Here Comes the Groom
AiTenshi
April 19, 2020
Part 6
"100% sure, siya na nga iyan. Isang gwapong hunk, 5'10 ang taas, model at kadalasang laman ng mga commercial. At ayon sa aking mga source ay mayroong GF iyang si Ronnie Yuzon na iniwan niya dahil natali siya sa political arrangement. At alam mo na nangyari sa girlalou? Nag tangkang mag pakamatay! Ayun naospital ito at hanggang ngayon hindi pa rin matanggap na yung bf niya ay ikakasal sa iba at sa lalaki ito," ang wika ni Shay.
"So naging sanhi pa ako ng pag hihiwalay nila?"
"Hindi no, labas tayo diyan. Hindi naman kasi ganoon ka richie rich si ate ghorl. Middle class lang rin ito kaya waley syang magagawa sa powers ng mga parents niyo. At isa pa ay wala rin naman ikaw kasalanan dito no, biktima ka lang rin ng kagustuhan ng parent niyo," ang sagot niya.
"Siguro ay isinusumpa na ako ng babae na iyon ngayon, at naospital pa siya sa sobrang sama ng loob, tiyak na sobrang nababaliw siya doon kay Yuzon."
"Eh sino ba naman di mababaliw dyan kay Ronnie, tingnan mo naman itong picture niya sa katalogo, naka brief ang laki ng bukol, im sure kaya hinihimatay iyang si ate ghorl. Anyway, wag na natin siyang pag usapan. O, kabisaduhin mo na itong speech mong wedding vow para sa kanya."
"Wedding vow? Hindi ko naman siya kilala, paano ako mag bibigay ganoon? Ayokong lokohin ang sarili ko no," ang sagot ko na napapakunot ang noo.
"Protocol ito Warren. Dalawang copy ito, yung isa ay nakay Ronnie na. Anik anik lang itong speech eme na ito. Mema ipresent lang sa harap ng pastor. Go na, kahit walang feelings. At ayon dito after ng mag suot ng singsing ay mag kikiss kayong dalawa sa lips. Yes, kasama siya kaya ihanda mo ang sarili mo. Parang normal na wedding rin ng babae at lalaki ang magaganap."
"Pero di ko kayang gawin yon!" pag kontra ko
"Naalala mo nung nag role playing tayo sa english club? Diba may kissing scene kayo doon ni Angelica, parang ganon lang rin ang gawin mo. Isipin mo na acting kiyeme lang ang lahat ng ito, alangan namang mag walk out ka at ipahiya ang mudrax mo kapag kissing scene na? Hindi ka pwedeng umalis dahil tiyak na magiging laman ng balita," ang sagot ni Shay
"Wag mo sabihing may honeymoon pa iyan?" tanong ko na may halong pag kainis.
"Aba e, bahala na kayong mag asawa doon. Kung gusto niyong mag s*x edi go lang! Mag asawa kayo walang masama diba. Pero kung ayaw niyo naman ay pwede namang mag kulutan nalang kayong dalawa at mag labanan ng design ng gown gamit ang kumot at kurtina ng hotel. At don’t worry bibigyan kita ng magaganda design sa kumot para matalo mo siya," ang sagot ni Shay sabay tawa ng malakas.
"Pero paano kapag dumating yung right person para sa akin at para sa kanya? Ano ang gagawi namin?"
"Hala, umabot ka sa kanyang ka advance na pag iisip? O edi mag kasundo kayo na mag hiwalay. Siguro naman kapag parehong partido ang nag divorce ay walang multang magaganap. Saka teka nga, wala pa man din diba? Basta huwag kang papayag sa surrogacy eme na iyan. Mag kakaroon kayo ng anak at lalong mag titibay ang bigkis ang inyong kasal." ang wika nito.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. Pakiramdam ko nga ay mabubuang na ako anumang oras."
"Huwag kana maguluhan, matulog kana dahil bukas ng hapon ay bibitayin kana. Choz. Goodnight, matutulog na ako Warren. Please lang ang laki laki na ng eyebags mo. Baka di ka magustuhan ng groom mo bukas. 9am darating kami ng make up artist! Ayusin mo ang face mo at baka naman bukas ay mukha kang namataan? Minsan lang ang kasal kaya make it perfect!" ang hirit ni Shay sabay Off sa video call.
Alas 10 ng gabi, hindi ako dalawin ng antok kaya naman sinubukan kong iistalk ang account ni Ronnie Yuzon. Naka live pa ito at nakikipag inuman kasama ng kanyang barkada. Maraming mga fans ang ang cocomment sa kaniyang video habang kumakanta. Ang ilan ay binabati siya sa kanyang kasal bukas. Masayang masaya sila sa grupo nila samantalang ako naman ay parang mamatay na. "Nag eemote na si Pareng Ronnie, bukas ikakasal na to sa lalaki mga men! Hindi na siya malayang binata!" ang wika ng kabarkada niya.
Tawanan sila.
"Bakit biglaan naman po ang kasal?" tanong sa comment.
"Eh ganyan talaga kapag political marriage, parang shopping online lang. Click, usap, deal! Saka mayaman rin yung mapapangasawa niya, ang pangalan ay Warren Zonaras. Balita namin ay buhay prinsipe ito at talagang taga pag mana ng malalaking negosyo," ang sagot ng barkada niya.
Maya maya ay kinuha ni Ronnie ang cellphone at humarap sa camera saka kumaway. "Basta ako? Go with the flow lang ako. Ayokong sstress ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko na mababago. Ikasal ako o hindi ay walang mababago. Bale wala sa akin ang political arrangement na iyan!" ang natatawang wika nito sabay lagok ng alak at ngumiti saka lumagok ulit, nakipag cheers pa sa kanyang mga taga suporta.
"Yan si Pareng Ronnie! Wala paki sa mundo! Sa lahat ng ikakasal siya lang ang walang paki alam," ang natatawang wika ng Barkada niya.
Nakakainis na nakakatawa..
Iyan ang aking nararamdaman noong mga sandaling iyon, kung sa bagay hindi naman kami close para kabahan siya. Tama rin naman ang kanyang sinabi na the dapat ay go with the flow lang, huwag isipin ang mga bagay na hindi na mababago pa.
Hindi ko tuloy maiwasang mag comment din sa video niya. "Buti ka pa relax lang."
Habang nag babasa siya ng comment ay nag flash ang aking pangalan sa itaas at agad niya itong nakita at nakita rin ito ang kanyang mga barkada na parang pare-pareho silang naka kita ng multo.
Maya maya ay napa kunot noo siya at natawa. "Hi Husband, nag s-stalk ka pala sa sakin. Tulog kana, see you bukas." wika niya habang kumakaway sa camera.
Tawanan sila..
Dahil sa comment na iyon ay dinagsa na akong friend request. Kaya naman agad akong nag log out at hinayaan nalang sila sa ganoong pag sasaya. Halos na flood rin ng messages ang aking inbox kaya kinakailangan ko pang mag private upang hindi nila ako magulo.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay kumatok si mama sa pintuan at pumasok ito. "Gising ka pa hijo? Ayos ka lang ba?"
Bumangon ako sa higaan. "Hindi ako makatulog ma. Pakiwari ko pag nagising ako bukas ay mababago na ang buhay ko. Sa palagay ko ay mag iiba na ang lahat, parang katapusan ko na, basta ganoon ang pakiramdam."
Tumabi sa akin si mama at niyakap ako nito. "Ito ang tradisyon ng pamilya dito sa upper class upang mapanatiling maganda ang standing ng ating kabuhayan. Humahanap rin ng kapareha ang kompanya sa pamamagitan ng political arrangement na magaganap sa iyong ni Ronnie. Alam kong mahirap ito at mabigat sa loob pero makakasanayan mo rin ang buhay may asawa. Noong ikasal ako sa inyong papa ay halos 3 weeks akong iyak ng iyak dahil hindi ko matanggap na hindi na ako malaya. Pero gumising ako isang araw na nakasanayan ko na ang lahat at ngayon ay masaya na ako sa buhay ko. Saka kahit na ikasal ka ay nandito pa rin kami at naka suporta sa iyo." ang wika niya.
Yumakap ako sa kanya. "Natatakot ako ma, parang ayoko na mag bukas. Kung pwede ko lang sanang pigilin ang oras, gusto ko ay huminto nalang ito ngayon."
"Sshhh, ano ka ba. Magiging maayos rin ang lahat anak. Nandito lang kami ng papa mo. At siyempre kahit naman may asawa kana ay full support pa rin kami sa iyo," ang sagot niya sabay halik sa aking noo.
KINABUKASAN.
Alas 9 ng umaga noong pumasok sina Shay sa aking silid. Dito ay hinila niya ako sa kama para magising. "Hoy Warren, kasal mo ng 11am, pinapaalala ko lang sa iyo, bangon na!" ang wika niya.
"Ayoko, tinatamad ako, gusto ko pang matulog," ang sagot ko naman.
"Hala, ano ka ba hindi ka maaaring matarin. Isa ito sa importanteng araw sa buhay mo. Bangon na." ang pag pupumilit niya dahilan para bumalikwas ako.
"Eh kung tumakas kaya ako? O kaya sabihin mo ay hindi na ako nagising."
"Tse, sino ka si Juliet? Ang multa, ang 3 billion. Huwag mong bigyan ng problema ang parents mo. Sige na, maligo kana at matatapos ng penggayan ng mudrabels mo. Mag ahit ka ng bigote, balbas, clean cut." sagot niya sabay tulak sa akin sa loob ng cr. "Teka anong isusuot mo etong white suit or black?
"Yung black. All black."
"Ayaw mo nitong pure white na ala agent x44 na ipinadala ng mga Yuzon?"
"Ayoko. Basta itim ang gusto ko."
"Silent protest, nag luluksa lang ganern? O siya, ligo na." ang sagot niya.
Habang naka tapat sa valve ng shower ay hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa sama ng loob. Simula palang ay mabigat na sa aking kalooban ang desisyon ito. Noon pa man ay ayoko nang sumapit ang araw na ito, at ngayong nandito na ay para bang ayaw na kumilos ng aking katawan para maki ayon sa kagustuhan ng lahat. "Ikakasal ka lang naman Warren. Walang mawawala, maliban sa oportunidad na maging malaya." ang wika ko sa aking sarili habang naka harap sa salamin.
Hindi ko namamalayan ang ilang minuto na pala ako sa loob ng cr kaya kinatok na ako ni Shay. "Frend nandito na yung stylist, okay ka lang ba? Alam kong mahirap para sa iyo ang sitwasyon pero eenjoy mo nalang ang pag babago. Makakasanayan mo rin ito, at be thankful nalang tayo na gwapo ang mapapangasawa mo at hindi yung mukhang tuko na ineexpect natin. Everything will be alright. Huwag kana mag worry. Hindi mo naman siguro sasapitin yung katulad ng nangyaring dipresyon sa ate Elsa mo bago siya maging cast ng Frozen, char!”
Agad akong napunas ng katawan at nag bihis. Inayos ang aking mukha bagamat mugto ang aking mga mata kakaiyak sa loob ng banyo.
Pinaupo nila ako sa harap ng salamin at sinimulang ayusan, nilagyan ng concealer ang malaking kong eyebags. "Sir hindi po ba kayo natulog? Kung sa bagay lahat ikinakasal na inaayusan ko ay may eyebags," ang wika ng artist.
"Ay naku sissy, gawin mo lahat ng makakaya mo. Ikaw pa naman ang make up artist ni Mario Maurer at ilang Korean superstar. Galingan mo, gawin mo siyang freshhh!" ang utos ni Shay.
Matapos ayusan ay ipinasuot sa akin ang isang body fit na black tuxedo, walang makikitang bahid ng ibang kulay sa aking kausotan, basta purong itim lang ito. "Kung maaari pati bulaklak ay itim rin," ang wika ko na parang mamatay na sa hirap at bigat ng damdamin.
"Red ang flowers. Huwag ka na nga mag protesta Frend. Naiiyak na ko, ang gwapo gwapo mo talaga. Hindi naman tayo luge diba? Kung gwapo yung kanila ay gwapo rin yung sa atin." ang wika ni Shay habang bumababa kami ng hagdan.
Sa sala ay sinalubong ako nina mama at papa saka ako niyakap ng mahigpit. Nag pasalamat sila sa akin dahil tinupad ko ang tradisyon ng aming pamilya. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko na ipinakita sa kanila na masaya ang aking loob, na hindia ko sang ayon. Ngumiti ako bagamat tutol ang aking kalooban. Inisip ko nalang na ayoko silang saktan o biguin, na ito lang ang tanging bagay na maaari kong gawin dahil napaka buti nilang magulang sa akin. Lahat ng luho ko ay kanilang ibinibigay kahit hindi ko pa ito hinihiling. Sa palagay ko ay ito ang paraan upang maibalik sa kanilang ang kabutihang iyon.
Ang political marriage ay pag hahanap ng kapareha ng isang kompanya sa pamamagitan ng pag papakasal ng isang miyembro ng pamilya sa napiling tao na may maayos rin na pamumuhay katumbas ng yaman na mayroon ang kanyang makakapareha kahit hindi sila mag kakilala o hindi sila nag iibigan. Ang lahat ay kasunduan, naka tala lang sa papel at pinag tibay ng batas.
Itutuloy.