Chapter 2: Last Night

1712 Words
SAMANTALA, napakamot na lang ang sundalong si John Serrano sa noo nang marinig ang sinabi ng kasamahan na pupunta sila sa bar. May misyon sila rito at hindi ang pag-bar hopping ang dapat sa kanila. Magtrabaho. Pero masyadong makulit ang mga kasamahan niya. “Ano ka ba, Sarhento, pinagtatabuyan na nga tayo ni Heneral na mag-enjoy ngayong gabi dahil ganoon din siya,” papalatak ni Rogando. "Sigurado ka bang hindi tatayo hahanapin ni General?" Nilingon pa niya ang kanyang kasamahan na nagbabantay ng seguridad din ni General. Nandito sila ngayon sa Malaysia. Hindi niya alam ang pakay ng Heneral dito, pero sa tingin niya, may kinalaman sa ilang isyu na nangyayari sa Pilipinas, partikular na sa Mindanao. "May private meeting siya, at hindi tayo kasama, kaya ang sabi niya, enjoy na lang natin ang gabi," nakangiting sagot ni Corporal Rogando. “Eh ‘di, e-enjoy natin!” Tama, may private meeting ito ngayon sa tinutuluyang bahay dito sa Malaysia. Hindi niya rin alam kung bakit hindi sila kasama sa magbabantay dito gayong tungkulin nila iyon, lalo pa't nasa ibang teritoryo ito. One-time mission ito para sa kanya habang hindi pa sila dini-deploy na kasalukuyang nakabakasyon din. Pero nahugot siya rito para sa misyon na ito. Hindi naman niya matanggihan dahil mula sa taas ang order. Tinanggal ni John ang sumbrero nang pumasok sila sa isang bar. Hinanap nila ang ibang kasamahan ding nauna. Apat sila at sila lang magkakasama pero dalawa sila ni Rogando ang nahuli dahil kakapilit sa kanya. Tahimik lang siya nang maupo siya sa bakanteng upuan. Hindi siya pamilyar din kasi sa mga kasama kaya maingat siya sa mga kilos niya. Kahit na sa pag-inom. Pero kapwa Pilipino ang tatlong babaeng kasama ng mga ito kaya naiintindihan niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Ilang sandali pa sila doon nang may dumating ulit na dalawang babae. Hindi sinasadyang nagtama ang paningin nila ng babaeng nakaitim na coat. Hinubad nito iyon kaya kita ang magagandang balikat nito sa suot na sleeveless na dress kulay itim rin. Hindi naman aabot iyon sa tuhod kaya kita ang mapuputi at maganda nitong biyas. Halatang mula ito sa mayamang pamilya. Singhap ang sunod niyang ginawa nang magdikit ang balat nilang dalawa. Napabaling tuloy siya sa dalaga. Parang wala lang dito ang spark na namagitan sa kanilang dalawa. Hindi rin nito napansin ang pagtitig niya sa magandang mukha nito habang paupo. Pero tumaas ang sulok niya dahil sa tabi niya talaga ito naupo. Dahil hindi ganoon kalawak ang upuan ay muling nagdikit ang balat nila nang ayusin nito ang pagkakaupo. Parang nagugustuhan niya ang presensya nito. Hindi niya tuloy alam kung dahil sa alak ang nararamdamang init o dahil sa pagkakadikit ng balat nila ng dalaga. At habang lumalalim ang gabi, nagiging maingay ang mga kababaihan, na lalong ikinasiya ng mga kasamahan niya. Hindi na rin niya mabilang pagtingin niya rito. Mukhang nagugustuhan na rin niya yata ang dalaga. Baka dahil sa ganda nito kaya ganoon lang siya kung makatingin dito. Pero sinisiguro niyang hindi siya nito mahuhuli na tumitingin. Umabot din mayamaya sa isang seryosong usapan tungkol sa kaibigan ng mga ito na katabi niya— si Kana. May taning na pala ang buhay nito kaya nakaramdam siya nang awa. “Kaya kung ako sa ‘yo, tanggalin mo na ang garter ng panty mo at makipag-s*x ka na sa lalaking gusto mo,” ani ng isang kaibigan ng katabi nito. “Don’t worry, may napupusuan na ako para sa masuwerteng makakauna sa akin! At dito ko mismo sa Malaysia ibibigay ‘yon.” Tinaas ni Kana ang hawak na kopita sa mga kaibigan nito na sinabayan nang ngiti. Agad namang itinaas ng mga kaibigan din nito ang hawak maging ang mga kasamahan niya. Siya lang ang bukod tanging hindi natutuwa sa topic ng mga ito. Tama bang ibigay sa random na lalaking makikilala nito ngayon dito sa Malaysia? Nakakapanghinayang lang. Napahilot siya sa noo niya. Sa ilang oras pa lang niyang katabi ito, inaamin niyang gusto na nga niya ang dalaga. Sayang lang at ngayon lang niya ito nakilala at bilang na lang ang araw nito sa mundo. “So, kanino mo ibibigay, besh?” ani ng babaeng katabi ni Kana. Ewan pero interesado siya sa isasagot ni Kana kaya napatingin din siya dito. Pero ang tagal nitong sumagot kaya naiinis siya. Meron sa banda ng puso niya na sana sa mabuting lalaki naman. At least, walang worries na babaunin ito sa kabilang buhay dahil naibigay nito sa lalaking karapat-dapat. Dinala niya ang hawak na baso sa labi para sumimsim ng alak. Saktong nasa loob ng bibig na niya ang alak nang sumagot na ang dalagang katabi. “K-kay Serrano.” Sabay turo ni Kana sa kanya. Dahil sa sinabi ng dalaga, bigla niyang naibuga ang alak sa baso niya pabalik. May mga tumalsik pa nga dahil sa pagkabigla niya. Hindi lang niya inaasahan ang sinabi nito. Sa kanya nito gustong ibigay ang iniingatan nito? Nababaliw ba ito? Ngayon lang sila nagkita tapos ibibigay sa kanya nang ganoon-ganoon lang? Bumaling siya sa dalaga. Nagtama ang paningin nito pero siya ang unang nagbawi noon. “Nananahimik ako dito, Miss,” kunwa’y sabi niya. Lumunok pa siya kapagkuwan. Humarap ito sa kanya at ngumiti. “I know. Pero sa ‘yo ko gusto.” Nagsimulang gumapang ang kamay nito sa dibdib niya kaya nakaramdam siya nang kakaibang kiliti. Naghiyawan din ang mga kaibigan nito maging ang mga kasamahan niya. Napalunok siya mayamaya nang biglang kunin ni Kana ang hawak niyang baso. Inilapag nito iyon sa mesa pagkuwa’y kinuha ang kamay niya at hinila siya patayo. “So, pwede ko bang mahiram muna siya ngayong gabi, guys?” nakangiting tanong nito sa mga kasamahan niya. Parang may bumara sa lalamunan niya ng mga sandaling iyon. Pero nang makabawi ay hinarap niya ito. “Hindi pwe—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang segundahan iyon ng mga kasamahan niya. Tinaboy pa siya ni Corporal Rogando. “Go, Miss Ganda! Enjoy your night!” Pinanlakihan niya ng mata si Rogando. “C’mon, ilang buwan na lang mamamatay si Kana. Nakakaawa siya, o. Saka wala kang poproblemahin kung sakali, Serrano. Wala ka rin namang girlfriend, ‘di ba?” ani pa ng kasamahan niya. At muling sumang-ayon ang mga kasamahan nila sa mesa. Lumapad din ang ngiti ni Kana na noo’y tinatamaan na ng alak. Hinilig pa nito ang sarili sa kanya. Ramdam niya sa mga kalamnan niya ang panginginig. Hindi niya rin maintindihan ang dibdib kung bakit ganoon na lang kung mag-alburuto. Nag-angat nang tingin ang dalaga sa kanya. “Let’s go.” Puno nang kagustuhan ang mata ni Kana ng mga sandaling iyon. Ang labi rin nito ay nag-aanyaya rin kaya hirap na napalunok siya. Parang gusto na nga niyang halikan. Bakit parang hindi niya kayang hindian ang babaeng ito? Ibig bang sabihin naka-move on na siya sa first love niya? Namalayan na lang ni John na hila-hila na siya ng dalaga palayo sa mga kasamahan at kaibigan nito. Nang makapasok sila sa taxi na pinara ni Kana ay nagulat siya sa ginawa nitong paghila sa damit niya. Bigla rin nitong sinakop ang labi niya. Bahagya pang nanlaki ang mata niya pero lalong lumaki nang bigla na lang naupo ito sa kandungan niya paharap at pinag-igi ang paghalik sa kanya. Nakaka-tempt na si Kana talaga. Gusto niyang tugunin pero nasa public place sila. Napatingin tuloy siya sa driver ng taxi na iyon na noo’y nakatingin din mula sa rear view mirror nito. “K-Kana, mamaya na lang, please? Nakatingin ang driver.” Natigilan naman ang dalaga. Halata ang inis sa mukha nito. Tumingin pa ito sa driver ng taxi bago naupo na lang sa tabi niya. Pero nakapulupot ang kamay nito sa braso niya. “You are mine tonight, Serrano. Tandaan mo ‘yan,” anas nito na ikinatitig niya rito. Nakapikit ang mata nito kaya malaya niyang natitigan. Perpekto ang mukha nito para sa kanya. Na-realize niya iyon nang matitigan ito. Mula sa mata nitong parang hugis almond na may kulay dark brown. Ang ilong nito na proportion ang ratio sa bibig nitong pouty na talagang nakakalunok kapag lumabi o ‘di kaya kumibot. Nakakadala rin kapag ngumingiti. Muling napalunok si John nang mapagtantong huminto na ang taxi sa lugar na sinabi ni Kana. Mula sa pinagmulan na bar hanggang sa tapat ng five-star hotel na ito ay nakatingin lang siya sa natutulog na dalaga. Ilang beses niyang naitanong ang sarili kanina. Bakit kasi ngayon lang niya ito nakilala? Masuyo niyang ginising ang dalaga. Nag-angat ito sa kanya nang tingin pagkuwa’y ngumiti. Bumitaw lang ito sa braso niya nang makita ang nginuso niya, ang harap ng hotel nito. Sinamantala niya iyon para lumabas at pagbuksan ito. Siya na ang nagbayad ng taxi kanina dahil nakakahiyang ipasagot niya pa rito. Kusa na nga nitong ibibigay sa kanya ang p********e nito tapos pagbabayarin pa niya? May pagka-gentleman pa rin naman kaya siya. Kung titingnan sila ng ibang tao, para silang may relasyon dahil magkahawak ang kamay nila ni Kana. Bahagya pang nakasandal ito sa braso niya habang naglalakad lalo na nang makapasok sa elevator. Napaka-bold ng dalaga dahil talagang binulong nito sa kanya na excited na ito sa mangyayari sa kanila. Kung malaki ba ang kanya at kung talaga bang mapupunit ang hymen nito. Kung wala lang tao siguro baka may ginawa na silang milagro doon dahil sa pinaglalabas ng bibig ni Kana. “Tang’na,” biglang sambit niya nang mapunta ang kamay nito sa pagitan ng hita niya. Kanina pa nga iyon umbok dahil sa ginagawa nitong pagbulong-bulong. Mukhang sinasadya rin nitong ipasayad ang labi sa tainga niya na nagdudulot nang kiliti sa buong katawan niya. Dinig niya ang paghagikhik ni Kana mayamaya. Sumandal ito sa dingding ng elevator at tiningnan siya nang nakakaloko. Hindi niya alam na masyadong pilyo ito. Tuloy, nagdulot nang pagtaas ng libido sa katawan niya. Ngayon lang ulit siya nakaramdam nang ganitong klaseng init. Ang huli niya? Ang ex niya na sumama sa ibang lalaki na mayaman. Pero hindi akalain ni John na huling araw na pala niya na malaya. Dahil pagdating niya sa tinutuluyan dito sa Malaysia, may naghihintay na sa kanya na mga otoridad mula sa Pilipinas kasama ang ilang otoridad din na nagmula sa bansang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD