Here Comes the Groom
AiTenshi
April 12, 2020
Part 5
"Nakaka tuwa, two weeks nalang ikakasal kana. Ang saya saya diba? Parang naka surreal ng pang yayari, kung baga sa panaginip ay para kang nasa lucid state," ang wika ni Shay habang nag lalakad kami sa hallway ng isang gusali kung saan kami pinatawag para sa isang counseling. Ang lahat ng sumasailalim sa political marriage ay dumadaan sa ganito upang ibukas ang kanilang isipan sa buhay may asawa. At upang ipaunawa ang mga responsibilidad na kaakibat nito.
"Hindi ako naeexcite," sagot ko.
"Nag bigay na ako ng invitation sa 15 nating classmates at 8 na teachers. May gusto ka pa bang pabigyan?" tanong niya.
"Wala na, ayokong maraming maka saksi ng dipresyon ko. Maraming inimbita sila mama at papa, lahat ng business partners nila. Narinig ko kahapon na aabot sa 350 ang dadalo sa hotel, balak pa yata nilang gawing sona yung kasal."
"Syempre naman, wedding of the year ito para sa kanila. Ang laki ng budget niyo ni Yuzon, kung gugustuhin niyo nga ay maaari pa kayo mag pakasal at mag honey moon sa ibang bansa. Pati yung suit mo saksakan ng mahal. Saka nakita ko naman sa parents mo na super happy sila sa mga kaganapan na ito. Huwag mo nalang basagin ang trip nila okay?” wika niya sabay picture sa akin.
"Para saan iyon? Bakit ba camera ka pang hawak?"
"Documentary, ngayon ang araw ng counseling niyo ng asawa mo. Teka tekaaa tingnan mo! May lumalabas doon sa silid!" ang wika niya sabay turo sa kalayuan.
"Ano ba yun, nag counseling din sila, baka iyon ang mapapangasawa mo." ang wika niya sabay turo sa isang lalaking sumakay sa loob ng isang itim na van pero nag aapura ito kaya hindi rin naming ganoong nakita ang mukha.
"Ayun! Nakita ko na yung likod niya! Ang ganda niyang manamit at ang gwapo ng likod niya,” ang pag kamangha ni Shay.
"Nasaan ba?" tanong ko naman habang naka kunot ang noo.
"Waley na. Naka sakay na sila, parang natatae yung guy kaya nag aapura siya," ang wika ni Shay sabay hila sa akin papasok sa silid.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman sila mama kasama ang mag asawang Mr. and Mrs.Yuzon. Hindi ko inaasahan na makikita ko sila dito ngayon. Hindi ko rin tuloy alam kung paano sila babatiin, basta ngiti lang na may halong matinding hiya ang aking naisukli. Nag sink in na kaya sa utak nila na lalaki ang mapapangasawa ng kanilang anak?
"So ito pala ang aming future son in law. Gwapo pala itong batang ito at mukhang napaka bait," ang wika ni Mrs. Yuzon sabay yakap sa akin. "Son to meet you my son," ang wika niya habang naka ngiti sa akin, hinalikan pa niya ako sa pisngi. Lumapit rin sa akin si Mr. Yuzon saka ako niyakap. "Nice to finally meet you Warren. Mukhang maganda ang pag papalaki ni Mr. and Mrs. Zonaras sa iyo, nakita rin namin ang mga records at achievement mo sa campus, talaga naman palang impressive ang magi to," ang wika niya habang naka ngiti.
"Syempre naman, matalino at masunuring bata itong si Warren. Im sure na mag kakasundo sila ni Ronnie tama ba? Mahilig rin si Warren sa sports kaya mayroon silang malaking similarity," ang wika ni papa habang naka ngiti.
"Siyempre naman, mabait naman ang aming anak, masayahin at responsable. Bagay na bagay silang dalawa," sagot ni Mrs. Yuzon na hindi maitago ang excitement.
"Ehem, ako yung classmate at kaibigan ni Warren. Nasaan po pala si Ronnie? Bakit parang wala yata siya dito?" ang hindi mapigilang hirit ni Shay.
"Kaaalis lang niya kanina sakay ng van. Pasensiya na kayo at maraming engagement si Ronne today kaya't hindi siya maaaring mag tagal dito. Pero dont worry hijo, im sure na mag kakasundo kayong dalawa. Katulad namin, ngayon ka palang namin nakita pero sobrang magaan agad ang pakiramdam namin sa iyo. At bukod doon ay wala ka namang magiging problema sa aming anak, wala itong bisyo at wala rin itong mannerism," ang wika ni Mr. Yuzon habang naka ngiti sa akin.
"Salamat po tito." ang sagot ko.
"No, simula ngayon mama at papa na rin ang tawag mo sa amin. Ilang araw nalang naman at magiging mag asawa na kayo ng aming anak. Tiyak na mag kakaroon tayo ng isang masayang pamilya." sagot ni Mrs Yuzon. Pati sila mama ay sobrang excited rin dahil nakikita ito sa kanilang mga mata. Ayoko namang basagin ang kaligayahan nila. Kinakailangan ko ring umasta na masaya dahil nakakahiya kina Mr. Yuzon kung makita nila akong napipilitan lang.
"Smile. Para di mahalata," ang wika ni Shay habang pumapasok kami sa loob ng counseling.
Naupo ako sa harap ng isang matandang babae na parang isang principal sa elementary school. Habang sila mama naman ay nasa likuran ko lang at nag hihintay. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa ko dito at wala rin akong ideya sa ganitong counseling para sa pag aasawa.
"Mr. Zonaras, nasaan ang mapapangasawa mo?" tanong nito habang sinisilip ako sa kanyang salamin sa mata.
Humarap ako sa bakanteng bangko sa aking tabi at nag kibit balikat. "Wala po," sagot ko.
Maya maya ay may lumapit sa kanyang isang babae at may ibinulong ito. "Ah okay. So nag kapartner mo pala ay si Mr. Ronnie Yuzon, nandito siya kanina. And I don’t know kung nakikinig siya sa akin dahil medyo pasaway ang isang iyon. Kibot ng kibot na parang isang kiti kiti, tingin ng tingin sa kanyang relo at parang apurang apura na hindi mo mawari. Kung seryoso sa pag papakasal ang batang iyon ay dapat nakikinig siya sa mga sinasabi ko. Ang mga kabataan talaga ngayon ay masyadong pasawa, same s*x man o hindi ay sumasakit talaga ng aking ulo.
Anyway, short briefing lang tungkol sa buhay na may asawa. Alam mo Mr. Zonaras, ang pag aasawa ay hindi biro, hindi ito parang kanin na isusubo saka iluluwa kapag away mo na. Ito ay lifetime at hindi basta basta nabbreak ng law. Kahit kayo ay naka under sa isang same s*x marriage ay hindi niyo dapat ito ginagawang katuwaan lamang dahil ang kasal ay kasal at pinag titibay ito ng mga alituntunin at batas.
Sa panahon ngayon tanggap ng ating kultura at paniniwala na maaaring mag sama ng maligaya ang dalawang taong may parehong kasarian at niyayakap na rin ang idea ng surogacy at pag aampon para mag karoon ng anak upang mas mapag tibay ang inyong pag sasama.
Ngayon ay nag hain ng kasunduan ang bawat partido dahil ang inyong pag iisang dibdib ay isang political arrangement o yung pag papakasal para mas mapalawak ang ari arian, negosyo at mas mapaganda ang inyong mga buhay. Sa tingin ko ay wala pa itong love na involve lalo't hindi niyo pa nakikita at nakakasama ang isa't isa. Kaya't importante na tandaan ang kasunduan sa inyong kasal. Sa palagay ko ay alam na rin ito ni Mr. Ronnie Yuzon. Tama po ba parents?" tanong niya.
"Yes po, alam na iyan ng aming anak at lumagda na siya rito." sagot ni Mr. Yuzon.
"Kung ganoon para sa iyo Mr. Warren Zonaras, narito ang kasunduan sa inyong kasal kapag kayo ay mag asawa na. Kalakip rin nito ang mga bagay na dapat at hindi mo dapat gawin sa inyong relasyon. Lagi mong tatandaan na ang pag papakasal ay isang seryosong bagay at hindi ito basta basta laro lamang.
1.Pag tira sa iisang bubong upang mapag tibay ang inyong relasyon. Natural lang naman sa mag asawa ang bukod at subukang mamuhay ng mag kasama, dito niyo makikilala at makikita ang ugali ng bawat isa
2. Ang partidong aayaw at tatalikod sa kasal ay mag babayad ng kaukulang danyos na hindi bababa sa isang bilyong piso at kung minsan ay naka depende rin ito sa kagustuhan ng naagrabiyadong partido. Madalang naman ang ganitong pang yayari dahil kadalasang nag kakaproblema ang dalawang ikinakasal sa kalagitnaan ng kanilang pag sasama.
3. Kung isa sa partido ang mag kasala o nanakit ng pisikal, emosyonal o mental ay maaari niyang isuplong ang kanyang kapareha. Nakadepende na iyon kung mag hahain siya ng parusa o deborsyo sa kaparehang nag kasala. Ang ang kaparehang nag kasala ay mag babayad ng danyos na hindi bababa sa halagang 2 bilyong piso. Kaya kung nag pplano kayong lokohin ang isa't isa ay mag isip isip kayo dahil ang mga magulang niyo ang apektado. At kung ang isang partido naman ay nagkaroon ng pag kakamali, nasa desisyon pa rin ito ng kanyang asawa kung papatawarin siya o idadaan sa usapang legal ang sitwasyon. At nais kong malaman ninyo na masusing imbestigasyon ang pag daraanan nito bago singilin ng danyos. Mayroon ilang insindente ng political marriage na parehong gumawa ng pag kakamali kaya kapwa rin sila nag multa ayon sa bigat ng kanilang pag kakasala.
4. Ang mag asawa ay pwedeng mag s*x o mag talik hanggang gusto nila. PERO kung ayaw ng isang partido at pinilit ito ay maaaring mag sampa ng kasong rape ang biktima. Hindi porket mag asawa kayo ay maaari niyo nang abusuhin ang katawan ng isa’t isa. Kailangan ay igalang at irespeto niyo ang inyong mga karapatang pantao. Huwag pilitin si Mr. Yuzon kung hindi niya gusto at huwag rin pilitin si Mr. Zonaras kung ayaw niya ito.
5. Ang dalawang partido ay bibigay ng isang gabay o tinatawag na marriage councilor upang subaybayan ang kanilang relasyon at maiwasan ang mga gusot. Isinasagawa ito lalo na kung political o arrange marriage ang dalawang couple dahil hindi pa nila tuluyang nakilala ang isa’t isa kaya makabubuting mayroong titingin at gagabay sa kanilang pag sasama.
6. Ang dalawang ikinasal ay mag sasalo sa iisang yaman, ang pag aari ng isa ay pag aari nilang dalawa. Kayo ay literal na mamuhay na mag asawa at kilalaning mag asawa kahit saan pa kayo mag punta. Babaguhin na rin ang inyong mga civil status at gagawin itong married. Ang inyong mga records sa paaralan at ahensiya ay mababago na rin ayon sa batas ng political arrangement.
7. Ang apeliyidong susundin ay sa partidong nakatatanda. Kaya't sa makatuwid ay ikakabit sa iyo ang apeliyidong Yuzon at ganoon rin sa inyong magiging anak. Pero dont worry dahil ang Last name ay non bearing; equal pa rin ang inyong powers pag dating sa mga bagay bagay. Sa makatuwid kahit apeliyido ni Mr. Yuzon ang dala nitong si Warren ay hindi pa rin siya maaaring iunder at alisan ng karapatan sa lahat ng bagay.
8. Ang huli at ang pinaka mahalagang kasunduan ay ang pagiging masaya. Ang pag mamahal ay isang misteryosong bagay. Maaari hindi mo gusto ang isang tao sa una pero habang tumatagal ay minamahal mo na siya ng hindi mo namamalayan. Kaya’t maipapayo ko lang na bigyan niyo ng pag kakataong makilala ang isa’t isa at pag laanan ng puwang ang pag mamahal. Maraming arrange marriage ang nag tatagumpay at marami rin namang sumasablay, ngunit ang pinaka importante sa lahat ay ang pag sasama ng tapat at maluwag.
Iyon lang ang mga kasunduhan, bibigyan kita ng kopya nito upang mareview mo rin sa bahay. At kung wala ka nang tanong ay maaari ka ng pumirma dito sa tabi ng pangalan ng iyong mapapangasawa. May pirma na rin siya diyan na ang ibig sabihin ay sumang ayon siya sa inyong kasunduan.
Tahimik.
Natingin ako kila mama na nanoon ay nakangiti sila. Si Shay naman ay tahimik lang at walang reaksyon..
"May tanong ka pa hijo?"
"Paano po yung pag aaral namin? Kailangan ba na mag trabaho ako para sa asawa ko?" tanong ko.
"Ang pag aaral ninyo ay maaari ninyong ituloy ito ay nasa desisyon na ng inyong mga parents." ang sagot niya.
Tumango ako bilang tugon.
Kinuha ko ang ballpen at saka huminga ng malalim.
Pinirmahan ko ito.
Pumalakpak sila.
"Congratulations Mr. Warren Zonaras. I wish you joy and happiness, and above all this, i wish love!" ang wika ng matanda.
"I will always love you lang mother?" wika ni Shay.
Tawanan sila.
KINAGABIHAN..
Hindi ako dalawin ng antok. Pakiwari ko ay nalalapit na ang araw na ako ay bibigtihin o ilalagay sa deathrow, basta ganoon ang pakiramdam ko, hindi humuhupa ang kabog ng aking dibdib at palala ito ng palala habang naka tulala ako at nakatingin sa kisame.
Ilang minuto rin akong nasa ganoong pag kakatulala bago ako tumayo sa at naupo sa aking desk. Kinuha ko ang opisyal na papel ng kasunduan at binasa ito. Hanggang mapadako ang aking paningin sa pinaka ilalim ng pahina kung naroroon ang pangalan ng dalawang partido.
Mag katabi ang aming pangalan. Warren Christopher Matias Zonaras at Ronnie Marco Apollo Mendiola Yuzon.
Noong makita ko ang kanyang pangalan ay agad akong humarap sa aking laptop at sinearch sa social media ang kanyang account.
Habang tina type ko ang kanyang pangalan ay kumakabog ang aking dibdib. Ito ang taong makakasama ko habang buhay, ito ang taong mapapangasawa ko, ang taong napapanaginipan ko at nag bibigay ng matinding stress at bangungot sa akin.
Nanginginig ang aking kamay.
Lalo na noong unti unting bumulaga ang kanyang unang larawan sa aking paningin.
At alam kong sa mga pag kakataong ito ay nakita na rin niya ang aking mukha dahil nakita ko ang kanyang profile sa history ng view at visit sa aking account.
Itutuloy..