APPLE: NAIILANG AKONG nakikipagsalamuha sa mga kaibigan ni Claude. Matapos kong gawan ng kape ang mga ito ay binigyan ko muna sila ng privacy makapag-usap-usap na sila-sila lang dahil mukha namang tungkol sa negosyo ang ipinunta nila dito na may mga dala pa silang documents na ipinakita kay Claude. Napahalukipkip akong nakamata sa naglalakihang building na kaharap namin habang nandidito sa balcony ng opisina ni Claude. Nakakalula lang sa taas ang kinaroroonan namin dahil nasa 50th floor pala kami kung saan kasunod nito ay ang rooftop na. Ayon kay Claude sa rooftop kami mamaya tutuloy dahil may swimming pool at garden doon. May studio din siya sa rooftop na kumpleto na lahat kaya kahit mag-over-night kami dito ay wala daw problema. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang prehensya niton