“SERIOUSLY? Meron agad?” Tiningnan pa niya nang masama si Ian at Callen na parehas natatawa. Ano ba ang nakakatawa sa kanya? “What? Wala ka bang bilib sa akin?” ani ni Ian kay Kana. Tinapik pa nito ang folder na nasa harapan nito. “Wala. Sa tawa mo pa lang, hindi na kapani-paniwala. Saka, bakit ang bilis? Hindi kaya irrelevant ang nakalagay dyan?” “Fine. Natatawa kami dahil nasa tabi mo naman si John, hindi mo pa tinanong.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Eh, sa gusto kong sa inyo malaman, e. C’mon, bigyan mo nga ako ng magaling mong tauhan at—” “Okay. Hindi lang ikaw ang nag-request niyan,” putol nito sa sasabihin pa niya. “Si Astin din kaya ganoon kabilis. Alam mo naman na parang kapatid na ni Astin ang bodyguard mo. Okay na ba, Miss Palma?” “I-I see,” aniya. “Pero accurate ba ‘to?”