BOTHERED si Kana sa naging tanong ni Simone matapos niyang patayin ang tawag nito. Pero tumanggi siyang sumagot sa naging tanong nito at maayos na nagpaalam rito. After all, pinsan niya pa rin naman ito. Never niyang ginagawang topic ang bagay na ito dahil parang pinipiga ang dibdib niya. At kay Francy Lou lang niya talaga nao-open ang bagay na ito. Nag-iba ang mood ni Kana ng mga sumunod na araw. Ilang beses na siyang tinatanong ni John pero hindi siya nagsasalita. Nawala na siya sa mood, totally. Dumadami na kasi ang taong nakakaalam ng sekreto niya. Una, si Danilo Rogando. Kaya hindi niya mahindian ang hiling nito minsan kasi alam nito ang sekreto niya. Si Rogando ang nag-suggest ng lugar sa kanya sa Cebu at nakita naman niyang maganda ang balik kaya talagang pinush niya. Pangalawa si