Kasalukuyang nasa tapat ng tahanan ng kanyang boss si Jannaya. Tinawagan kasi siya ni Darwin at pinapupunta raw sa mismong bahay nito.
Gusto man niyang ma-excite dahil makikitang muli ang boss ay hindi nya magawa dahil nawawala pa rin ang kanyang kaibigan.
Pinapasok siya ng kasambahay.
"Ma'am, doon po tayo sa opisina ni sir."
Sumunod lamang si Jannaya sa kasambahay. Kumatok muna ito nang tatlong beses bago pinihit ang sigadura.
Pagbukas pa lang ay amoy na amoy na ang alak.
"Sir, nandito na po si, Ma'am Jannaya." Agad ding umalis ang kasambahay pagkasabi na narito na siya.
"C'mon in. Close the door."
Nakita ni Jannaya na nakaupo si Rayden sa sofa na medyo nakabuka ang mga hita at may hawak na kopita ng alak. Magulo ang buhok at alam mong hindi nakakapag pahinga ng maayos. He doesn't look so good but still...he is very handsome.
"Sit!" Tinuro ni Rayden ang swivel chair na malapit sa table.
She sat down.
Medyo malayo pa rin sila sa isa't isa. Tanging liwanag lamang na galing sa labas ang kanilang nagsilbing ilaw.
Hindi alam ni Jannaya ngunit para siyang kinakabahan. Bakit parang may kakaiba sa kanyang boss?
"I heard some gossip..." Tumayo si Rayden at humarap sa bintana. Nakatingin sa labas at hawak pa rin ang kopita ng alak while his other hand is in his pocket.
"...they said you like me," he continued and didn't bother to look at her.
She froze. Paano nangyari na may makaka-alam ng kanyang sikreto. Si Eunice lamang ang may alam nito. She doesn't know what to say. Nakatitig lamang siya sa likod ng boss.
Lumingon si Rayden sa kanyang gawi at nagtama ang kanilang mga mata.
Jannaya's heart pounded so fast. She can see the pain and longing in his eyes. His deep voice, sounds so good. The room was little dark, because it's already 6pm, a little light over the window is enough for her to see his face.
He didn't bother to shave his mustache and beard. His hair is a mess. It looks like he doesn't care how he looks. He is wearing white shirt and just plain shorts.
She never saw him like this, and she envies Eunice for that.
Eunice can see the other side of this guy.
Eunice can kiss this guy whenever she wants.
She can hug and do everything she wants to him.
Jannaya fell in love with this guy first, but this guy fell in love with her best friend.
"Is that true? Of what they are saying?" he asked again. Unti-unti itong lumapit kay Jannaya, but not so near.
She lowered her face. She doesn't know what to say. Oh, Jannaya, just say NO!
"I see. It's clear now." He walked towards his table, he drinks all the brandy at pabagsak na binaba ang baso sa lamesa.
Nagulat si Jannaya kaya mabilis siyang napatunghay at napatingin sa boss.
"S-sir..."
Humarap si Rayden sa kanya. She's still sitting.
"Did you kill her?"
Mabilis na lumuhod si Rayden sa kanyang harapan at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga balikat. Nasasaktan siya. Madiin ang pagkakahawak nito. She's scared. His eyes are so dark!
"I-I- i don’t know what you are saying s-sir."
Napapaungol siya sa sakit ng balikat. Ngunit lalo pa itong diniinan ni Rayden. Iniangat siya nito patayo at sinipa ang swivel chair na kanyang inupuan. Pinipilit niyang kumawala ngunit lalo lamang siyang nasasaktan. Patulak siyang isinandal sa pader ni Rayden. Sumakit ang kanyang likod sa ginawa nito.
"What did you do to Eunice? Where the hell is she!? You need to tell me or else I’ll k!ll you now!"
"W-wala po akong alam sa sinasabi niyo... H-hindi po ba ang balita ay may kumu--"
Bigla nitong sinuntok ang pader malapit sa kanyang mukha. Sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha ni Jannaya at siya’y nanginginig na rin sa takot. Hindi niya alam kung bakit biglang siya na ang sinisisi nito.
Rayden lifted her jaw with his one hand at Ipinantay nito ang kanilang mukha.
"Listen to me, kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa pagkawala ni Eunice, I WILL K!LL YOU!"
Binalya nito ang kanyang mukha at halos maputol ang kanyang leeg. Tumalikod si Rayden at hinilamos ang kamay sa sariling mukha at buhok.
"Leave!" sigaw ni Rayden.
Mabilis na tumakbo si Jannaya palabas. Nanginginig pa siyang bumaba ng hagdanan. Basang-basa ang kanyang mukha ng mga luha. Nakita siya ng katulong, naawa ito sa kanyang itsura, ngunit nag-alinlangang lumapit. Kaya mabilis na lamang siyang tumakbo palabas ng gate.
Buti na lamang ay wala ang kanyang tiyahin at mga pinsan pag-uwi niya ng bahay. Dumeretso siya sa kanyang silid. Kumikirot ang kanyang balikat at pisngi. Tiningnan niya ito sa salamin. Namumula na ang mga ito. Sigurado si Jannaya na bukas ay magpapasa na ang kanyang balikat.
Naisip niya ang nangyari…
'Anong ginawa ko? Bakit biglang ako ang sinisi niya. Hindi ko deserve ito!
Unang beses ko siyang nakita, alam ko na siya ang lalaking gusto kong makasama habang buhay.'
"Hi! one Americano please." Nakatingin lamang ito sa telepono at panay ang tipa.
"Right away sir," Jannaya answered with smile on her face.
Umangat ng tingin ang lalaki at sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Isang simpleng tango lamang ang binigay sa kanya at ni hindi man lang ngumiti.
Habang ginagawa ang kape ay napapansin ni Jannaya ang panaka-nakang sulyap ng lalaki sa kanyang gawi. Binitawan nito ang telepono at simpleng tumitingin sa kanya.
"One Americano, sir." She smiled widely.
Tumitig ang lalaki sa kanya bago inabot ang kape.
Naging regular customer nila ang lalaki na walang iba kung hindi si Rayden. Madalas niya pang nahuhuli na nakatingin ito sa kanya. Akala tuloy niya ay pareho na sila ng nararamdamang paghanga sa isa't isa. Hanggang isang araw na nag-order ulit ito at si Eunice ang humarap. Her friend knew that she has crush on him. Ewan ba niya, ngunit kumirot ang kanyang puso ng makitang nagtatawanan ang dalawa at nag-uusap. Samantalang siya na mahigit isang buwang humaharap at gumagawa ng kanyang kape ay hindi man lang matapunan ng simpleng ngiti.
She's brokenhearted. Yeah, right! Who is she compared to her friend? Sexy ito manamit, magaling mag-make up at outspoken. Samantalang siya, kung hindi kakausapin ay hindi man lang magsasalita.
Nakita niyang busy ang mga ito sa pag-uusap sa mismong counter kaya siya na ang nag-take ng order ng bagong customer.
"Hi, sir." Ngumiti siya.
Nasulyapan niyang tumingin sa kanya si Rayden. Ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Ewan niya ngunit nasasaktan talaga siya.
"Two cappuccino to go, please."
Tumango lang si Jannaya. After a minute ay bumalik na siya upang ibigay ang order ng bagong customer.
"Ahm, Miss, madalas na kasi ako rito. Lagi kitang napapansin. I hope you don't mind but, may I have your number? If wala ka lang boyfriend?" customer asked her.
Hindi niya maiwasan tingnan ang gawi ni Rayden, nagulat pa siya, na nakatitig ito sa kanya. Ngunit blanko ang emosyon.
"S-sure," she answered. Nataranta siya sa paraan nang pagtitig ni Rayden sa kanya kaya bigla niya itong nasabi.
Nagulat pa ang lahat nang padabog tumayo si Rayden at dire-diretsong lumabas ng coffee shop.
Ilang araw ang lumipas ngunit hindi ito bumalik sa shop. The last thing she know ay magkasintahan na si Eunice at Rayden
Nag-sorry lang si Eunice dahil alam nitong crush niya ang lalaki. Sinabi na lang ni Jannaya na humahanga lang siya sa lalaki dahil mukha itong mabait at hindi naman malalim ang kanyang nararamdaman.
Ngunit ang totoo? Sobrang sakit! And she knew... that's her first heartbreak.