya ko. Nagpapagaling na rin si nanay mula sa kakatapos niyang operation sa puso. Hindi ko pa nababanggit sa kanila ang tungkol sa trabaho ko pero nag-iipon na ako ng lakas ng loob para magtapat sa kanila ni tatay lalo na't nauubusan na ako ng palusot kay tatay sa tuwing tinatanong ako ku