Maria Aila’s POV
“She’s now stable. Minomonitor na namin ang kalagayan niya and she’s responding well too, which is a very good news. We are now waiting for her to fully recover...”
“This kid isn’t blood related to you, right Doc?”
“Yes, but I’ve known her since she’s one of our charity’s beneficiaries.”
“But you chose to pay for all her expenses, Doc, even if she’s covered by your charity and that’s just so good to hear especially when doctors nowadays don’t really spend a lot for people they don’t personally know. I think that’s the reason why people admire you... aside from the fact that you are graciously,” the reporter shyly chuckled, “uhm. Handsome...”
The corner of Kiel’s lips curved up, as he wet his lips using his tongue. Dammit. “Really, thanks then.” He looked at the reporter who was now blushing profusely. “Let’s talk about that some other time, aryt? I still have work to do if you’ll excuse me...”
“So that was my interview with Dr. Kiel Thaddeus Saldivar of St. Michael’s Medical Center as he—”
I quickly turned the TV off and sat down on the couch as I felt my knees became weak.
I closed my mouth after noticing that I was tongue tied the whole time while seeing the interview about how Kiel helped the kid with lymphoma. Yes, lymphoma. The same disease my sister is suffering from.
I stared at my sister who was sleeping on her bed, as she was holding her stomach. Nakakunot ang kanyang noo tanda ng sakit na umatake na naman sa kanya bago siya pinatulog.
I felt a deep cut on my chest while looking at her in that condition. Naaawa ako sa kapatid ko. Sobrang naaawa ako sa kalagayan niya.
Sobrang sakit makita siyang nahihirapan at sobrang nanghihina. Gustuhin ko mang ipagamot siya ngunit wala akong perang maibigay para sa pagpapagamot niya.
I turned my glance to the television where I had seen the face of the man who was once a part of my life.
Kung sakaling hihingi ako ng tulong sa kanya... tutulungan niya kaya ako? Kahit... malaki ang naging kasalanan ko sa kanya noon?
I shook my head. Hindi. Alam kong hindi niya ako tutulungan. Ilang ulit ko na siyang nilapitan noon para makausap lang, ni-hindi niya ako sinipot. What’s the difference with this one? This is already a big favor which I know he wouldn’t give.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at nilapitan ang kapatid kong natutulog.
Mapait akong napangiti.
“Mabuti naman at kahit sa pagtulog lang hindi mo nararamdaman ang sakit. Kahit sa pagtulog lang, Gale.” I stared at her in her deep slumber.
“Wag kang mag-alala...” Hinaplos ko ang buhok niyang unti-unti nang nalalagas. Naipagamot ko siya noong isang linggo gamit ang sweldo kong inipon nang kalahating taon at perang inambag ng mga kamag-anak ni mama. “Gagaling ka rin... pangako iyan ni Ate, Gale...”
I sighed as I kissed her forehead.
“SIGURADO KA BANG kaya mo pa? Gale, manghihiram na lang muna ako sa boss ko noon. Iyong CEO. Basta lang maipagamot kita habang hindi pa lumalala an—”
“Ate...” Malungkot na ngumiti sa akin ang aking kapatid. Bakas sa mukha niya ang pagod at sakit ngunit pinipilit pa rin niyang magpakatatag. “Kaya ko. Maniwala ka sa akin. Kaya ko...”
Napapikit na lamang ako nang hinaplos niya ang aking pisngi. Pinigilan ko na lang ang mga luhang nagbabadyang tumulo. “Alam ko kung anong dinanas mo sa kamay ng anak ng boss mo na iyon... Ayokong maulit pa iyon, Ate nang dahil lang sa akin...”
Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya sa mga mata. “Hindi naman siya ang hihingan ko ng pera. Iyong tatay niya. Pero kung siya man, handa akong harapin ulit siya kung maaari maipagamot lang kita, Gale. Ikaw na lang ang mayroon ako. Matitiim ko pang—”
Gale immediately shook her head. “Ako, hindi...” She said as I saw her forehead creased.
Agad ko siyang hinawakan. Bigla akong kinabahan. “May masakit ba? Ha? Asan Gale? Sabihin mo kay Ate!” Hinawakan ko ang ulo niya, ngunit ang nakita ko lang ay ang ngiti niya.
Itinabing niya ang kamay ko. “Ano ka ba, Ate. Wala lang ‘to... Kunting sakit lang eh. Akala mo di ko kaya no? Aba Ate, minamaliit mo ata itong kapatid mo...”
Masama ko siyang tiningnan. Pinakaba ako ng batang ito! “Yung totoo Gale!”
Tumango lamang siya at ngumiti na naman. “Oo naman, Ate... Sige na, magtrabaho ka na dun. Kaya ko na po ang sarili ko...”
Tumango-tango ako. Ayaw ko man siyang iwan pero kailangan. “Darating na dito iyong magbabantay sa’yo. Hintayin mo na lang ha? Late na kasi ako eh.” I moved closer to her and kissed her forehead.
“I love you Gale...”
“I love you more Ate Aya...” She smiled at me. I smiled back at her as I head out of the door. I’ll be back, Gale.
HINDI AKO MAPAKALI habang naglalagay ng order sa tray. Ang mga kamay ko ay nanginginig at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. I mean, hindi ko na dapat nararamdaman ito!
Why is he here again? Hindi man niya ako tinatapunan nang tingin pero masyado akong naiintimidate sa presensya niya. Nakagat ko na lamang ang aking labi at nag-focus sa aking trabaho.
Hindi na ito mabuti.
“T-thank you, Ma’am!” Pilit na ngiting sabi ko sa customer at agad huminga nang malalim nang makaalis na ito.
Shannon smirked at me.
“Girl, ba’t nangangatog ka dyan?” Lumilinga-linga si Shannon sa paligid hanggang sa napako ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa table malapit sa may glass wall. She gave me a knowing smile. Damn. “Sabi na. Ahaha! Sa sobrang gwapo ng customer natin halos hindi ka na makapagtrabaho nang maayos diyan!”
Inirapan ko si Shannon na siyang ikinatawa lang nito. Kung alam niya lang! “Shan, nangangatog ang binti ko dahil hindi pa ako kumakain simula kanina—”
She eyed me suspiciously. “Alam mo, napapansin ko ‘no... Isang linggo simula noong huling pumunta iyan rito,” Nguso niya kay Kiel na may halong kislap ang mga mata...
“Ang mala-artistang lalaking iyan... na ubod ng gwapo at kisig... at may pamatay na s*x appeal... na shet, naka-eyeglasses pa ngayon... ay halatang may epekto siya sa’yo. Akala mo hindi ko nakita noong huling pumunta iyan rito? Halos tulala kang nagbibigay ng order sa kanya teh! Ahaha! Grabe, buti nga naibigay mo pa nang maayos ang order niya. Kung ako kasi iyon, baka nahimatay na ako—”
“Shannon and Aila! Shouldn’t you two be working instead of talking nonsense? This is time for work!” Agad kaming natahimik nang sumigaw ang aming manager.
Medyo malakas-lakas iyon kaya medyo nakaagaw nang pansin sa mga customer... worst, pati siya. Kiel saw it! Damn!
Noon lang ako nagkaroon ng pagkakataong tingnan siya nang maayos at hindi pasulyap-sulyap lang. He was wearing faded jeans and peach long sleeves. Just with those, he was still indeed a head turner. Ang dami pa ring pasimpleng tumitingin sa kanya na hindi niya naman pinapansin. Walang pinagbago...
I blushed in utter embarrassment when I saw him looked at me. I can’t see any emotions in his eyes while he was holding his pen. Naka-salamin siya ngayon which made him ten times hotter. If not, a hundred.
Mas lalo akong naintimidate dahil nakasuot siya nang salamin. Nakatingin siya sa akin ngayon, habang ako naman ay nakatingin sa kanya.
Eyeglasses... Those eyeglasses... How we met years ago came crushing back to me just because of those eyeglasses...
“Manong, it’s getting late! Asan na ba kayo? Kanina pa ako naghihintay dito! You should be here by 5:30pm but you’re nowhere to be found!”
“Ma’am, mayroon lang po akong hinatid na gamot sa asawa ko, papunta na po ako riyan—”
“CUT THE CRAP! Sige na, I’ll just wait here! Bilisan mo— AYY BULLSHÍT!” I heard a crack after I stepped back! What was that?!
“The hell?” I heard a baritone voice from behind who I’m sure was the one who said it. I immediately clutched my bag and turned to see who was it when I heard another crack again... and yes, it was pretty close to my feet.
“Just what the fu..” He uttered again but didn’t finish what he was saying when there was a crack... again, after I moved. As I looked at the one who’s talking, my mouth slightly fell open. But I immediately closed it, of course!
It was turning dark outside but I can still clearly see his face. He had a rugged hair which made him look like a fúcking bench body model, perfectly angled jaw, thin lips which was I think thinner than mine dammit, pointed nose, and a really tall figure, I was already looking up at him. But what caught me the most was his emerald green eyes... which looked... utterly dashing.
“You are really deaf tss...”
Saka lang ako bumalik sa realidad nang magsalita ang lalaking ito sa harapan ko.
Teka.
What just happened Aya? Did you just check this guy out? God!
My cheeks reddened in embarrassment. What the hell?
“Come again?!” I glared at him as his words registered on my mind rather late. Goodness. He called me deaf, huh?
“I. SAID. STEP. OUT.” He said slowly until I realized that I was stepping on something. As I looked below, I saw there a pair of eyeglasses. A broken eyeglasses, for that matter. Really?
“HOY... Teka lang!? Wala akong ginawa dyan ha! I think I was just walking backwards while calling my driver and the last thing I heard was a crack!” I immediately defended.
He looked again at me... sexily... no, sarcastically, that’s what I meant.
“Too defensive. I didn’t even say anything.” Kalmadong sabi niya na ngayon ay nakataas na ang isang sulok ng labi.
My cheeks heat up. Was I too defensive? Ano bang nangyayari? Wala naman talaga siyang sinabi eh. Urgh.
I cleared my throat. “K.” Then I stepped out for him to get... those glasses. I don’t even think those eyeglasses belong to him because I am sure as hell he’s not a nerdy guy.
Oh, well.
“Pay for this.” This green eyed guy calmly said that to me. Wow. Just wow!
“Excuse me?” I said in disbelief. I mean, yeah, I can pay it but I didn’t do anything! It wasn’t even my fault that those eyeglasses were on my feet!
“You heard it, barbeque.” He said it and a smile was now plastered on his damn face. Did he just call me barbeque or he meant, I’ll pay those eyeglasses with barbeque?
“The hell. Hoy, una sa lahat hindi ko sinasadya ang pagkasira ng eyeglasses mo! At tsaka sa dinamirami ng lugar, sa likod ko pa talaga iyan mahuhulog? Don’t fool me, mister. Baka isa iyan sa mga bagong modus ninyo! For all I know, you’re from that budol-budol gang!”
“You think so?” He plastered again a smile that could make you take off your panties in a nanosecond.
Oh, shut it Maria Aila! Just stop it!
“Oo!” Sabi ko nalang at nasiyahan nang makita ko na ang sasakyan naming paparating. Inirapan ko siya nang makitang nakangiti pa rin ito sa akin. Putek, ang gwapo naman nito para maging miyembro lang ng budol-budol. Bwiset na mukha yan.
“Pay for it...” He took my I.D. and read my name. I tried to pry him away but to no avail. Dammit! “Maria Aila Dela Paz... Pay for it kasi kung hindi mo yan babayaran, ipapa-gangbang kita.”
“Sabi na miyembro ka ng budol-budol gang!” Sigaw ko nang marinig ko ang driver naming tinatawag ako.
“Uhuh?” He glanced at my driver then back at me again.
“Gotta go.” He just smirked and walked away from me calmly while holding his broken eyeglasses.
Weird... I should feel threatened but why the hell am I not?
And why is he fúcking calling me barbeque? Seriously!