Maria Aila's POV
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita siya.
Tugdug. Tugdug. Tugdug. Potek, ano yun? Walang pusong titibok dito! Past is past.
I tried to take a deep breath to keep myself calm.
Okay lang 'yan. Wala lang 'to.
But as I try to look at him, I couldn't help but check him out. He's wearing a gray tuxedo which fits his well-toned body perfectly, black shoes, and a black watch which screams luxury.
Nang mapunta ang tingin ko sa kanyang mukha, pansin ko na mas lalong naging mature ang mukha niya in a way na mas nadepina ang bawat sulok nito. He was also wearing eye glasses which made him look a hundred times hotter.
Potek, Aila. Get a grip!
"Ate!" Natigil ako sa ginagawa nang tawagin ako ng nakababata kong kapatid. I shook my head and felt embarrassed at what I just did. I can feel my cheeks burning in embarrassment. God, I just stared at him openly at a broad daylight!
Tumikhim ako. Kiel shook his head, his facial expression showed disappointment.
"A-ano--" I cleared my throat as soon as I heard myself stutter. Sinubukan kong tumayo nang tuwid. As soon as I composed myself, I meet his eyes...
"Ano pong sadya nila?" In a tone as if it is my first time meeting him. As if I do not know him before.
He just stared at me blankly after I said that. Matinding katahimikan ang nangibabaw sa paligid bago niya naisipang magsalita.
I gulped. Ano ba kase sadya nito?
In a very formal tone, he spoke... "I don't wanna waste my time. I have important things to do, mind if I talk to you privately? Tomorrow. 10AM. At the café you are working..."
He said that like a command. Na parang wala akong ibang dapat na sagot, oo lang dapat. Parang wala akong choice.
Not letting my fast heartbeat takeover my sanity, I raised my eyebrows as if demanding for an explanation of what he just said.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"Ano bang pag-uusapan natin? Importante ba talaga?" Matapang na sabi ko ngunit hindi makatingin sa kanya. "Kase ako, I am also working and well, busy din..." I trailed off.
Nakapamulsa na ngayon si Kiel habang nakikinig sa akin. His hooded eyes are focused and he's not taking it away from me. Though, I cannot clearly see the emotions he's showing.
I gulped with the way he looks at me.
"It's for Gale." He simply said.
Doon na ako napatitig kay Kiel. "For Gale? What is it?"
I am hoping that Gale will be chosen as one of their beneficiaries. Matagal ko nang inaasam na mapili siya. I've been sending too many letters to any charities with doctors specializing on Gale's condition, even to Kiel. But hindi pa rin talaga napipili si Gale. I am praying sana ito na yun.
Kiel checked his watch as if in a hurry. Lagi nalang nagmamadali itong doktor na 'to. Sabagay, hindi naman kase ata basta-basta sila makakaalis lalo na't on duty. Baka masyadong busy.
He stepped outside. "We'll just talk it out tomorrow. I'll wait." He looked at Gale and smiled at her. He looked back at me without any emotions bago naglakad paalis.
Ang pogi niya. Este-- ang suplado! Parang di minsang nabaliw sa akin ah.
I laughed at the idea. Aila, past is past. Wag ka nang mangarap, may fiancée na yung tao. Jusko.
"Ate ba't ka nakangiti d'yan?" Nakangising tanong ni Gale. "Kinikilig ka pa ba kay Kuya Kiel? Ang gwapo gwapo niya no? Ano ka ngayon?"
Tsaka ko lang na realize na kanina pa pala ako nakangiti. God!!!
Inirapan ko si Gale. "Ha? Anong kinikilig ka d'yan. Hindi ah!" Naglakad ako palapit kay Gale. "Malapit na 'yon ikasal kaya 'wag ka d'yan..."
"Pero aminin, sobrang gwapo niya na ngayon diba? Doktor pa!" Masiglang sabi ng nakababata kong kapatid.
Napailing nalang ako sa kapatid ko at ngumisi. Gwapo na yun noon pa.
"Oo na, oo na. Hay nako," napabuntong hininga ako. "Doktor nga. Sana nga no matulungan ka na nila Gale..." I said, teary-eyed. "Pasensya na talaga ha? Hindi pa kaya ni Ate lahat eh..."
Ngumiti si Gale. "Ate naman eh, ako nga dapat humingi ng pasensya dahil nagkasakit ako eh--"
"Gale!" Pagalit na sabi ko. "Kahit kailan 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo dahil lang dyan! Hindi mo kasalanan 'yan at kailanman hinding-hindi mo kailangan humingi ng tawad sa kung anong nangyayari ngayon!" Medyo paiyak na sabi ko. Naaawa ako sa kapatid ko. Ayokong sinisisi niya ang sarili niya.
Malungkot ang mukha ni Gale na lumapit sa akin at unti-unting yumakap. Doon na talaga tumulo ang luha ko.
"Okay po, Ate. Sorry po. Hindi na po mauulit..." Mahinang sabi niya habang nakayakap.
Diyos ko. Wag mo munang kunin si Gale sa akin. Siya nalang ang meron ako. Sana po talaga mayroon nang tutulong sa kanya.
"WOW!" Sigaw ni Shannon pagkabalik ko kinabukasan upang mag duty. Nagulat naman ako sa kanya, umagang-umaga e nasigaw. "Makeup ba 'yan, Aila? Himalaaaa! Kasalanan bang humingi ako sa langit naaanggg--"
Pabiro kong inirapan si Shannon. "Nagmamakeup naman ako minsan ah! Ngayon mo lang ba napansin?!"
Tumawa si Shan. "Napapansin ko naman, eh kasi noon, ang laki laki ng eyebags mo kaya di ko halata makeup mo. Pero ngayon..." pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko, mula ulo hanggang paa. "Ang fresh mo 'te! Nakatulog ka ba nang maayos? Blooming ka masyado e! Gumaganda ka lalo!"
I rolled my eyes again. "Umagang-umaga Shannon, pangbobola ang ginagawa mong almusal. Halika nga't makapag-open na tayo!" Binobola pa 'ko nito.
"Totoo naman sinasabi ko 'te--"
"Shhh! Halika naaa!" I cut her off by covering her mouth and pulling her to the kitchen.
I just shook my head in amusement.
It's Monday. Kahapon, sabi ni Kiel mag-uusap kami ngayong alas-dyes ng umaga.
Well, I wonder kung tungkol saan ang pag-uusapan namin, but I already have a hint. Hoping na tungkol ito sa sponsorship. I badly need it for Gale. I am hoping and praying na sana tama ang iniisip ko.
Pag nagkataon, malaki ang maitutulong nito sa amin.
Since our life became unfortunate, I only relied on myself. Lahat ng needs namin magkapatid kinaya kong tustusan. Wala kasing natira sa amin. Lahat ng nasa amin noon, nawalang parang bula. Even the people whom we thought can be trusted, our relatives, all of them turned their backs on us.
Gale and I barely survived that unlucky stage of our lives. Buti nalang ngayon, we can survive kahit papano. Hindi man sobra, pero at least naibibigay ko pangagailangan naming dalawa.
Life's so hard when Mom left. It was never the same. How I wish I could turn back time and do things differently. Ang hirap hirap pala pag walang ina. Iyong akala ko nothing could go wrong in my life, marami pa pala itong plot twists.
And losing Mom was the hardest of them all.
When Mom was still with us, parang ang dali dali ng buhay ko. Lahat ng kailangan ko, nabibigay ni Mommy. Hindi ko kailangan magpakahirap kase sinalo niya lahat ng hirap para sa amin, para mairaos lang kami.
Yung akala mo hindi ka na maghihirap kailanman, kasi nandyan siya. Yung akala mo napakadali lang ng buhay, magpeperform ka lang nang maayos sa school, pag-uwi mo may makakain na, tas matutulog ka na lang pagkatapos kumain. Yung tipong wala talagang problema kasi nandyan naman si Mommy eh.
Pero sasampalin ka pala ng realidad pag nawala na sila.
Doon mo palang pala malalaman kung gaano kahirap ang buhay. Doon mo palang makikita ang mga sakripisyo na ginawa nila para sayo. Doon mo palang mapapahalagahan yung mga simpleng bagay na ginagawa nila. At doon mo palang pagsisisihan ang lahat.
If I could really go back in the past, mas pahahalagahan ko sila.
Kaso, hindi ganoon ang buhay eh. May mga bagay na kailangan mangyari upang maging mas matatag pa tayo.
Yes, it will deeply hurt us. Yes, it will make us think ending life would be the best option. Ngunit sa totoo lang, sa tingin ko may mga pagsubok sa buhay natin na kailangan nating lampasan at maranasan. Walang shortcut. At kung matatagumpayan man natin ito, siguro may naghihintay na magandang buhay para sa atin.
Kaya, kapit lang dapat! Kung pasukong-pasuko ka na sa buhay, subukan mo pa lumaban nang isang beses! Baka iyon na pala yung break na hinihintay mo.
Hay... ang dami ko na palang sinabi. Back to work na nga.
Napailing nalang ako sa mga naisip. Hindi ko namalayan na nakapagbukas na pala si Shannon. Jusko.
"HI, WELCOME to Pink Plate!" Ngiti ko sa bawat umuorder.
Tingin ako nang tingin sa orasan sa tuwing matatapos ako kumuha ng order ng bawat customer.
Nainis na naman ako nang makitang 10:24AM na, wala pa ring Kiel na dumarating dito. Anobayan.
Alas-dyes niya, mukhang balak pa atang gawing alas-dose!
I puffed an air of frustration sa naisip. Bakit ba kasi ang tagal niya? Hindi talaga marunong tumupad sa usapan 'yung doktor na 'yun.
"Uh miss, that's all my order..." Ani ng customer na hindi ko napansin.
Nagpanic ako sa huling sinabi ni Madam. "Hi ma'am!!" Gulat na sabi ko, at nagmadaling ipinaulit sa malumanay na tono ang kanyang order. Tumawa lang si ma'am at inulit din ito. Buti nalang mabait!
Naku ka talaga, Kiel!!! Ginugulo mo pa utak ko. Kainis. Hindi ba naman sumipot sa tamang oras!
Nagpatuloy nalang ako sa pag take ng orders nang may isang lalaking nakasuot ng dark blue na polo ang lumapit sa supervisor namin. Kita ko agad kasi medyo kaunti na ang tao sa café nitong mga oras na to tsaka nasa may counter lang si ma'am malapit samin.
May sinasabi ito kay ma'am Honey sabay turo ni ma'am sa akin.
Umiwas agad ako ng tingin at kunwaring naghahanap ng alikabok sa countertop. Ang awkward naman nun. Ako ata pinag-uusapan.
Maya-maya, lumapit na sa akin iyong lalaki. Napalunok ako, ano kaya kailangan nito?
"Hi miss," anito sa baritonong boses. "Aila right?"
Napatingin ako sa kanya at agad na tumango, as if hindi ko alam na hinahanap niya ko. "Yup, Aila dela Paz, sir. Ano po ang maitutulong ko?"
"Hmm.." He smiled while looking at my face. Weird. Ngiti ngiti mo d'yan? "Uh, I'm Sven, colleague ni Kiel sa hospital. He asked me to drop by here to give this to you," sabay bigay ng papel na may nakasulat na oras at parang pangalan ng restaurant ata. Tinanggap ko naman agad ito.
La Tierra Hotel
7PM
"He had an emergency operation kanina and he will not be able to meet you daw as of the moment.." He said, still smiling at me.
Tumango ako. Pinaghintay pa nga. Mga lalaki talaga, hindi tumutupad sa pinag-usapan. De joke lang, hahaha. Naiintindihan ko naman.
"Ahh.." tango ko ulit. Di alam ang sasabihin. "Sige po, thank you?" Alinlangan kong sabi.
He smiled. "Sure, you're welcome, Aila." Paalis na dapat sya nang biglang magsalita. "Uh, by the way, I already informed your supervisor about your early out. Okay na daw. Ciao!" He finally said then walked out.
Napatitig ako sa papel na binigay nung lalaki. Nako, Kiel. Siguraduhin mo lang yang mga sasabihin mo. Yoko pa naman sanang mag out nang maaga baka iba naman pala sasabihin nun.
Pero on the other hand... Date ba 'to?
Muntik ko ng kutusan sarili ko sa naisip. Hoy, Aila! Maghunos-dili ka. Kung ano-ano ba naman kasi iniisip mo. Jusko. Malala ka na!
-
Author's note:
Hello!!! I'm back, I guess? XD