Naunahan pa ni Jannaya sa pagbangon ang tunog ng kanyang alarm clock. She's in pain. Her hips and abdomen hurt. Kung ano-anong posisyon ang ginawa nila kagabi ni Rayden. Hindi rin ito nauubusan ng likido dahil kahit katatapos lamang nila ay tinitigasan ulit ang sandata nito. She remember going to his room at almost 2 AM then they stopped making out at 6 AM. Now, she's already awake. She only slept for 2 hours
Kailangan niya pang magluto ng agahan para sa kanyang boss.
Mabilisan na lamang siyang naligo at nagpalit ng damit pang-opisina. Paglabas ng silid ay na amoy niya ang itlog na niluluto ni Letecia.
"Letecia, ako nariyan. Baka mapagalitan ka pa ni, Sir Rayden." At agad inagaw ang siyanse na hawak ni Letecia.
"Sabi kasi ni Manang Goreng, ako na muna ang magluto dahil baka tanghaliin ka ng gising."
Kumunot ang noo ni Jannaya. Naalala niya bigla. Nakasalubong niya nga pala si Manang Goreng ng siya'y pabalik na ng kanyang silid.
'Narinig kaya niya ang mga hiyaw ko?'
Napapikit siya nang mariin. Kung nadinig ito ng matanda ay sobra talagang nakakahiya 'yun!
"Baka masunog na 'yang itlog, hoy!"
Nagulat pa siya sa pagsita sa kanya ni Letecia kaya nataranta pa siyang kunin ang itlog at nahawakan niya ang kawali.
"Ouch!!" Pinaypay niya ang mga daliri dahil siya ay napaso.
Si Letecia naman ay agad kumuha ng yelo upang ilagay sa kanyang daliri.
"Stupid."
Napalingon si Jannaya sa nagsalita mula sa kanyang likuran.
"S-sir. Good morning po." Bumati pa rin siya dito kahit sinabihan siya nitong 'stupid'.
Napatitig siya sa lalaki. Kapareho niya lang itong wala halos tulog, ngunit bakit ito ay mukhang fresh pa rin? Napaka-pogi nito sa coat and tie.
Rayden didn't bother to look at her. Para itong walang pakialam sa kanyang pagkapaso.
Si Letecia naman ay ibinigay ang yelo sa kanya na, nakabalot sa towel na maliit. Sinenyasan siya nitong ilagay sa kanyang paso.
"Where's the food?" tanong nito na may pagbabadya na namang galit sa tinig.
Binaba ni Jannaya ang yelo sa counter at saka hinain na ang itlog at toasted bread sa harap nito.
"How am I supposed to eat that bread, without a filling?"
Tinignan siya nito ng masama. Napasinghap si Jannaya. His hazel brown eyes where trying to intimidate her.
"Oh, yes sir!" Mabilis niyang kinuha ang tinapay sa harap nito at dinala sa counter.
Kinuha niya ang strawberry jam sa cabinet.
Napakunot ang noo ni Letecia at lumapit kay Jannaya. "Ano pang hinahanap mo? Hawak mo na ang palaman ni sir," bulong nito.
Umiling siya. "May peanut butter ba rito?"
Lalong kumunot ang noo ni Letecia. Ngunit hindi na siya muling nagtanong. Naglakad na lang ito patungo sa pantry at kumuha ng peanut butter at saka mabilis binigay sa kanya.
Nilagyan niya ang toasted bread ng strawberry Jam at pinatungan pa ng peanut butter.
Napatingin si Letecia sa boss na busy sa pagtipa sa telepono. "Anong ginagawa mo?Strawberry Jam lang ang nilalagay ni Manang Goreng sa tinapay ni sir."
Jannaya just smiled at Letecia. "This is his favorite."
Nang matapos lagyan ng palaman ay muli niyang pinatong ang tinapay sa harap ni Rayden.
Rayden stopped using his phone and put the phone on the table. He looked at the bread. He frowned. He used his hand to taste it. Sandali siyang napahinto sa pagnguya. Ngunit tuloy pa rin ang pagkain.
Kinabahan si Jannaya dahil nakita niyang kumunot ang noo ni Rayden nang makita ang tinapay. Ngunit nasiyahan din naman siya dahil nakita niyang naubos nito ang kanyang gawa.
"I'll get my bag and then we're going." Tumayo ito at mabilis nilisan ang kusina ng hindi sila tinitignan.
"Paano mo nalaman na favorite ni sir ang gano'n?" agad na tanong ni Letecia.
Sinalansan ni Jannaya ang mga platong nagamit. "Iyon ang lagi niyang pinapagawa kay Eunice."
"Sinong Eunice?"
Napatingin si Jannaya kay Letecia. "Ang pinakamamahal niya."
......
"SIR? Sir? Narinig niyo po ang sinabi ko?"
Biglang natauhan si Rayden sa tawag ng kanyang sekretarya. Masyadong malalim ang kanyang iniisip. Kanina pa siya hindi makapag-concentrate sa trabaho.
"Ahm! What is it again?"
"Iyong meeting niyo mamaya ay na-cancel ko na dahil po sa housewarming na gaganapin mamaya sa Mansion niyo. Ang mga kaibigan niyo po ay na follow-up ko na rin. Lahat daw po sila ay makakapunta."
"Okay. Thank you, Luan. You can go, now"
"Okay, sir."
Akma na sana itong tatalikod.
"Hold on! Papuntahin mo sa clinic si Jannaya Lopez. Tell her na ipa-check ang paso niya sa kamay."
"Sure sir. Is there anything else, boss?"
Umiling si Rayden at pinaikot ang swivel chair paharap sa glass wall. Kita niya ang mga nagtataasang gusali na katabi ng kanyang building.
Narinig pa niya ang paglakad palabas ng sekretarya at pagsara nito ng pinto.
He crossed his leg and rested his chin over his hand. Bumalik na naman sa kanya ang kanina pang gumugulo sa kanyang isip.
Paulit-ulit niyang sinasabi kay Eunice kung ano ang gusto niyang palaman sa tinapay. Ngunit lagi rin nitong nalilimutan. Namana niya ito sa kanyang ama. But when his dad died, he stopped eating it in front of his mom. Kaya sinanay niya si Manang Goreng na huwag na itong gagawin.
Kanina na lang siya ulit nakakain ng tinapay na may strawberry jam with peanut butter on top. The thing is! Ang girlfriend niya for four years ay madalas pa ring malimutan ang gusto niya.
'Bakit si Janna ay natandaan?'
Nagbuga siya ng malalim na hininga. Muli niyang inikot ang upuan paharap sa kanyang lamesa.
That's not it.
The first time they had s*x, he never thought that she's a virgin. 'Cause it's still clear in his memory what Eunice told about Janna. She said, Janna is only acting innocent but she has a lot of boyfriends.
Ayaw niyang maniwala no'ng una sa kasintahan dahil napaka-inosente ng mga galaw nito. Ngunit nang madalas na niyang makita si Janna na iba't iba ang kasamang lalaki, ay doon niya napatunayan na tama nga si Eunice.
Ngunit muling nabago ang lahat ng kanyang akala, sa unang araw na may nangyari sa kanila! Eunice was wrong. Jannaya is truly innocent and naive.
He closed his eyes.
'Why did you lie to me, Eunice? Why did you say those things?'