CHAPTER 1

1105 Words
"Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumatawag?" bulyaw ni Rayden sa mga imbestigador na naroon sa kanilang bahay. Mag-iisang linggo ng nawawala ang kanyang fiancé. Nakita sa cctv na mayroon dalawang lalaking dumukot sa mismong apartment na tinitirahan nito. Hindi na sana 'to mangyayari, kung sana lamang ay pumayag na ang kasintahan na sila'y mag-live in. Eunice is so independent that she never asked for money from him even she needed it. “Huminahon po kayo. May mga ganito talagang pagkakataon. Mayroon pa nga, na umaabot nang buwan bago sila nakikipag negosasyon,” paliwanag ng imbestigador. “Isang buwan? What the f*ck! Anong silbi niyo?” Agad lumapit si Doña Beatrix sa anak at sinubukan siyang pakalmahin. Winaksi lamang ni Rayden ang kamay ng ina at saka mabilis umakyat sa kanyang silid. He threw everything he can lay his hands on, but then he saw his fiancé’s portrait. He took it and sat down. He was really devastated. Hindi niya kaya. Hindi niya kaya kung mayroong mangyayaring masama sa babaeng kanyang minamahal. He burst into tears. “Honey, nasaan ka na? I'm so sorry kung wala akong magawa!” Yakap niya ang litrato nito habang patuloy ang pag-iyak. ...... “JANNAYA, ano na? Wala ka pa rin bang planong pumasok sa trabaho?” She’s still sleepy, but she needs to get up before her aunt evicts her from the house. “Mag-aayos na po. Papasok na ako ngayon,” mahinahong sagot sa tiyahin. Nakikitira lamang siya sa mga ito. Dati siyang nakatira sa kaibigan na si Eunice at kasama nila ang magulang nito, but something happened, kaya naman kinailangan niyang umalis doon at manirahan sa kanyang tiyahin. “Aba! Dapat lang at due date na naman ang ating kuryente. Pag-ikaw ay hindi nakabayad palalayasin na talaga kita!” turan nito. Hindi makatulog si Jannaya kakaisip sa kanyang kaibigan. Mag-iisang linggo na ngunit wala pa ring balita. Ang huling pagkakaalam n'ya ay dinukot ito. Pero sino? Ano namang pakay nila? Hindi naman mayaman si Eunice. Bigla na lamang siyang napahinto sa pag-aayos ng higaan. Naalala niya ang fiancé nito na si Rayden. Mayaman ito, hindi ba? Hindi kaya ito talaga ang pakay at ginamit lang ang kanyang kaibigan upang makuha ang lalaki? Okay! Kakanuod mo 'yan ng mga suspense/ thriller. Umiling siya nang mabilis. Hindi naman siguro. Pumasok na siya ng banyo. Naalala niya ulit ang lalaki. Kumusta na kaya ito? Alam niyang mahal na mahal nito ang kaibigan. Saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa. ...... “WALA akong mapapala kung sa mga imbestigador ko lang iaasa ang lahat. Kailangan ko kayo.” Tinawagan ni Rayden ang kanyang kaibigan na maraming connection. “Makakaasa ka Rayden, tutulong kami. Give us a time at makakakuha rin kami ng impormasyon,” anas ng nasa kabilang linya. At pinatay na niya ang tawag. Hindi maiwasan ni Rayden ang magnilay. Nakilala niya si Eunice sa isang coffee shop. Nagtatrabaho ang dalaga doon kasama ang kaibigan nito. Ang Una niya talagang napansin ay ang kaibigan ni Eunice na si Jannaya dahil sa angking kagandahan nito. Agaw pansin ang mga ngiti at napaka inosenteng mukha. Ngunit she's out of his league. He doesn't like soft spoken, shy type girls. Kaya ang kanyang nagustuhan ay si Eunice. Malakas ang personality. Noong una pa nga, ay ayaw ni Eunice maniwala na may gusto siya rito dahil nga raw siya ay mayaman at ito naman daw ay mahirap. Ngunit walang mayaman at mahirap pagdating sa pag-ibig. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob at sa loob nang isang buwan sila ay naging magkasintahan. Mag-apat na taon na sana sila bukas. Muling dumaloy ang lungkot sa kanyang mga mata. “Honey! Please come back to me!” ...... “SIR DARWIN, pumasok na po ba si Sir Rayden?” Sinadya talaga ni Jannaya ang work station ng assistant ni Rayden. Simula kasi ng maging magkasintahan na ang binata at kaibigan niyang si Eunice ay dito na sila pinagtrabaho sa company na pagmamay-ari mismo nito. “Hindi pa nga, eh. Dami ko nang na cancel na meetings. Sa tuwing tatawagan ko naman para tanungin ay minumura lang ako.” Napakamot pa ito ng batok. “Intindihin na lang natin. Kung ako man na kaibigan ay hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa pagkawala ni Eunice, siya pa kaya, hindi ba?” "Wala pa rin bang balita?" "Wala pa rin. Kaya ko nga hinahanap si Sir Rayden, makikibalita sana ako." "Aysus! Makikibalita o sisilay? Huwag ako!" panunukso nito sa kanya. Hindi niya alam kung saan nito nahagip ang impormasyon na may gusto siya sa kanyang boss. "Pinagsasabi mo sir? Hindi, huh! Fiancé siya ng bestfriend ko. Masama 'yan! " Mabilis na siyang umalis. Baka kasi mahalata pa nito na totoo ang hinala. ...... Kinabukasan... "This all we got for now." May inabot itong brown envelope kay Rayden. Kasalukuhan silang nasa office sa kanyang bahay. Dumating ang kaibigan niyang si Kit at mayroon daw ipapakita sa kanya na tungkol sa pagkawala ni Eunice. He opened it. May mga litrato sa loob. Kinuha niya ito, at isa-isang tiningnan. "What's this? Aanhin ko 'to?" Hindi niya alam kung ano ang kinalaman ng mga litrato na ito sa pagkawala ng kanyang fiancé. "That girl is her friend--" "--Yeah I know that's, Jannaya. Of course I know that!" putol niya sa paliwanag ng kausap. "...at ang isa pang litrato na nariyan, ay mayroon itong kausap na lalaki sa loob ng restaurant," Kit continued. Rayden paused for a bit. Matiim lamang siyang nakatingin at naiinip sa sagot ni Kit. "Na-play namin nang paulit- ulit ang cctv sa pagdukot sa iyong fiancé at nakita namin na ang tattoo ng lalaki sa left arm sa cctv ay pareho ang tattoo ng kausap ni Jannaya." "And?" Felix asked Kit like he don't understand anything. "May balita sa company niyo, na humahanga sa iyo si, Jannaya. So we came up to a conclusion na maaring pinadukot niya ang fiancé mo dahil sa selos or she can make a move to get you. Marami rin kaming nalaman na matagal na siyang may malaking inggit kay Eunice," Kit explained to him. “She can't do that. Kung makita mo lang si Janna. Malabo 'yang sinasabi mo. Besides, gaano naman kalalim ang pagtingin niya sa akin upang ipadukot pa ang sarili niyang kaibigan? That's totally nonsense!" Malabo ang sinasabi ng kaibigan. Paanong ang kagaya ni Jannaya ang magiging mastermind? "Looks can be deceiving bro. Make a move. Paaminin mo. Sa ngayon, ito pa lamang ang nakakalap ko, but as soon as I get more I’ll tell you." Ito ay agad ring nagpaalam ng matapos ang kanilang pag-uusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD