HINDI makatulog si John dahil sa pag-uusap nila na iyon ni Kana. Dinig niya ang pagsigaw pa ni Kana kanina paglabas niya. Parang gusto niya ngang bawiin pero hindi na pwede. Nasabi na niya. Siguro naman may ideya na ito kung bakit bigla siyang nagbago. Tama lang siguro para tumigil na ito sa pakikipaglaro sa kanya. Mas mabuting naiinis ito sa kanya, at kung sakaling magdesisyon ito na ipatanggal siya, tatanggapin niya. Nakausap na niya ang kaibigang si Astin, pwede raw siyang ipasok nito sa kumpanya nito bilang driver o ‘di kaya security guard. Gusto nga nito personal bodyguard ng asawa nito, pero committed pa siya kay chief Palma. Kung gusto nga raw niya, pwede siyang mag-apply din sa mga madrid kung hindi na raw siya makakabalik ng serbisyo. Madali na sa kanya ang training na sinasabi n