Part 1

1272 Words
Here Comes The Groom AiTenshi   Part 1   "Nandito tayo ngayon sa era na ang relasyon ng mag kaperahong kasarian ay tinatanggap na. Unlike noong mga early at late 20s na hindi niyayakap ng ating bansa ang same s*x relationship. Ngayon ay normal na lamang ito sa paligid at marami na rin ang kinakasal na lalaki sa lalaki sa iba't ibang simbahan. Tayo ngayon naglalakbay na panahon kung tawagin ay "BL Universe" o "Boy Love Universe" kung saan normal na umibig at magmahalan ang dalawang lalaki,” ang paliwanag ng professor habang ipinapakita sa projector ang mga larawan ng mga mag kaparehong kasarian na ikinakasal.   Nagtaas ng kamay si Shay. "Sir, may tanong po ako."   "Yes Mr. Shay Damasco?" tanong ng prof.   "May nabasa kami ng internet na sa susunod ng buwan raw ay dadaan dito sa Earth ang Calypso comet. Totoo po ba na may dala itong supernatural phenomenon?" tanong niya na may halong pagtataka.   Natawa ang professor, "Ang Calypso comment ay isang maliit na kometa lamang na daraan sa Earth at mags-stay dito ng overnight. Ito ay galing daw sa malayong galaxy na maaaring may dalang isang magnetic reaction sa katawan ng tao. Halimbawa, pwede kang mabuang o mabulag sa pagtitig ng matagal dito. May nabasa pa ako na maaari itong magpagaling ng sakit, o maaaring magdala ng sakit at sakuna. Maaari rin nitong buksan ang espesyal na kakayahan ng isang tao para ikaw ay maging isang super human. Pero ang lahat ng iyon ay hoax lang at walang konkretong basehan o ebidensiya. Walang nakakaalam kung totoo nga ang mga haka-haka. Okay balik tayo sa topic ng BL Universe," ang paliwang ng prof.   "Narinig mo iyon Warren? Kung totoo ngang may dalang supernatural occurrance ang Calypso comet na iyan, wish ko sana magka-kepyas ako at mabuntis!" ang bulong ni Shay habang natatawa ng palihim.   Natawa ako. "Puro ka kalokohan diyan. Kung gusto mong magka-kepyas, magpa opera ka sa Thailand. Huwag kang umasa sa Calypso na iyan o sa kometa, baka maya maya ay lumabas na alien diyan at gawin ka nalang palahiang baboy," ang bulong ko sa kanya.   "Ang kill joy mo naman friend. Alam mo ang bitter-bitter mo dahil na under ka sa isang political marriage. At hindi ka malayang pumili taong mamahalin mo. Yan ang hirap sa inyong mga "homo dives" (latin word for rich man or upper person). Karaniwan sa inyo ay hindi masaya dahil yung mga pinapakasal sa inyo ay matatandang homo dives din. Tulad ng pinsan mong si Elsa, ayun ipinakasal sa matandang balbas sarado, ang ending ay nag suicide ito dahil sa sobrang lungkot niya. Sana huwag mang yari sa iyo yun," wika ni Shay.   "Kung hindi ko gusto ang isang tao, hindi ko sasayanging buhay ko para sa kanya. Kung ayaw niya sa akin edi ayaw ko rin sa kanya. At isa pa, yung pinsan ko ay may history ng matinding depresyon kaya niya iyon nagawa," ang sagot.   "Ano pang ingay iyan Mr. Shay Damasco at Warren Zonaras?" tanong ng aming prof.   "Ah e, wala po sir, tungkol lang ito sa homo dives universe," nakangiti kong sagot.   Tawanan ang buong klase.   Ako si Warren, 20 taong gulang. May taas na 5'8 at kasalukuyang nasa 3rd year sa kursong Business Administration. Ako ay isang partime model sa isang agency na pag aari ng aking tita sa sentro ng siyudad at kung minsan naman ay secretary ako ni papa sa kumpanya. Ang aking pamilya ay isang ay nasa upper class o yung mga elite kung tawagin. Ang aking parents ay mayroong pag aaring malalaking negosyo sa loob at labas ng bansa. Pero gayon pa man ay mas pinili kong mamuhay ng normal at ako na rin mismo ang pumili ang pribadong paaralan kung saan ako mag-aaral. Solo akong anak nila mama at papa, balang araw ay ako ang mag papatuloy ng kanilang negosyo. Pero hindi ko naman masyadong iniisip ang mga ganoong bagay dahil ayokong bigyan ng sakit ang aking ulo.   Ang buhay ng isang homo dives o yung upper class na tao ay masarap kahit nabibili at nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. PERO hindi ka magiging malaya sa pagpili ng iyong taong makakasama. Ang mga magulang mo ang pipili nito basta pasok sa kanilang standard. Walang kaso ang kasarian basta't mayaman rin ito at makatutulong sa pag-angat ng bawat isa. Ito ang sumpa ng arrange marriage or political arrangement. Wala kang magagawa tungkol dito. Magtitiis ka o kaya sanayin mo ang sarili mo sa malalang sumpang dulot nito hanggang sa maging manhid ka nalang na parang isang bato. Katulad nga nung pinsan kong si Elsa na ipinakasal sa isang mayamang lalaki, hindi niya kinaya ang lungkot dulot nito kaya ang ending ay nag-suicide siya at ang lahat ay nag tapos doon. Sa huli ay siya rin halos ang natalo.   "Buti nalang sa aming mga middle class hindi ganyan kaarte. Suggestion lang ha, kung sakaling matandang mayaman ang mapangasawa mo, huwag mo na i-s*x please. Di ko kayang isipin, baka masuka ako sa gabi. Lasunin mo nalang para mabilis ay mabiyudo kana agad," ang hirit ni Shay habang pumapasok kami sa gate ng aming bahay.   Habang nag lalakad kami sa bakuran ay nakita ko si mama at papa sa balkunahe habang abala sa paglilista ng kung ano ano. "Mano po tita, you look so stunning naman sa dress niyo, saan po ang sagala?" ang bati ni Shay.   Natawa si mama, "Thank you Shay at excuse me pang araw araw ko lang ito oh, teka sabi mo lalagyan mo ko ng nail art? Kailan?" tanong ni mama.   "Ah e, ngayon na po tita, ano po bang design? Spongebob or Hello kitty? Pa bless din tito," ang bati pa niya sabay mano sa aking ama.   "God bless you Shay, kamusta ang negosyo ng papa mo?" ang tanong ni papa.   “Okay naman po tito, si papa ay nasa London ngayon dahil sa business meeting, tapos si mama ay sumama sa mga friends niya para mag dinner sa Macau,” sagot ni Shay   “Actually kaka lunch lang namin ng tito mo sa Malaysia kanina, balikan lang kami,” ang hirit ni mama.   Tawanan sila..   "Pa, ano ba iyang mga pangalan na iyan?" tanong ko noong makita ko si papa sa kanyang pinagkakaabalahan.   Lumapit sa akin si mama at mukhang excited na excited ito. "Anak, my baby boy. My baby dragon Warren. 20 years old kana, i think you are ready," ang wika ni mama.   “Ready for what ma?” tanong ko naman   "Para maging Aluguryon tita?" tanong ni Shay.   "Hindi no, ano ka ba Shay. Sa tingin ko ay handa na ang bestfriend mong si Warren para sa isang political arrangement. At ang nakalista sa mahabang papel na ito ay ang pangalan ng mga possible partners niya," wika ni mama na hindi maitago ang pananabik dahilan para mapangiwi ako. "Ma, naniniwala ka ba talaga na wo-work out iyang political arrangement? Si Ate Elsa, yung pinsan ko ipinakasal sa matandang balbas sarado, nag suicide siya dahil sa dipresyon," ang wika ko naman.   "Ano ka ba Warren, hindi naman kami kukuha ng ganoon katanda para sa iyo. 75 na iyon e. Kaya ang kinuha lang naming age bracket ay mula 20 hanggang 65 years old," wika ni papa.   Natawa si Shay, “65 years old talaga tita? Tumawad ka pa ng 10 years ah, dapat ginawa mo na ring 75 years old, nahiya ka pa kay Warren,” ang hirit nito.   Tawanan sila samantalang ako naman ay seryoso.   Ni minsan kasi ay hindi sumagi sa aking isipan na pati ako ay isasalang sa arrange marriage, or worst baka ito na rin ang katapusan ng kaligayahan ko.   Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD