Chapter Eighteen: Convo With the Crazies Theo Monteverde's Point of View "Oy pare! Hinay-hinay lang. Mamaya hindi ka na makatayo diyan," sabi ni Henry sabay agaw sa basong hawak ko. Sa asar ko ay agad kong iniwas ito at tiningnan siya ng masama. "Ano ba? Huwag mo nga akong pakialaman!" singhal ko sa kanya. "Eh di don't!" sigaw niya pabalik sa akin. "Tinawag-tawag mo kami tapos huwag kang pakialaman. Gago ka din no?" sabi naman ni Cerces. Inubos ko ang laman ng baso ko. "Oo. Sobra. Sobrang gago ko," I said. "Ano bang nangyari? Pumunta ka lang sa isang party ni Takahashi, nagkakaganyan ka na," Henry said at nagsalin ng alak sa baso niya. "I saw Ellaine. She was there," sabi ko. "O tapos? Anong ginawa mo?" "She's with another man. Boyf