MARIA AILA
“A-ate Aya, h-hindi ko na po kaya. Ayoko na, Ate. A-ayoko na...”
“Gale, huwag na huwag mong sasabihin ‘yan. Magpakatatag ka, Gale nandito lang si Ate Aya, okay? Kakayanin natin ito!”
“A-ayokong naghihirap ka pa d-dahil sa akin, Ate. S-sobra na ang pagpapahirap ko sa’yo. Ayoko nang dagdagan p-pa...”
“Gale, kaya ko pa. Kayang-kaya pa ni Ate kaya ikaw magpakatatag ka rin! Kayanin mo dahil kung hindi—”
“A-te... P-arang h-hindi ako m-makahinga—”
“Gale ‘wag kang magbibiro nang ganyan! Gale! Ano ba!”
“A-ate Aya... I love y-you Ate... H-huwag kang malungkot please. Mahal na mahal kita Ate A—”
“GALE! GALE! GUMISING KA! WAG MO KONG IWAN, GALE ANO BA!”
“GALE GUMISING KA! HINDI NATUTUWA SI ATE! GUMISING KA!”
“GAAAAAAAAAALE—”
“MISS DELA PAZ!” Nagulantang ako sa sigaw na siyang nakapagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Patay...
Nanatili akong nakayuko. Napakagat ako ng labi nang wala sa oras at mabilis kong pinunasan ang aking bibig kung may laway ba sa paligid nito.
Here it is again...
“Natutulog ka na naman ba sa oras ng duty mo Miss Dela Paz?”
I slowly raised my head, still closing my eyes and uttered...
“In Jesus name, amen...” tsaka ko pa hinarap ang supervisor ko at nag-sign of the cross nang nakangiti. Sana lang wala akong muta, please.
She narrowed her eyes at me. “Miss Dela Paz, answer me! Are you sleeping during this time na dapat ay duty mo?”
Napalunok ako nang laway nang wala sa oras at mabilis na umiling. This works sometimes, at sana ngayon gumana rin ito.
I calmly smiled.
“Naku ma’am, hindi po ako natutulog! Nagdadasal po ako ma’am...” Pilit na ngiting tugon ko.
She just narrowed her eyes at me again, torn between believing what I just said or not.
Umepekto ka please, umepekto ka.
Pinasadahan niya muna ako nang tingin pagkatapos ay iginala ang tingin sa kabuuan ng locker room.
“Is that true?” She asked while raising her brow as she looked back at me.
I nodded at her, still plastering a wide smile on my face. “Opo.”
She nodded a little, dismissing me. “Hmm, sige. Linisin mo muna itong locker room bago ka lumabas doon. Tutal, wala pa namang masyadong customer...”
“Sige po...” Nakangiti pa ring sagot ko at nang tuluyan na siyang lumabas, tsaka lang ako nakahinga nang maluwag!
Lusot.
Agad akong tumayo at pinagpagan ang uniform ko. Inaayos ko ang mga gusot nito nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.
I sighed.
Siguro dahil hindi ako nakatulog kagabi sa pagbabantay kay Gale kaya antok na antok ako ngayon. Inatake na naman kasi siya ng sakit niya.
Huminga ako nang malalim...
Nangilid na naman ang luha sa aking mga mata lalo na nang maalala ko bigla ang panaginip ko kanina. Hindi... hindi iyon pwedeng mangyari! Gagawin ko ang lahat, Gale... gagawin ang lahat ni Ate...
Just please hold on.
I uttered a simple prayer in my mind, before cleaning the locker room. This time totoo na talaga itong dasal. Pinagdarasal ko na sana mayroong makatulong sa akin sa pagpapagamot ko sa kapatid ko. Malapit nang maubos ang inipon ko mula sa nakaraang trabaho ko bilang secretary ng isang sikat na CEO sa bansa.
Kinailangan ko lang talagang umalis doon dahil hindi ko na nakayanan ang kamanyakan ng walangyang anak ng boss ko na tinangka pa akong gahasain at patayin.
Ipinilig ko ang ulo ko upang maalis ang masamang pangyayaring iyon sa aking isip.
Matapos kong malinis ang locker room, lumabas na ako. Sinenyasan agad ako ni Shannon, isa sa mga bagong kaibigan ko dito, na itake-over ang counter 5.
I nodded my head. Time to work, Aya. Isantabi mo muna ang lahat ng problema mo.
“Aila,” ngumisi si Shannon. “May napakagwapong customer kasunod nitong kano. Mukhang propesyunal. Ghad! Gusto ko sanang ako ang kumuha ng order kaso ihing-ihi nako— Argh, bye Ai!”
Napailing na lang ako kay Shan at mabilis na humarap sa counter para kunin ang order ng isang kano. Malagkit ang tingin nito sa akin pero hindi ko na lang iyon pinansin. Focus, Ai.
“Here are your orders Sir,” Ngiti ko. Sa trabahong ‘to, kailangan kang ngumiti kahit hindi ka masaya. Puhunan mo ‘yon. “Thank you!”
“You’re welcome, gorgeous.” He even winked at me. Muntik na kong masuka but ngumiti pa rin ako sa kanya.
Napatingin ako sa mga table at napansing marami ng customer sa oras na ito. It’s almost 5pm. Napakunot ang noo ko nang marami ang tumitingin sa may likuran ng kano na ‘to habang kinukuha ang order niyang medyo marami-rami.
Hindi ko kita kung ano ang tinitingnan nila dahil sa tangkad ng kanong ‘to.
“Vaughn, paki-assist si Mr. Reese, please.” ngiti ko kay Vaughn nang mapansing matagal nakuha ni Mr. Reese ang mga order niya.
Mabilis naman itong tinulungan ni Vaughn at nagpasalamat pa sa akin ang kano sabay kindat.
Psh.
“Good afternoon! Welcome to Pink Plate. May I have your name plea...” hindi ko na natapos ang sasabihin nang makita kung sino ang sunod na customer.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang mga ilang minuto kung kaya’t siniko na ako nang katabi ko.
“Aila, anong nangyari sa’yo? May naghihintay oh,” sabi ni Kleo ng counter 4.
Napakurap-kurap ako sandali at tumingin muli sa lalaking nasa harap ko.
A very familiar man is in font of me. Hindi lang familiar... pero kilala ko siya.
Kilalang-kilala.
Pinasadahan ko nang tingin ang mukha at katawan niya. His hair was in clean cut. Napakalinis niya tingnan dahil doon. Medyo basa pa ito, mukhang kaka-shower lang. He looked undeniably fresh!
His nose was nothing but pointed, saktong-sakto sa suot niyang mamahaling shades. Ang mga labi niya ay kagaya pa rin noon, mapupula...
Napalunok ako.
Naka-suot siya ngayon ng dark maong jeans at gray long sleeves na nakatupi sa siko. The muscles on his biceps and triceps are protruding from his long sleeves, I can’t help but gulp.
He was also wearing dark-framed glasses, kaya hindi ko nakikita ang kanyang mga mata.
Pero bagama’t ganoon, kilalang-kilala ko siya. Kilalang-kilala siya ng puso ko.
“Mind taking my order?” He asked in a flat tone. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko nang marinig ang boses niya. A voice I never heard for over nine years. A voice I long to hear. A voice I missed so much...
I snapped out of my thoughts. Mag-focus ka sa trabaho, Aila!
Umiling ako ng ilang beses, pilit isinasantabi ang kabang nararamdaman habang kaharap ang lalaking ‘to.
“U-uhm, may I have your name please—”
“Really?” tinagilid niya ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin. He also raised his brow in a manly way.
Halos masamid ako sa sariling laway dahil simpleng tanong niyang iyon. Focus nga, Ai.
“U-uh. I’m s-sorry Sir, uhm, mukhang hindi niyo pa kasi nasasabi ang pangalan niyo...” Stay calm, Maria Aila! Pigilan mo ang panginginig niyang kamay mo for goodness’ sake!
He hissed after what I said and then looked at his watch before sparing me a glance. “Dr. Saldivar...”
I smelled a little arrogance with what he said. Oo, alam kong doktor na siya. Isang sikat na doktor kaya pala pinagtitinginan siya ng ibang customer dito.
“Dr. Kiel Saldivar to be exact,” blangkong sabi niya at sinipat muli ng tingin ang kanyang itim na relos na nasa kaliwang kamay niya. “And miss make your service a little faster, nagmamadali ako...”
I bit my lip as a sharp knife just stabbed me in my chest part with what he called me.
Miss... and not Aya.
“Ah yes uh, right away, Sir...” sabi ko at mabilis na kinuha ang mga order niya. Ilang minuto pa siyang nakatayo sa harap ko hanggang sa makumpleto na ang tinake-out niya.
I immediately handed it to him and he got it right away.
“Thank...” hindi ko na natapos ang sasabihin nang umalis siya bigla pagkatapos kong maibigay ang mga inorder niya, ni hindi man lang ito lumingon pabalik.
Natutula ako sandali.
I stared at his back while he was walking away. Napalingon ako sa paligid at nakitang halos lahat ng mga babaeng customer namin ay nakatingin din sa kanya nang may paghanga sa mukha habang paalis siya.
Napabuntong-hininga ulit ako.
“Miss may plano ka pa bang kunin ang order namin?” biglang sabi ng babaeng customer na nasa harap ko.
Saka lang ako nakabalik sa ginagawa.
“Ah, oo nga pala! Good afternoon! Welcome to Pink Plate. May I have your name please?”
I sighed again. Ang layo niya na... Sana naman mag— hay, hindi na nga pala pwede. Napakaimposible...