Chapter Fifteen: Invitation + Theo's Thoughts Theo Monteverde's Point of View Busy ako sa pagbabasa ng mga reports about sa sales ng company, nang may kumatok at pumasok si Ana, ang secretary ko. "Sir, may dumating pong invitation galing kay Mr. Takahashi. Grand opening po ng kanyang hotel," she said at ibinigay sa akin ang isang envelope. "Kailan ba yan?" I ask habang may binabasa akong document. "This Saturday po," sagot niya at tumango naman ako. "Okay. Tingnan mo kung may nakaschedule akong meeting sa araw na 'yan. Pag wala pupunta ako." "Yes sir," she said at lumabas na ng opisina ko. Napabuntong hininga ako. Halos maghapon na akong nagtatrabaho at ramdam ko na ang pagod sa katawan ko, sa mga mata ko dahil sa walang katapusang mga