Maria Aila's POV
ALAS-OTSO na ng gabi nang magsara kami sa Café. Medyo maaga sa usual naming out pero okay na yun. At least makakapahinga ako nang mas maaga. Minsan kapag maganda ang panahon at maraming customers, inaabot kami nang hanggang 10pm. Depende na yun kung sinong gustong mag-overtime.
Ngayon medyo maaga lang kaming nagsara dahil umaambon na sa labas. Ayaw naman ng manager namin maabutan pa kami ng malakas na ulan at tsaka wala na namang customers kaya okay lang.
"Aila, sasabay ka ba sa amin ngayon?" Nilingon ko si Shannon habang papalabas kami.
Tuwing uwian, tinatanong niya ako kung sasabay ba ako sa kanilang dalawa ng jowa niya. Minsan tumatanggi, minsan din naman ay hindi. Ayaw ko kasing makaabala. Kahit on the way na yung amin, feeling nabibigatan sa pag drive nung motor yung jowa niya. Ayoko makaperwisyo.
Kaso ngayon, malapit nang bumagsak yung ulan. Wala pang kasama si Gale roon. Nagtitipid din naman ako kaya okay lang siguro makisakay?
Nahihiyang ngumiti ako kay Shannon. "Okay lang ba, Shan? Nagmamadali rin ako eh kasi wala ng kasama si Gale."
"Oo naman no!" Sabi niya at umakbay sa akin habang papalabas ng backdoor.
"Uy, pasensya talaga sa inyo Jinx ha," pagpapaumanhin ko kay Jinky, girlfriend ni Shannon, habang sumasampa na sa motorsiklo nila, kasunod ni Shannon.
"Sus, walang problema 'yan, Ai. Ikaw pa ba?" Masiglang sagot ni Jinx at pinaandar na ang kanyang motorsiklo.
Halos magdadalawang taon na rin kaming magkakilala ni Shannon. Noong una, iba yung agad kong nakaclose sa mga kasamahan namin. Ewan ko ba, isang araw magkasama na kami kumain sa trabaho. Magkasama na kami magmeryenda, magmall at kung anu-ano pa. Kaya siguro naging close kami agad dahil magkapareha kami ng gusto.
Nang makarating na kami sa may kanto, bumaba na ako. Hindi na ako nagpahatid sa loob dahil umaambon na, baka mabasa pa sila pauwi.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila, naglakad na ako papasok sa may daanan papunta sa amin.
May mga nag-iinuman sa gilid, nagyoyosi, at nagchichismisan... mga bagay na nakasanayan ko ng makita simula noong tumira kami rito.
Napabuntong-hininga ako. Kumusta na kaya iyong kapatid ko? Maaga kasing umalis si Aling Sabel kaya wala na siyang kasama ngayon sa bahay.
"SABIHIN MO NA KASI MAY KABIT KA!"
"Anong kabit love? Wala akong-"
"PUNYET@! NAKITA KO NA IYONG MGA CHAT NIYO SA MESSENGER! MGA H@YUP KAYO!"
Napailing nalang ako nang mapadaan sa may tindahan at nag-aaway ang mag-asawang iyon. Ilang beses ko na naririnig iyang away nila tungkol dyan sa pangangabit raw ng asawa niyang lalaki.
Jusko naman, halos ibalita na nila nang libre dito sa buong lugar namin. If ever I'd be married Lord, 'wag naman sana ganyan. I won't tolerate cheating, but I also wouldn't broadcast it to everyone if ever my husband cheats. 'Wag iskandalosa. Maganda at matalino tayo. Chos.
I just shook my head and smiled at my last statement.
Yang mga bagay na iyan dapat pinag-uusapan nang maayos at yung sila lang ang nakakarinig. Talo pa nila announcer sa radyo kaya yan tuloy, sila ang laging pinagchichismisan dito.
Naglakad pa ako ng mga tatlong minuto bago nakarating sa bahay.
Narinig pa lang ni Gale mga yapak ng sapatos ko, agad na niyang binuksan ang medyo sira-sira ngunit nagfa-function pa namang pinto namin.
"Ate!" ani Gale sa masiglang tono bagama't nanghihina.
Para na namang pinupunit ang puso ko kapag nakikita ko siyang mas pumapayat at tila pagod palagi. Pero kahit ganoon, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.
"Gale!" Ngiti ko habang nilalapitan siya. "Kumain ka na ba bunso? Kumusta ka?"
Hinawakan ko siya habang papasok kami. "Opo, Ate Aya. Tapos na. Tsaka, okay lang po ako. Medyo masakit lang katawan ko kanina, pero okay na ako ngayon." Sabi niya habang nakangiti at tila masayang-masayang nakita ako.
"Ganoon ba?" Malungkot na sabi ko ngunit pilit kong pinasigla ang aking boses. "Mga gamot mo Gale? Nainom mo na?"
Naupo na kami sa may munting na sala namin. "Huli na po yung ininom ko kanina." Saad ni Gale sa malungkot na boses. "Wag nalang kaya ako uminom, Ate? Di naman effective. Di pa rin kasi ako gumagaling e."
Inirapan ko siya. "Anong hindi? 'Yan yung sabi ng doctor mo tas di mo susundin? Nagpapakahirap pako sa pagtatrabaho mabili lang 'yang gamot mo tas sasabihin mong hindi ka iinom?!" Medyo galit na sabi ko.
Ngumiti lang si Gale at niyakap ako, ramdam na ramdam ko ang panghihina niya. "Ate Aya naman, joke lang 'yun eh. Chill ka lang, Ate. Salamat po sa pagbili ng mga gamot ko ha?"
Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko sa lambing ng boses niya habang nagsasalita. Agad ko itong pinahiran at tumikhim pagkatapos.
"O siya, sige na." Hinarap ko siya. "Magpahinga ka na. Sobrang late na oh. Ikaw talaga, nagpupuyat din e." I said pretending to be strong in front of her as I kissed her cheek.
"Hinihintay ko yung pinakamagandang ate ko eh!" Sabi niya sa masiglang tono sabay tawa.
Napangisi na rin ako. "Che! Eh ako lang ate mo!"
Pagkatapos ng kulitan namin, umakyat na siya sa kwarto namin. Inalalayan ko naman siya sa pag-akyat kasi medyo sira na iyong kahoy na hagdan ng aming bahay. Nagligpit na rin ako ng mga plato at baso tsaka naghugas sandali. Inayos ko na rin iyong mga gamit namin sa aming munting sala.
Pagkatapos ng mga kailangan kong gawin, umakyat na rin ako at matutulog na sana nang biglang kong maaalala iyong nadaanan ko kanina sa may kanto.
The guy was clearly cheating. Tss, kawawa ang asawa kung ganyan ang lalaki. Parang di magtatagal. I do believe with the saying "Once a cheater, always a cheater." Kung ako 'yan, hindi ko na agad bibigyan ng second chance. Jusko. Ano ako tanga?
Hmmm... sabagay, sino ba naman ako para magsalita tungkol sa pagiging manloloko... para namang hindi rin ako... ah, makatulog na nga. Dami dami pang iniisip e matutulog na nga lang...
"MOMMY, WALA LANG IYON. She is just my business partner!" My Dad shouted inside their room while I was about to knock. Napatigil ako sa narinig.
I can hear my Mom sobbing as she was talking to Dad. "Business partner na hatid sundo?" Humikbi si Mommy. "A-anong akala mo sa akin, Jaime, ganyan katanga at hindi ko malalaman ang mga pinanggagagawa ninyo?!"
"Mommy naman-- wala ka bang tiwala sa akin? We've been married and together for more than 20 years!" Paliwanag ni Daddy.
"Oo nga, we are already together for that long pero hanggang ngayon hindi mo pa rin kayang iwasan ang mga bagay na ayaw ko!" Mom shouted but her voice cracked in the end as if she was holding what she said for long.
At the age of 19, that's when I knew my Dad was cheating. The man who I thought I would want my future man to be like, cheated. It's true then... wala sa ilang taon kayo nagsama bago mo masabi kung gaano ka loyal ang isang tao. If he or she wants to cheat, he/she will, regardless of what both of you have been through.
Simula noon, Mom was diagnosed with depression.
And this... became the start of our unfortunate life.
ISANG MALAKAS NA BUSINA galing sa tapat ng bahay ang gumising sa akin mula sa aking pagkakatulog. Goodness, hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi tinapos nun ang aking masamang panaginip o maiinis dahil inaantok pa ako.
"Hala anong oras na!" Medyo nagpanic ako nang makitang alas-otso ng umaga ngunit agad ding nawala iyon sa kadahilanang linggo ngayon at day off ko. Thank you, Lord. Makakapagpahinga rin.
Inayos ko na ang aking higaan at sinuklay ang aking mahabang buhok. Sa baba na ako maghihilamos dahil nandoon din ang aming cr. Si Gale ay wala na rin sa aking tabi, siguro ay bumaba na iyon at nagwawalis. Ewan ko ba roon, kahit nanghihina, tumutulong pa din kahit kaunti sa mga gawaing bahay, sinasabi ko namang hindi niya na kailangan gawin iyon.
Bababa na rin sana ako upang maghanda ng agahan nang makarinig ako nang tila may nag-uusap sa labas. Boses ni Gale iyong isa... hmm sino naman kaya itong kausap niya?
Tinatanggal ko ang muta sa aking mga mata habang naglalakad pababa nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon... agad akong natigilan. Hindi ko alam pero sobrang lakas ng t***k ng puso ko na tila lalabas iyon mula sa aking dibdib!
"Ah kasi Kuya Kiel natutulog pa si Ate e... pasok ka muna sandali at gisingin ko." Sabi ni Gale habang nakatingala sa lalaking nasa harap niya. Ang hindi niya alam, nakatingin na sa akin si Kiel.
"She's here, Gale.." Anito sa baritonong boses habang nakakatitig pa rin sa akin.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig din sa kanya. Sobra akong kinabahan at pati ang tuhod ko nagsimula nang manginig.
Good Lord, bakit siya nandito? Ngayon pa na wala akong ayos!!!!