Part 3

1836 Words
Here Comes the Groom AiTenshi April 15, 2020   Part 3   "So ano? May napili ka na ba Warren?" ang tanong ni Shay.   "Hindi ko alam, diba ang paniniwala at culture ng mga taga ibang bansa?" tanong ko.   "Ah e oo, don't worry mga half pinoy naman sila. Im sure na madali silang makakapag adjust sa culture natin. Maachieve natin ang balance o tinatawag na cultural equilibrium," sagot ni Shay.   Tumingin ako sa kanya. "Sa palagay niyo ba nila mama ay ganoon kadali mag-decide? Yung isang pangalan dito ay babaguhin ang takbo ng buhay ko. Pwedeng maging maayos at pwede ring maging malungkot. Or mas worst kung magiging miserable pa."   "Miserable? Nasa iyo iyon kung gusto mong gawing miserable ang buhay mo. Basta kung ano't ano naman ang mangyari ay mayroon ka jowang maipang rarampa at mayroon ka makakayakap sa gabi."   "Di kami magkakilala ng  mga tao na ito. Sa kasal lang kami magkakakilala, malay mo may case ang mga iyan ng pagiging drug addict o kaya mga may psychological problems sila, yung katulad ng napapanood ko sa mga thriller movie na matino sa una pero mga psychotic pala."   "Sus, walang ganon, lahat kayo ay sasailalim sa psychological, mental, emotional at spiritual examination bago ang kasal. Saka iwasan na nga natin manood ng mga ganyang movie para di kana napa-prining no. Saka don’t worry kung sino man iyang mapapangasawa mo ay atleast kasal kayo. May papel! May pirma. Kung di mo feel, gawin mong kaibigan at mag taksil ka. Tutulungan kita marami akong kilalang pwedeng substitute."   "Puro ka kalokohan diyan e," sagot ko naman na magulong magulo ang isipan dahil sa stress.   Maya maya ay pumasok na rin sila mama at papa sa aking silid. "Nakapag-decide kana ba Warren? tanong ni papa.   "Hindi, at parang ayoko talagang gawin," sagot ko sabay tapon ng papel sa sahig pero agad itong pinulot ni Shay.   "Hay naku tito, uma-attitude ang anak ninyo," ang wika nito.   "Warren, kailangan mong mamili ngayon dahil tiyak na naghahanap rin pamilya niyan. Tingnan mo anak. Nag-email na yung mga parents ng 4 na iyan. Hinihintay nila kung sino ang gusto mo. Yung di mo makukuha ay hahanap nalang sila ng panibago para sa anak nila," ang wika ni mama na nakadagdag pa sa pressure ko. “At talagang naging cause of delay pa ako?” tanong ko naman.   "Kaya nga pili na, dali! Magsasara na ang botohan ng match making!! Pag hindi ka pumili ay baka bumagsak ka sa mukhang tatay or mas worst doon sa mukha lolo na. Ayan na yung mga bata, mga fresh! Tirik na tirik yang kanila pagtumigas! Baka mauwi ka pa sa impotent kapag nag inarte ka pa!" ang pag aapura ni Shay.   Lumapit si mama hawak kanyang cellphone na may parang application. Nakalista dito ang pangalan ng apat. "Pipindutin mo lang anak yung pangalan na gusto mo. Pag-umilaw ang name ay nakareserve na kayo sa isa't isa," ang wika niya.   “Seryoso? May apps na ganyan?” tanong ko naman.   “Yes anak, exclusive apps lang ito na i-dinesgin para sa mga sumasailalim sa arrange marriage katulad ng ating angkan, karaniwan ginagamit ang apps na ito sa mga biding kapag nag r-rush ang ibang partido tulad ngayon nag aapura na yung pamilya ng apat,” wika ni papa sabay abot ng cellphone sa aking kamay.   "Naku, bilis o, may timer. 50 secs nalang!" wika ni Shay.   "Paano kapag hindi ako nakapamili sa loob ng 50 seconds?"   "Edi mag rerefresh ang listahan at doon kana babagsak sa mas matataas ang edad. 35 to 48 year old! Pwede na rin iyan, mga matured men, may asawa kana may daddy ka pa!" ang wika ni Shay.   "30secs." ang wika ni papa.   "Hindi ko alam! Natataranta na ako! Bakit kasi may ganyan pa!!" sigaw ko.   "Jusko pindutin mo na 20 secs nalang!! Yan na yung best batch!! Pindot naaaaa!" ang nag wawalang sigaw si Shay habang gumugulong sa kama, lumulundag at nag ta-tambling pa.   "Tang ina namang buhay to!!" ang sigaw ko sabay pindot sa pangalang pinaka madali kong nabasa. Pikit mata ko itong ginawa!   Umilaw ang buton.   Tumunog ang clap sound sa application. Kasabay noon ang pag ring telepono sa aking kwarto.   Lumapit si papa dito. "Hello, Zonaras." ang bungad nito.   "Yes.."   "Oo."   "Sige, aasahan ko yan."   "Bye, Salamat rin sa inyo," wika ni papa sabay baba ng telepono.   "Ano yun pa?" tanong ko.   "Okay na, engage na kayo ng napili mo. Actually napili rin niya ang pangalan mo "Warren Zonaras kaya parang mutual ang nangyari!" ang wika papa.   "Wow! Cool! Engage agad agad? As in? Parang umutot lang at tae lang lumabas? Ganoon ka dali?" tanong ni Shay.   "Yes. Ganoon kadali. Tatawag nalang tayo para i-set ang araw ng kasal niyo," ang wika ni papa.   “Oh my God, I’m so proud of you my baby dragon!’ ang wika ni mama dahilan para mapangiwi ako. “Okay lang sa inyo na lalaki ma? pa?” tanong ko sa kanila.   “Katulad ng sinabi ni Shay, less stress ang lalaki, parang barkada lang kayo, ang isipin mo ay ang fusion ng ating mga negosyo. Bagong oportunidad ito para sa atin,” ang wika ni papa.   Maya maya ay kinuha ni Shay ang cellphone ni mama at dito ay tiningnan niya kung sino ang napindot ko. "Philippines ang wagi. Tingnan mo ang napindot mo ay si Ronnie Yuzon. Bakit? Ang dami daming pang display na jowa o, pwedeng yung Thai, o yung korean. Haist! Pero okay lang maganda na rin ang pinoy para tirik na tirik!" hirit ni Shay sabay pakita sa akin ng pagalang napili ko.   "Ronnie Yuzon," ang basa ko.   "Bakit hindi natin isearch? Diba? Alam mo ang tatanga ng mga nag uundergo sa political arrangement, pwede naman research diba?"  wika ni Shay sabay lundag sa aking study table at binuksan ang aking laptop. Samantalang ako naman lumapit kila mama. "Ma, kailangan ba talaga to?" tanong ko.   "Oo, para sa negosyo. Kapag nag-combine ang Yuzon at Zonaras ay mas lalo tayong aasenso. Mabibili mo ang lahat ng gusto mo," wika ni papa.   "Pero di na ako malaya," ang sagot ko.   Niyakap ako ni mama. "Makakasanayan mo rin iyan anak," ang wika nito.   "Hala, sino kaya dito yung Ronnie Yuzon? Ang daming result e," wika ni Shay.   "Yung mga under ng polical arrangement ay inaalisan na ang access sa social media. Kaya yung sa iyo Warren ay pansalamantala munang idedeactivate. Dont worry dahil ibabalik naman ito right after the wedding," tugon ni papa.   "Kailan papa?"   "Wala pang date. Siguro ay two months mula ngayon," ang sagot niya sa akin sabay gusot sa aking buhok.   KINABUKASAN.   Prof: Total quality management or TQM strategies aim for long-term success by enlisting members of an organization at all levels to create customer satisfaction by making the best products possible. There aren't any real disadvantages to successful implementation of a TQM strategy. And what are the key principles of TQM in business? Mr. Warren Zonaras any idea?" tanong prof   Tumayo ako at kinuha ang aking notes. "TQM is focused on the customer. The ultimate measure of success is the customer's satisfaction with the product," sagot ko habang naghahanap pa ng ibang impormasyon sa lecture.   "Yes, the.customer's satisfaction is the major priority of TQM. Thank you Mr. Zonaras, and by the way congratulations to your engagement. So yung may mga crush kay Warren, sorry nalang kayo dahil siya ay taken na at naka-lock na sa isang political arrangement," ang wika ng aming guro.   Nakalimutan ko nagannounce na nga pala si papa sa local news kahapon pa ako ay ipaapakasal na isang confidential na tao. At ngayon ay kalat na rin ito sa school.   "Yes sir, engage na si Warren sa isang political arrangement in a traditional way. Isang click lang may asawa na siya. At sa wedding pa niya ito makikita kaya surprise!" ang hirit ni Shay.   "Anyway Mr. Zonaras kahit na ikinasal kana importante pa rin ang pag aaral okay? May 4th year ka pa, tapusin mo ito at pinakamasarap sa feeling yung may maipagmamalaki ka sa magiging kabiyak mo," ang wika ng prof namin habang naka ngiti.   Alas 4 ng hapon noong matapos ang aming klase. Katulad ng dati ay tumambay muna kami ni Shay sa canteen at nag kwentuhan. Habang nasa ganoong posisyon ay hindi ko maiwasang mapatulala nalang habang ngumunguya ng miryenda. "Para kang naluge, alam mo alas 3 na ko natulog kagabi kakahanap sa Ronnie Yuzon na iyan."   "May napala ka naman ba? Minsan napapatulala nalang ako dahil hindi pa nag sisink in sa utak ko na ikakasal ako sa isang taong walang mukha." ang sagot ko.   "Iyan ang destiny mo besh, hindi sa lahat ng oras ay tatanghalin kang priestest of suzaku na lalakad lakad lang templo ng Konan Empire. Pero teka ha, may napala ako kagabi dahil may nakuha ako tatlong Ronnie Yuzon sa facebook."   "Bakit tatlo?" tanong ko.   "Ano ka ba, mga potensiyal na Ronnie Yuzon lang ito. Malay mo isa sa kanila ang future husband mo diba? Mainam na yung kahit papano ay mayroon tayong idea. Saka don’t worry mga good looking naman ang kinuha ko. O makinig ka eto silang tatlo.   Number 1 Ronnie Yuzon. Isang model ng underwear at lumabas na sa mga rated X independent film. Siya ay anak ng may ari ng mga sikat na hotel dito sa bansa. Sa edad na 18 ay tinanghal na siyang Super Borta of the Year.   Number 2 Ronnie Yuzon. Isa painter at artist. May ari ng isang gallery at museum sa siyudad. Ang kanyang mga parents ay mayroong mga international company. Mahilig sa nude painting ang Ronnie na ito, infact gumawa siya ng isang malaking poster ng v****a na sikat na sikat sa mga turista.   Number 3 Ronnie Yuzon. Isang anak ng dugong bughaw at pinaka mayamang business tycoon sa bansa. Isa rin siyang model at brand ambassador ng isang international clothing line. Ang kanyang parents ay bloodline ng royal family sa England at dito sila nag base sa bansa.   Yun lang, atleast diba lahat ng Ronnie na ito ay mga gwapo at may sinabi rin sa buhay. Malay natin alin sa tatlong ito ang tatanghaling asawa ni Warren Zonaras!" ang wika ni Shay na excited na excited.   "Parang ayokong umasa. Masasaktan lang ako lalo't hindi umabot sa inaasahan natin yang Ronnie na iyan. Yung tipong wala ka na ngang ineexpect pero hindi pa na reach," ang sagot ko.   "Hay, wag ka ngang nega dyan. Tiwala lang kasi," ang sagot niya habang naka ngiti. Iniabot niya sa akin ang kanyang cellphone at ipinakita ang mga larawan ng mga Ronnie Yuzon na kanyang iniresearch.   "Alam mo imposible iyan, dahil karamihan ng mga nasa political arrangements ay mga sinto sinto ang ipinapakasal sa kanila. Ayoko nalang umasa dahil masasaktan lang ako," sagot ko naman sabay lagok ng drinks.   "Hindi naman masamang umasa paminsan minsan. Enjoy life at huwag kang magpapa-apekto. Magbabago ng kaunti ang life mo pero magiging maayos rin ang lahat," ang tugon niya sabay kagat sa saging na kanyang hawak.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD