Nauna nang umuwi si Jannaya sa Mansion. Umabot ng tatlong oras ang kanyang byahe pauwi. Kung bakit naman kasi kailangan pang sa Sta. Fe sila mamalagi, eh, nasa Manila ang kanilang opisina.
Sa biyahe pa lang ay pagod na pagod na siya. Mayroon pang meeting si Rayden kaya hindi na niya inaasahan na sasabay ito sa kanya. Tinignan niya ang kanyang relos. It's 8:30 PM. Kailangan niyang linisin ang swimming pool dahil may gaganapin na housewarming kinabukasan.
Hindi na nagpalit si Jannaya ng damit. Ibinaba lamang niya ang kanyang bag at mga papeles na hawak. Nagpalit na rin siya ng saplot sa paa, saka siya lumabas muli upang kumain muna ng hapunan. Hindi siya nakapag-umagahan kanina at ng lunch break naman ay nakakatatlong subo pa lang siya nang tawagan ni Rayden at inutusan ng kung ano-ano na hindi naman parte ng kanyang trabaho. Kaya lamang sa kanyang paglabas ng silid ay si Rayden agad ang bumungad sa kanya.
"Clean the pool. Mamayang 10 PM ay darating ang mga mag-aayos ng garden."
"Sir, kakain po muna sana ako. Wala pa--
"I don't give a f*ck, Janna! Wala akong paki kung gutom ka! Ang gusto ko ay linisin mo ang pool, ngayon na mismo!"
Napapitlag si Janna sa sigaw nito. Ang mga matatalim na tingin ng lalaki na talaga namang manginginig ka sa takot. Mabilis na lamang siyang tumango at nilampasan ito patungo sa garden kung nasaan ang pool.
Nakita niyang pulos dahon ang nasa tubig. Kinuha niya ang pool net at isa-isang dinakot ang mga dahon. Mabigat ang pool net dahil gawa ito sa tubo. Kaya bawat buhat niya ay nangangalay agad ang kanyang kamay.
Napangiti siya ng makitang wala ng dahon sa tubig. Sinandal niya ang pool net at papasok na sana sa loob nang makita niyang isa-isa nang pumapasok ang mga manggagawa. Ito yata ang tinutukoy ni Rayden kanina na mag-aayos ng garden.
"Good evening po. Aayusin niyo na po ba ngayong gabi ang mga 'yan?" tanong niya.
"Yes po, ma'am. Saan po ba namin ilalagay ang mga bulaklak na ito? Pati ang mini stage na gagawin namin ay saan niyo gustong ilagay?"
Napatingin si Jannaya sa loob at inaasahan na lalabas si Rayden upang ituro sa mga narito kung ano ang dapat gawin. Ngunit hindi ito lumabas.
Pinagmasdan niya ang buong hardin. "Doon po kuya. Doon natin ilagay ang mini stage. Malayo sa tubig at malawak ang space..."
"...ang mga bulaklak naman po ay ipalibot niyo sa buong stage at lagyan din ang hallway na dadaanan ng mga bisita."
Nakaramdam ng kaligayahan si Jannaya. Pakiramdam niya nang oras na iyon na isa talaga siyang asawa ni Rayden. Nag-aasikaso ng mga dapat gawin dahil mayroong mga bisitang darating.
Hindi siya umalis sa hardin hangga't hindi natatapos ang mga gumagawa. Detalyado niyang inutos sa mga ito ang mga dapat gawin at kung saan dapat ilagay ang mga palamuti.
"Thank you po, ma'am. Aalis na kami."
"Salamat din kuya! Ingat po kayo!" Masiglang paalam ni Jannaya.
Nang makaalis na lahat nang naroon ay muli niyang tinignan ang oras. It's already midnight. Wala pa siyang kain, ni hindi pa siya nakakapaglinis ng katawan.
Pagod na pagod na ang kanyang katawang lupa. Sa totoo lang ay sanay naman siya sa ganito, dahil bata pa lamang siya ay batak na sa gawaing bahay. Naaala niyang sumasama pa siya sa kanyang ama sa kanilang bukid upang mag-araro. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi siya nagtatrabaho noon ng gutom. Kahit mahirap ang kanilang buhay ay hindi siya nagugutuman.
Ngayon ay nakatira nga siya sa malaking bahay ngunit gutom na gutom naman siya.
She went inside and walked straight to the kitchen. Wala na roon si Manang Goreng at Litecia. Siguro ay tulog na ang mga ito.
Malinis ang lamesa. Walang nakatakip na kahit ano. Binuksan niya ang ref at wala ring tirang ulam. Pero kanina ay napansin niyang merong menudo na nakahain. Binuksan niya ang rice cooker. Wala na ring tirang kanin! Gusto sana niyang katukin ang silid nila Manang Goreng ngunit nahihiya naman siya.
Tinungo niya ang maliit na pantry sa mismong kusina. Kahit ano ay kakainin na lamang niya. Talagang gutom na siya! Buti na lamang ay nakakita siya ng tinapay. She opened it and eat it. Hindi na niya nilagyan ng palaman dahil nahihilo na talaga siya sa gutom. Pakiramdam nga niya ay mahihimatay na siya. Ni hindi na niya naisip na lumabas pa sa pantry.
Anim na tinapay din ang kanyang naubos. Sa totoo lang ay nais pa sana niyang kumain. Ngunit natatakot siya na baka magalit si Rayden pag nalaman na nakialam siya ng pagkain dito.
Tinali niya ang plastic at binalik ito kung saan niya kinuha. Nagpunas muna siya ng bibig gamit lang ang kamay bago tuluyang lumabas ng pantry.
Papasok na sana siya sa kanyang silid ng makitang nakaawang ang pinto. She remember closing it. She just ignored it and went straight in the room.
Hindi pa man nabubuksan ng maigi ang pinto ay nakita na niya ang kanyang boss na nakaupo sa kanyang kama at mukhang hinihintay talaga siya.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Where have you been? And you haven't even changed your clothes yet? Kanina pa nakaalis ang mga manggagawa, hindi ba?" tanong ni Rayden.
Napalunok si Jannaya. "Ku-kumain lang po ako ng tinapay sa pantry, sir. Wala pa po kasi akong maayos na kain mula kaninang umaga."
Rayden stood up and walked near her. Napakatangkad nito sa kanya. Halos hindi pa siya umabot sa balikat nito.
"Who told you that you can eat my food without my permission?"
Napatunghay si Janna sa lalim ng boses ni Rayden. Malalim na puno ng pagbabanta. Nakaramdam na naman siya ng takot.
"S-sir. I'm so sorry. Sobrang gutom lang--
Rayden grabbed her face with one hand. Pinisil pa niya ito nang kaunti at iniangat upang magtama ang kanilang mga mata.
"Sinadya kong gutumin ka! Pinatago ko ang mga tirang pagkain, para hindi ka makakain! Tingin mo ba ay magiging masaya ang buhay mo sa Mansion ko? Nagkakamali ka, Jannaya!" At pabalya niyang binitawan ang mukha ni Jannaya.
"Bakit kita pakakainin ng masarap kung hindi ako sigurado kung pinapakain man lang ba ng mga tauhan mo si Eunice. Pasalamat ka nga at maayos pa ang tinutulugan mo!"
Nais mang pigilan ni Janna ang mga luha na pumaltak ay huli na ang lahat. Kusa itong tumulo dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Wala siyang maintindihan kahit kaunti sa mga ibinibintang sa kanya ni Rayden.
"Oh, cut the crap, Janna! Hindi uubra sa akin ang mga pag-iyak at paawa mo! Hindi ako naaawa sa'yo! Clean yourself and go to my room! May obligasyon ka pa sa akin!"
Lumapit si Rayden sa kanya. Pinadausdos nito ang isang kamay sa kanyang buhok at ito'y hinila paangat upang magtagpo ang kanilang tingin. Napapikit siya dahil medyo masakit ang pagsabunot sa kanya ni Rayden.
Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. Kinilabutan siya dahil dumampi ang malalamig nitong labi sa kanyang tenga.
"Your body is mine Janna! I won't stop f*cking you until I get tired!